Chapter 57 (October 11, 2011)

848K 11.1K 787
                                    

DATE POSTED: October 11, 2011


Chapter 57

"Please fasten your seatbelts, we are now approaching Manila, Philippines. Thank you for flying with us."

Kanina pa iyon naririnig ni Kent. Nakadalawang ulit na rin ang nagsasalita sa intercom pero nanatili pa rin siyang nakapikit. Naririnig niya yung masasayang boses ng mga tao sa eroplano. Mga Pilipino na nakabalik na sa bansa at masayang masaya na. Mga turista na excited na rin makapamasyal sa maynila. Pero madaming iniisip si Kent, oo masaya siya dahil makikita niya na sa wakas ang asawa, pero... nababahala siya sa mga pinagusapan nila ng manager niya bago sumakay ng eroplano. Ang kontrata, at ang voidd na kasal.

Should I delay the marriage? Tsk hindi pwede... Magagalit yung engot na yun! Pero kasi... tama naman si Mel ehh. Maghihintay lang ng kaunti, para less damage. Wala nang demandahang nagaganap. Naguguluhan din ako dun sa mga law na yun. Pero kung void ang kasal naming, hindi nga naman ako madedemanda. Pero... kasi... nakapangako na nga akong papakasalan ko siya ulit diba? Ang gulo!!!

"Kent! Naglalanding na ang eroplano nagkukunwari ka pa diyang tulog! Dumilat ka na diyan. Ayusin mo na ang hand carry mo." sabi ni Elisa na katabi niya sa upuan. "Grabe excited na ako! Mag lunch daw muna tayo kina direk then pahinga na! Papasok ka pa ba? Hwag ka ng pumasok. May 'it's-a-wrap party' pa si direk eh!"

Dumilat siya.

"Ang ingay mo masyado. Oo papasok pa ako. Susunduin ko si Phoebe." Sabi ni Kent habang inaayos ang dala-dala.

"Ohh well papasok na rin ako." Tumingin si Elisa sa orasan at nagisip. "Matignan natin yung pumalit sa akin." Matabang na sagot ni elisa habang sinisimulang magretouch. Nakaharap ito sa compact press powder, at kahit naglalanding na ang eroplano,tuloy-tuloy pa rin ito.

"Papalit saan?" curious na tanong ni Kent

"Sa play? Ngayon yung play right? Sige kung papasok ka. Panuorin na lang natin kung sino ang mga 2nd rate casts na pumalit sa atin."

"Wala akong pakialam sa play. Kakausapin ko lang adviser tska susunduin ko si Phoebe."

"Alam niya bang dadating na tayo ngayon?" tanong ni Elisa na nagsusuklay na ngayon ng buhok.

"Oo..."

"Alam niya bang napaaga ang uwi natin?" tanong ulit ni Elisa na nakasuot na ngayon ng wayfarers. Ready na para bumaba.

"No..." maikling sagot ni Kent. Ang gusto niya kasi ay isorpresa talaga si Phoebe.

Tuluyan ng nakapaglandin ang eroplano.

"We're back."

*

"Are you okay?? May masakit ba sayo? Kaya mo bang umarte arte doon kahit b--"

"Napakaingay mo! Shhh nga! Pag may nakarinig sayo eh!!" sagot ni Phoebe. Nasa auditorium na sila at nagreready sa play.

"Haruuu!!! Kung ako ikaw ipinagkalat ko na! Ikaw ba naman ang malahian ng isang Knmnngg!!!" tinakpan na ni Phoebe ang bibig ni Jhone. Excited at perky pa rin kasi eto sa pagbubuntis niya.

"Jhone! Quiet naman muna please." Hininaan niya ang boses kahit wala namang malapit na tao sa paligid nila. "Wala pa akong pinagsasabihan. Natatakot ako."

Totoo naman kasing natatakot siya. Kahit sobrang saya niya dahil sa biyayang binigay sa kanya, ang kinakatakot niya ay yung mga sitwasyon. Bata pa siya, sila ni Kent. Wala pang nakakaalam na mag-asawa na sila. At mas kinakatakot niya kung paano sasabihin kay Kent, pati na rin sa mga tatay nila.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon