[W.O.F] CHAPTER 7: A FAMILIAR'S APPEARANCE

Magsimula sa umpisa
                                    

"'Yun na nga eh. Sa ngayon, 'yun palang ang naiisip naming dahilan ni Kiro. Pero hindi pa namin alam kung pa'no." sabi ni Silver.

"Teka, sa tingin mo Kiro ikaw lang kaya ang nakakita't nakarinig nun?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam Clyde." sagot naman niya.

"Pero ito pa ang pinag-iisipan naming mabuti ni Kiro at ni Yuri." sabi ni Silver. "Hindi kami sigurado pero siya lang ang naiisip naming gumawa nun." dugtong niya.

"Ano? 'Yung maliit na apoy kinuwento niyo kamo?" tanong ni Zeth.

"Yes." napatingin kami sa singsing ni Kiro nang biglang sumagot si Yuri. "Matagal ko na 'yun nase-sense. Pero isa lang ang malinaw sakin. Kakampi siya at kilala namin siya. Kilala natin siya. Hindi lang namin matukoy ni Kiro kung sino." dugtong niya.

"Diba sabi niyo kamo kilala niyo siya pero hindi niyo lang alam kung sino? Eh sino lang ba ang kilala nating gumagamit ng apoy?" tanong ni Zeth at nagkatinginan kaming lahat.

"Ang familiar ni Asky. Si Yume. Posibleng siya si Yume." sabi ni Yuri.



K I R O

"Ang familiar ni Asky. Si Yume. Posibleng siya si Yume." pagkasabi ni Yuri nun, nagulat kami ng bigla siyang nanahimik.

"Yuri, bakit?" tanong ko sa kanya sa isip ko.

"Tinatawag niya ako. Lumabas tayo Kiro." malakas na sabi ni Yuri.

"Huh? Sino naman?" takang tanong ni Zeth. Hindi na kami nag-usap at agad na kaming lumabas. Pagkalabas namin, dine-activate ko na agad yung training field. Maya-maya, nagsalita nanaman si Yuri. Pero hindi na nila naririnig ang usapan namin.

"Kiro nandun sa sa may cliff na pinuntahan natin noon. Kung saan natin siya unang naramdaman." pagkasabi niya nun, agad kong tinuro sa kanila ang daan papunta sa lugar na iyon.


*****


(Time: 9:00 P.M.)

"Kiro, anong ginagawa natin dito?" tanong ni Zeth sa'kin at tumingin ako sa kanya.

"Dito ang lugar kung saan namin siya unang naramdaman ni Yuri." sagot ko sa kanya. Pansin kong nililibot nila ang mga mata nila.

"Saan? Wala naman akong nakikitang familiar dito." sabi ni Zeth. Pumunta ako sa dulo ng cliff at pinikit ko ang mga mata ko.

"Yume... ikaw ba talaga yan?..." sabi ko sa isip ko. Maya-maya, nagulat nalang ako ng biglang sumigaw si Zeth.

"K-Kiro! Tumalikod ka!" pagkasabi niya nun, agad akong tumalikod at humarap sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko. May lumabas na limang maliliit na apoy na nakapabilog at walang tigil sa pag-ikot. Maya-maya, isa-isang namatay ang mga apoy.

"Anong nangyari--ano 'yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Clyde.

"Bakit nawala?" tanong naman ni Zeth. Sinenyasan sila ni Silver na tumahimik at lumapit ako kung saan lumitaw ang mga apoy.

Alam kong ikaw 'to. Naniniwala akong ikaw 'to.

"Yume." bigkas ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Kahit sila ay nagulat din.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon