V

186 27 9
                                    

DOTS on the MM. Huhuhuh tapos na siya! Ang ganda super. Tapos yung Everytime by Chen and Punch nakaka-LSS. Promise!

Typos are coming! Enjoy. Salamat sa mga nagbabasa nito.

#Exo
#SNSD

----

Kai's POV

"Mamatay na yang damo sa kakabato mo Kai. Ano bang problema mo?"sigaw ni Chanyeol hyung.

"Ha? Ehhh..."bigla naman akong bumalik sa katinuan.

"Ha? Eh? Ano yun? Ano bang problema mo Kai. Kanina pa kami daldal ng daldal dito hindi ka naman nakikinig."sabi ni DO hyung. Itinigil ko naman ang pambabato ko sa mga damo.

Nandito kami sa mini garden nang school. Walang magawa eh kaya dito namin naisipan tumambay. May meeting ang mga prof ngayon. Pinapasok pa kami eh wala namang pasok. Gulo noh?

"Wala naman. May iniisip lang."sagot ko nang hindi sila tinitignan.

"Alam ko na! Mangchicks nalang tayo pre. Ano game ka? Game kami ni Sehun!"yaya ni Luhan hyung.

"Oo nga Kai."sabi ni Sehun saka tumayo. Game na game talaga tong mga to.

"Let's go!"tumayo na rin ako.

"Asus! Babae lang pala ang hanap. Make sure may dala kayong proteksyon. Baka makaiwan pa kayo nang souvenier."sabi ni Suho hyung. Alam niyo naman siguro kong ano ang proteksyon diba?

"Palagi yan hyung. Mauna na kami"sagot ni Sehun at lumayo na kaming tatlo sa kanila.

Ang totoo niyan naiinis ako. Tinanggihan ba naman ako ni Yuri? Eh dati rati kahit saan ako magpapasama sa kanya o kahit saan kami kakain sumasama pa rin siya. Tapos ngayon may date daw siya? As if naman totoo yun. Ang sabihin niya galit pa din siya sakin.

But I doubt it, kasi kanina sinubukan kong asarin siya sa pamamagitan nang pagsipa nang upuan niya but she never got angry. Dati rati kapag iniistorbo ko siya nagagalit siya kahit kami pa nun. Then I tried again for the second time when I hit her a paper. Pero di din siya nagalit binasa pa nga niya eh. Kaya baka hindi siya galit sakin.

Pero tinanggihan niya pa rin ako. Huh! Akala naman niya pipilitin ko siya.

Pumunta agad kami sa parking area.

"Pre si Yuri oh!"saad ni Luhan hyung.

"May kasamang boy. Sino kaya yan?"sabi naman ni Sehun. May date nga siya.

Sino kaya tong lalaking to? Hindi ko kasi makita ang mukha, nakatalikod kaya. Magkasing tangkad sila ni Kris hyung.

"Hoy Kai! Halika na."sigaw ni Luhan hyung. Nakaalis na pala sina Yuri pero nakatingin pa rin ako sa sasakyang umaandar.

"Kai. Ano na? Marami nang naghihintay satin."sigaw naman ni Sehun. Nakasakay na pala sila sa kotse. Tsk! Bakit ko ba tinitignan si Yuri kanina?

"Whoah! Girls here we go!"sigaw nina Sehun and Luhan hyung.

"Whoah!"nakisabay naman ako sa kanila.

Pagkadating namin sa isang bar andaming sexy at hot na mga babae.

"Hi boys!"bati samin nang isang babeng kulot ang buhok at medyo pandak.

"Hi Chloe."bati ni Luhan hyung sa kanya. He knows this girl?

"Luhan may kasama ka pala. Tawagin ko lang yung mga kasama ko."sabi nung Chloe at nagexcuse na samin.

"Mananagot ako kay Irene nito."saad ni Sehun.

The Love That Got Away (EXOSHIDAE)Where stories live. Discover now