Chapter 55 (October 05, 2011)

873K 11K 1.6K
                                    

DATE POSTED: October 05, 2011


Chapter 52

"Bakit ka ba nagpapasama pa? Pwede ba ako doon? Baka naman palabasin ako nung masungit na stage manager na yun."

"Sige na Jhone! Eto nga naglalakad na nga tayo eh, malapit na nga tayo sa school eh! Samahan mo lang ako!"

Hawak-hawak ni Phoebe ang braso ni Jhone habang mabilis silang naglalakad.

"Bakit mo pa kasi ako sinasama? Eh nakapagpractice ka naman kahapon ah! Linggong linggo, gagala nga dapat ako eh!"

"Sige na naman! Doon ka lang naman sa may malayo eh. Tska sasamahan mo ako pag breaks tska pag napapagod ako uupo ako sa tabi mo!!" pangungumbinsi pa rin ni Phoebe kahit malapit na sila sa school.

"Hoy Fibboy Palaboy! Sinuswerte ka talaga nuh? Di ka pa nga sikat may alalay ka na agad!"

"Pshh! Sige na! Alam mo ngang masama ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw eh... Tska... tska ano kasi.... May nangyari... sa amin ni Harley"

"May nangyari sa inyo ni Harley?"

*boinx*

Binatukan ni Phoebe si Jhone.

"Aray naman! Akala ko ba masama pakiramdam mo bakit ang lakas lakas mo pa rin mambatok? Tska ano ka ba? Ikaw na nga nagppasama dyan..."

"Kung anu-ano kasi ang sinasabi mo!!! May nangyari nga kasi! Pero hindi yung iniisip mo!"

"Yung mga words mo kasi ayusin mo!" sagot ni Jhone.

"Ano... Kasi... Kahapon nakakahiya. Eh di si Harley lang yung kakilala ko doon diba?" tanong ni Phoebe.

"Ha? Bakit? Anong nangyari?"

"Ehhh di kami yung palaging magkausap pag break time." Pagtutuloy ni Phoebe. "...Tapos nung umiinom siya ng mineral water..."

"ANO????!!! Ano ba yan binibitin pa ako! Anong nakakahiya sa paginom sa mineral water."

"Kasi.. pinisil ko yung ilong niya nung umiinom siya... Kaya ayun, napabuga siya tapos natapon yung mineral sa set."

"Ano namang trip mo gurl???!!!" malakas na sabi ni Jhone

"Ehh kasi diba sabi ko sayo parang trip ko pagtripan si Harley. Kaya nga kita isasama eh. Kasi nung bago kami umuwi kahapon, tuwang tuwa na din si Harley sa akin, tinanong niya kung may gusto daw ako sa kanya kasi tingin daw ako ng tingin... Wall pabiro lang naman pero diba? Nakakahiya na talaga!!!"

"Sus!!!! Eh baka nga may gusto ka sa kanya! Nung isang araw nga gusto mong kagatin yung ilong niya eh! Wahahahaha. Tapos kahapon naman.... Pinisil mo? At habang umiinom pa siya?"

"Hindi lang yun! Nung magkayakap kami kasi... doon sa script magyayakap kami bago siya umalis eh, sobrang tagal nung yakap niya... na parang gusto ko nang kagatin yung leeg niya!!!" sabi ni Phoebe.

Tumigil muna sila. Nasa tapat na kasi sila ngayon ng school.

"Nababaliw ka na friend."

"Nagiging bampira na yata ako Jhone."

"Lagot ka kay Kent!"

"Oiiii grabe!!! Bakit ano bang ginawa ko?"

"Feeling ko kasi... May crush ka na diyan kay Harley eh."

"Ha???!"

"Tsk Tsk Tsk Tsk!"

Sabay silang napalingon sa pinagmulan ng nagchuckle.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon