Chapter 62 (October 22, 2011)

936K 11.4K 1.4K
                                    

DATE POSTED: October 22, 2011


Chapter 62

"H-ha??? A-anong sinasabi mo?" kinakabahang tanong ni Kent. Bigla tuloy siyang nakonsensya. Kanina lang kasi ay hinalika siya ni Elisa. At muntik na siyang madala.

"Amoy babae ka eh!!" pagkasabi nun. Tumalikod na naman si Phoebe.

Napakamot na naman si Kent ng ulo. Katakot-takot na paliwanag na naman.

Ano ba ito?? Ang lakas naman ng pangamoy ni engot. Kainis. Si Elisa kasi eh!

"Baby ko ano bang amoy babae ang sinasabi mo???"

"Yung amoy mo... Bakit ganyan??? Alam ko pabango mo eh. Hindi ka mahilig sa matatamis na amoy. Per bakit amoy fruity ka?? Amoy bulaklak na amoy fruits. Matamis yung amoy mo! Hindi mo naman pabango yan eh! Parang yan yung fruity na naamoy ko kay Elisa ehh!!!"

Patay kang bata ka.

"Oy engot!"

"Hindi ako natutuwa sa'yo hwag mo akong iengot-engot okay?? Kadadating mo pa lang ang dami mo nang kasalanan. Umamin ka! Bakit amoy pabango ng babae ka?? Amoy Elisa ka! Amoy Bruha!"

Kainis bakit ko ba kasi ginawa yun? Wala lang ako sa sarili kanina kaya nagrespond ako sa halik ni Elisa. Pero ayaw ko naman talaga gawin yun. Hay miss ko lang kasi talaga si Phoebe. Tapos eto nagtatampo pa. Hay naman!!!

Niyakap ulit ni Kent si Phoebe.

"Palagi ko kasi kasama si Elisa kaya ganito" pagdadahilan niya. Hindi niya kasi talaga alam kung bakit kumapit na sa kanya ang pabango ni Elisa.

"Eh di kayo na magkasama! Hanggang kanina magkasama kayo nuh? Siguro magkatabi kayo sa upuan sa auditorium noh?"

"Phoebe naman. Oo magkatabi kam--"

"SABI KO NA EH! Siguro pinagtatawanan niyo ako sa pagarte ko sa stage nuh?"

"Phoebe!! Wala akong sinasabing ganyan! Humanga nga sayo si Elisa sa pagarte mo eh! Paniwalang-paniwala siya. Pati ako malapit nang maconvince na totoong totoo ang ginagawa niyo ni Harley sa stage."

Tinabig ni Phoebe ang kamay ni Kent na nakayakap sa kanya.

"WAG MONG IIBAHIN ANG USAPAN KEN TOMAS!"

"Tsk!" nagpipigil na naman si Kent na sumigaw.

"Bakit ganyan amoy ng damit mo? Nagyakapan ba kayo sa dilim"

"ANO?! That's outrageous! Ikaw naman ang kung anu-ano ang ibinibintang Phoebe!"

"Naman eh! Naman eh! Naman naman naman! Kainis!" isinubsob ni Phoebe ang ulo sa unan.

"Hay naku Phoebe! Umayos ka nga diyan!!!"

Pilit hinihila ni Kent si Phoebe patihaya. Yakap-yakap pa rin kasi nito ng mahigpit ang isang malaking unan habang ang ulo nito ay nasa ilalim.

"Sabi ko sayo, wag ka nang pumasok dito eh sigaw ka lang ng sigaw!"

"Oh sige hindi na sisigaw. Umayos ka na diyan. Sige ka baka kung ano nang nararamdaman ni baby diyan kakagalit mo."

"HA?"Bigla namang nilabas ni Phoebe ang ulo niya.

"Umayos ka na..." seryosong sabi ni Kent. "Let's fix this now okay? We're soon to be parents, ayusin natin lahat-lahat as mature individuals."

"Ikaw kasi eh amoy babae eh... Amoy babae yung pabango mo. Sabi ko na magkatabi nga kayo ni Elisa."

"Magkatabi kami kasi nga, sabay kami umuwi diba? Diretso agad ng school. Umupo kami sa auditorium."

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon