Chapter 66 (November 02, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Phoebe... anak... " hinahaplos-haplos ni Manang ang likod ni Phoebe. "uuwi naman yun mamaya eh... Hwag ka nang mag-alala diyan..."

"Manang hindi naman ako nagaalala! Naiinis po ako! Nakakainis si Kent! Ang sama niya!!!"

"Makinig ka muna sa paliwanag niya mamaya... Hintayin mo muna yung pagdating niya. Dito naman uuwi yun eh. Sigurado ako, may magandang paliwanag si Kent" pampalubag loob ni manang Lourdes sa kanya.

"Ehhh..."

Pinakalma ni Phoebe ang sarili. Alam niyang kaya sila nagaaway ay dahil sa mga misunderstanding. Pero kahit anong gawin niya. Naiinis siya. Lalo pa ngayon na hindi sinasagot ni Kent ang tawag niya.

"Magpahinga ka na lang diyan. Ipahinga mo ang sarili mo pati ang utak mo. Alam mo kung anong mabuti sa kalagayan mo Phoebe."

"Opo..."

"Igagawa kita ng meryenda... Ano bang gusto mo?"

Nag-isip si Phoebe.

"Wag na lang po manang... Aalis po muna ako."

"Aalis? Eh saan ka naman pupunta?" nagaalalang tanong ni Manang.

"Baka kina Jhone po... Maglilibang. Sige na po please... Magiingat naman po ako eh..."

Di na siya nagabalang umakyat para magbihis. Naglakad na siya palabas. At alam niyang hindi lang siya pinigilan ni manang dahil wala naman na itong magagawa. Tinext niya na si Jhone.

|Jhone... nasa bahay ka ba? Naglalakad na ako papunta diyan. TT_________TT|

Maya-maya ay nagvibrate ang telepono niya. Sa isip niya, umaasa pa rin siya ng kaunti na si Kent yun. Pero hindi na siya nabigla ng si Jhone pala ang tumatawag.

"Hello?" sagot niya dito.

"NASAN KA? NAGALAKAD KA BA?!!? BAKIT KA NAGLALAKAD? SABIHIN MO KUNG NASAAN KA. EKSAKTONG LUGAR HA! WAG KANG GAGALAW! SUSUNDUIN KITA!!!"

Inilayo niya ang cellphone sa tenga niya. Napakalakas ng boses ng kaibigan.

"Ang ingay naman!! Oo naglalakad ako. Exercise na din.  Wag ka ngang sumigaw!"

"NASAN KA NGA?!!! NAPANUOD MO YUNG INTERVIEW NUNG BRUHA NUH?!! HAY NAKAU FRIEND! WAG KANG MAGPAAPEKTO! WAG KANG MAGIISIP NG MASAMA!"

"Oo napanuod ko. Wag ka nang magabala. Malapit lang naman yung sa inyo eh." Sagot niya habang hinihimas ang tenga.

"HINDI BASTA! BAKA MAPAHAMAK KA PA KALALAKAD MO SAAN KA??"

Sinabi na nga ni Phoebe kung nasaan siya. Huminto muna siya sa isang bus stop at maya-maya na lang ay nakita niya nang humaharurot ang sasakyan ni Jhone papunta sa kinaroroonan niya.

"GURL!!!!!!" patakbong lumabas ng sasakyan si Jhone kasabay ng pagyakap kay Phoebe.

"Ahh! Ang lakas mo pa rin magsalita!!! Okay naman ako! Mas nagpapanic ka pa kesa sa akin eh!" sabi ni Phoebe.

"EH KASI NAMAN FRIEND!!!" inakay na siya ni Jhone sa shotgun seat habang isinusuot sa kanya ang seatbelt. "ANO BA KASI YUNG ASAWA MO... BUNTIS KA NA NGA'T LAHAT LAHAT EH TULOY PA RIN SA PAKIKIPAGKASUNDO SA MGA KAGUSTUHAN NI ELISA!!"

Tuluyang nanlumo si Phoebe.

"Hayaan mo na nga... Hindi naman siya nagsalita sa interview eh." Pinipilit ni Phoebe maniwala na wala talagang kinalaman si Kent sa mga pangyayari sa TV kanina.

"EHH ANONG HINDI NAGSALITA?! NAPANUOD MO BA YUNG KASUNOD NA SHOW?!?! MAGKASAMA PA SILA SA WAITING ROOM NI ELISA... AT DOON... SI KENT NA MISMO ANG NAGSABI NA SIYA ANG NAGYAYA KAY ELISA NA MAGING ESCORT! KUNG HINDI KA NGA NAGTEXT BAKA NATAPOS KO NA YUNG PINAPANUOD KO"

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon