Chapter 3

2.9K 94 4
                                    

Chapter 3 – The New Keil

Lunch break na pero hindi pa din bumabalik si Keil. nagugutom na din ako.

*BZZZZT BZZT*

Tiningnan ko kung sino yung nagtext.

From: Calyx

"Hey, pretty lady. Lunch time na. susunduin na lang kita diyan. Mwah!"

Napapailing na lamang ako. Hanggang kaibigan lang talaga ako Calyx.

Tsakto namang pagdating ni Calyx ay tapos ko nang ayusin yung mga gamit ko. siniperate ko na yung mga natapos ko para mamaya babalikan ko na lang.

"Yow!" bati sa akin ni Calyx pagkapasok niya ng opisina. Cool niya talaga tingnan.

"Tara na." yaya ko.

Habang papunta kaming café ng hotel ay nanlumo ako ng makitang 150 pesos na lang ang laman ng wallet ko. tse! Nagbayad pa kasi ako kay Aling Lucia eh.

Bumungtong hininga ako. "Ano ba yan? Anong mabibili ko sa 150 pesos? Bwesit na yan."

"Don't worry. Treat ko." tiningnan ko siya ng masama.

"Fine! Relax okay? Ngayon lang to. Gusto mo bumawi ka na lang sa first sahod mo okay?" nakataa ang mga kamay niya na para bang sumusuko na.

"Ngayon lang ha. Ayoko lang kasi du—"

"Dumepede sa iba? Ay naku Chelsea. Memorize na kita. Oo na. Bawi ka nalang pag merun kana." Ngumiti ako.

Mabait siya. Pero bakit hindi ko siya makuhang malihalin tulad ng pagmamahal ko kay Keil? Bakit hindi na lang siya para hindi na ako masaktan pa?

Madaming pagkain ang inorder niya para sa amin. Pang tatlong araw ko na to. Seriously.

Habang kumakain napatingin ako kay Calyx.

"Lyx?"

"Hmmm.."

"Bakit nagtatrabaho ka dito? Eh may saliri na man kayong company. I mean, pangalawa kayo sa mga Montero pero bakit nagwowork ka pa din dito?" niliitan ko ang mga mata ko. "Spy ka no? oh My God Calyx!!"

Tumawa siya ng malakas dahilan para mapalingon yung ibang kumakain sa mesa naming. Tinakpan ko yung bunganga niya. Peste!

Dahn-dahan niyang tinanggal yung kamay ko. "You really don't fail to amaze me Chelsea. Kaya siguro hanggang ngayon mahal pa din kita kahit alam kong wala naman talaga ako pag-asa."

Suimangot ako. magsisimula na naman siya.

"D mo sinagot yung tanog ko eh. Kala ko pa naman friends tayo. Yung pala maglilihim ka lang—"

"I want a new environment. Ayoko dun sa amin. Kasi may special treatment ako dun. Eh dito? I'm just a mere employee." Tumango ako. Siya nga yung Calyx na kilala ko.

Medyo napasarap ang pag-uusap naming ni Calyx kaya naman hindi naming namalayan yung oras. Papunta na ako sa office ni Keil ng bigla akong hinarang ni Melba. Yung medyo chubby na babae na nakausap ko kanina.

"Naku girl. Nagwawala na si Sir Keil sa loob. Galit na galit siya. San ka ba nagpunta?" kinabahan ako. isang beses ko lang nakitang magalit si Keil noon.

"Naglunch lang ako. Anong nangyari ba?"

"Hindi din namin alam eh. Pagpasok niya bigla na lang niyang pinagbabasag 'yung mga vase."

"S-sige. Puntahan ko na lang siya."

Kinakabahan ako habang pinipihit ko ang doorknob ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. nagkalat yung mga bubog sa sahig. Pati na din yung mga papers. Si Keil nakaupo lang sa shivel chair niya. Nakapikit ang mga mata na para bang ang lalim ng iniisip.

Possessive Badboy Book 2 (On-going)Where stories live. Discover now