Chapter 9

2.7K 68 2
                                    

Chapter 9 - Stalk pa more

Okay. Kinain niya yung nikuto ko. Woooh!!

Sa sobrang saya ko tumakbo ako papuntang kwarto ni Keil. Alam ko yung room niya kasi sinabi ni John. Sabi pa niya bawal daw pumasok sa kwarto ni Keil. Ayaw niya daw kasing may nangingi-alam sa mga gamit niya eh.

Pinihit ko yung door knob. Bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sayang nararamdaman ko. Waahh.

Pagpasok ko nakapatay na ang ilaw niya. Yung ilaw na lang sa labas ang nagsisilbing liwanag sa kanyang silid.

Andun siya. Sa king size bed niya. Napangiti ako ng makita ko siyang tulog na tulog. Napagod siguro.

Tumalon ako sa kama niya.

"Hmmm.." napaungol siya saka iniba yung posistion niya. Tumalikod siya sa akin.

Humiga na ako sa tabi niya saka kinumutan din yung sarili ko. Niyakap ko siya patalikod. Gagawin ko din yung mga ginawa mo noon para mafall ako sayo. Kaya humanda ka.

"Keil..." bulong ko sa tenga niya. "Mahal na mahal po kita." hindi pa din siya kumikibo.

"Hoy Keil.."

"Uhhmmm.." hinigpitan ko pa lalo yung pagkakakyakap ko sa kanya.

"Chelsea..." napangiti ako ng hinawakan niya yung kamay kong nakayakap sa kanya. Nanalalamig ako sa sobrang kilig. Woooh!

"Yes Keil ko?" napawi ang mga ngiti sa labi ko ng dahan-dahan niyang tinanggal yung pagkakayakap ko sa kanya.

"Bumalik ka na sa room mo. Pagod ako. Wala akong panahon sa mga kalukuhan mo." bumangon na ako saka umupo sa kama niya.

"Galit ka pa din ba sa akin?" sinadya kong lungkutin ang boses ko.

Marahas siyang bumuntong huminga. "Naayos ko na ang lahat. Hindi naman ako nagalit eh. So pwde ba. Bumalik ka na sa room mo."

"Galit ka lang talaga eh.."

"Chelsea!!" ramdam ko ang pagbabanta sa boses niya.

"Oo na. Ito na oh.. Aalis na ako. Tatayo na ako. Naglalakad na ako. Bubuksan ko na yung pinto."

"Chelsea ano ba??!"

"Oo na.. Oo na. Aalis na nga oh.. Goodnight future husband." sabi ko saka nagflying kiss. Nang maisara ko na yung pinto pigil tili ang ginawa ko. Priceless yung mukha niya eh. Haha! Yes! I knew it! I knew it! Mahal mo pa rin ako!!

"Hoy! Napano ka??!"

"Ay multong bakla! Ano ba John?!! Ginulat mo naman ako eh."

"Anyayari ba sayo?!"

"Seecret!! Sige na. Matutulog na ako. Good night dear. Haha." patalon talon ako habang papunta sa kwarto ko.

Pagulong-gulong ako sa kama ko. Waahh. Wal naman akong ginawa pero bakit kinikilig ako??! Nakatulog ako na nakangiti.

Kinabukasan.

Sunday ngayon. Walang pasok. Inagahan ko ang gising ko para ayain magsimba si Keil.

"Good morning Philippines! Good morning Keil ko." sigaw ko habang pababa ng hagdan.

"Umalis na yung Keil mo." sabi ni John habang kumakain ng mansanas. Nakaupo siya sa sofa habang nakapatong yung yung dalwang paa sa center table. Anong klasing butler to?

"San punta? Linggo ngayon ah. Wala namang work." tumabi ako sa kanya. Nakikikain na din ako mansanas.

"Date daw nila ni Fiona."

Possessive Badboy Book 2 (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon