𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 12

2.8K 51 16
                                    

KIERA'S POV


Nakangiti lang ako kay Dwight nung sabihin ko 'yon at nakita kong naguguluhan siya siguro kasi hindi niya maintindihan ang pinag uusapan namin ng japanese citizen na 'to.

Mayamaya pa, naramdaman ng dalawa ang presensiya nito kaya napalingon sila sila dito at nagulat ang mga ito.

Nung makabawi si Dwight sa pagkagulat, nagsalita ito. "Tanaka-san, oaidekiteureshīdesu."

[Mr. Tanaka, It's good to see you here.]

Umawang ang bibig ko nung marinig kong nagnihonggo rin si Dwight.

Yawa! Marunong pala siya mag japanese.

"Anata wa watashi no kanojo ni anata no kaisha ni hisho to shite nyūsha suru yō ofā shita to kikimashita. Dō yatte sore ga dekiru? Anata no kaisha wa shakkin ni ochītte imasu. Dō yatte kanojo ni okane o haraemasu ka? Watashi ga oboete iru kagiri, anata wa mada papa ni kari ga arimasu yo ne?" Tuloy nito.


[I heard that you offered my girlfriend to join your company as a secretary. How can you do that? Your company is sinking into debt. How can you pay her? As far as I remember, you still owe Papa, right?]

Natahimik ako, kasi natahimik din ang matandang hapones na tinawag niyang Mr. Tanaka.

Tumango ito saka humingi ng pasensiya kay Dwight. Mayamaya pa, umalis na ang mga ito, kaya lumingon ako sa ibang direksyon dahil sa sobrang hiya.

"OT ka?" Tanong niya, kaya sinulyapan ko siya at tumango.

"Busy ka ba?" Pagkuwan ay tanong ko

Umiling ito. "Hindi na. Bakit?"

"May sasabihin kasi ako sa'yo."

"Sige," tumango ito. "hintayin na lang kita. Wala nman na akong gagawin." Napangiti ako at nahiya.

Tinalikuran na ako nito at bumalik sa inuupuan niya saka nag cellphone na lang hanggang mag alas otso ng gabi.

Sinagad ko na overtime ko para mabawi man lang yung mga leave ko nitong mga nakaraang araw.

Muli akong napangiti nung makita ko si Dwight na nando'n pa rin at nakailang kape na rin siya.

Naghintay talaga siya. Deserving talaga ang ferson.

"'Wag kang masyadong magkape, baka hindi ka makatulog." Sabi ko sa kaniya nung makaupo ako harap niya. Sorry, kung naghintay ka."

"Okay lang 'yon," Ngumiti lang ito. "Ano nga pala yung sasabihin mo?"

Huminga ako ng malalim saka nagsalita. "Pinag isipan ko yung hinihingi mong pabor sa akin nung nakaraang araw."

Bahagya itong tumango, "So, pumapayag ka na?"

Nilaro ko ang daliri ko nang hindi niya nakikita dahil nasa ilalim ito ng mesa. Pinag isipan ko iyon ng ilang araw at dahil na rin sa utang na loob ko sa kaniya, nagdesisyon akong pumayag sa hinihingi niyang pabor sa akin.

Tumango ako.

Ngumiti ito pero hindi 'yon umabot sa mata niya. "Kalimutan mo na 'yon. Alam ko naman na sinabi mo lang kanina na boyfriend mo ako kasi kinukulit ka ni Mr. Tanaka."

"Hindi 'yon dahil do'n. Sinabi ko 'yon kasi gusto ko. Pumapayag na akong magpanggap bilang girlfriend mo." Tinignan niya ako, mata sa mata bago nagsalita.

"How about Daero?"

Naguluhan ako sa tanong niya.

"Anong tungkol kay Daero?

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon