𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 40

1.6K 40 20
                                    

𝐘𝐕𝐎𝐍𝐍𝐄'𝐒 𝐏𝐎𝐕

Lumipas ang ilang linggo na hinayaan ko nang mawala ang pagkakaibigan namin ni Alondra hanggang sa nakarating kay Drake ang nangyari.

"Ang ipinagtataka ko bakit big deal pa rin sa'yo yung bagay na 'yon kahit matagal na kayong tapos ni Dwight!" nanggagalaiting sigaw niya saka tinapon ang remote na hawak niya matapos niyang patayin ang TV. Narito na rin ako sa condo niya, dito na ako tumutuloy.

Napairap lang naman ako sa hangin dahil doon at tahimik na umupo sa stool ng bar counter niya roon.

"Oo matagal na kaming tapos ni Dwight at hindi naman sa akin big deal iyon. Ang big deal lang sa'kin ay yung kalandian ni Alondra! Best friend ko s'ya! I hope you knew where I coming from! Best friend ko s'ya hindi n'ya dapat ginawa 'yon sa'kin para n'ya akong tinraydor!"

Napahilamos siya sa mukha niya bago nagsalita. "Gano'n ba talaga kahalaga si Dwight sa'yo para gawin mo pang big deal 'yon?"

I sighed. Sumasakit ang ulo ko sa pagapapaliwanag sa kaniya na sinira ni Alondra ang tiwala ko at hindi talaga si Dwight ang concern ko. Napahawak ako sa sentido ko. "Don't go there, Drake. We both know I'm talking about Alondra here and not about Dwight. Sa'yo kaya gawin 'yon na traydurin ka ng best friend mo.."

Natigilan ako nang ma-realized ko ang sinabi ko at nakita kong tumalim ang tingin niya sa akin.

"So, I'm the bad person now?"

"No, Drake, what I mean is-"

"You just reminded me of what I did to him years ago! I mean.. what we did to him." Pagak siyang natawa saka tumayo sa couch. "You know if you keep reminding me about that go. Ipamukha mo pa sa akin na mahal mo pa yung gagong 'yon kahit may girlfriend na s'ya! Gawin mo rin sa'kin yung ginawa mo sa kan'ya! Cheat on me!"

"Drake-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil tinawid niya ang pagitan ng couch at pintuan saka walang paalam na lumabas ng condo niya.

Muli akong nagpahinga ng malalim at ilang minutong natulala dahil sa sagutan namin. He's so sensitive when it comes to Dwight and then I remembered what he said the time he asked for forgiveness.

"A-ayoko lang naman na magkasama uli kayo ni Dwight, kasi walang wala ako sa kaniya.. ayokong magkaroon ka ng dahilan para balikan mo si Dwight.. ayokong iwan mo 'ko.."

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot para kay Drake, para sa boyfriend ko at the same time naawa rin ako sa sarili ko dahil naalala ko na naman ang nangyari nung araw na pagbuhatan niya ako ng kamay. Tama bang binigyan ko pa s'ya ng second chances?

Nilayasan niya na naman ako imbis na pag usapan namin ang bagay na ito. Hindi naman ganito si Drake dati. He use to be the one who do the first move when we fight. He apologized immediately kaya nga nagustuhan ko siya e. He just changed 1 year ago, naging mainitin ang ulo niya dahil sa trabaho at pagkikita nila ni Dwight kapag umuuwi siya ng pilipinas. He started to micro-cheat on me pero pinapalampas ko lang dahil ayaw kong matawag na praning.

Dahil sa nangyaring ito na-realized ko rin kung gaano rin talaga kabuti si Dwight. He remain faithful to me all those years na ako ang karelasyon niya. Hindi naman talaga siya manloloko, kahit ang ibang ex-girlfriend niya ay alam rin iyon.

Nilaro ko ang mga daliri ko habang nag iisip at tinitimbang ang nararamdaman ko para kay Drake at kung paano ko ipaparamdam na mahalaga siya sa akin para hindi niya na rin pagselosan si Dwight.

Natigil na lang rin ang pag iisip ko nung mag-vibrate ang cell phone ko at binasa ang email na dumating sa akin.

It's a digital invitation from the Gutierrez Empire for Von's 30th birthday. Binasa ko iyon para malaman ang buong detalye.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon