𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 34

3K 57 23
                                    

𝐊𝐈𝐄𝐑𝐀'𝐒 𝐏𝐎𝐕

    Pinagmasdan ko si Dwight na magpalipad ng saranggola habang katabi si Noah.

    Napangiti na lang ako. He really loved his son that much kahit hindi sa kaniya nanggaling ang batang iyon.

    Nandito kami sa Park, rest day namin ngayon ni Dwight kaya ibinigay namin ang oras namin kay Noah dahil sa makalawang araw ay pupunta na si Dwight sa Culion, Palawan para sa medical mission na nila doon.

    Tapos na rin ang binyag ni Noah kaninang umaga, kinuha rin ako ni Dwight bilang Ninang ni Noah. Sino ba naman ako para tanggihan iyon.

    Sa Andrada‘s Restaurant na lang rin ginanap ang reception ng binyag ni Noah para hindi na hassle dahil busy rin ang mga Ninong at Ninong ni Noah kaya nung makahapunan ay nagpunta na kami sa Park para makapag-bonding.

    “Daddy Doc, ang taas na po!” Masayang saad ni Noah at katulad ni Dwight ay napangiti rin ako.

    “Hilahilahin mo lang yung sinulid anak..” sinunod ni Noah ang sinabi ni Dwight saka siya bumaling sa akin. Hindi naman sila ganoon kalayo sa akin kaya ngumiti ako kay Dwight nung magtama ang mata namin na siyang tinugon niya rin ng ngiti bago nagpaalam kay Noah.

    Kaya mas lalo akong nahuhulog sa kan‘ya. Alam n‘ya kung paano n‘ya ako makukuha.

    “Anak, sandali lang ah. Pupuntahan ko muna ang Mommy Ke mo,” tumango lang si Noah saka naglakad papunta sa direksyon ko si Dwight at tumabi ng upo sa akin kaya pinakalma ko ang sarili ko.

    “Kain,” sabi ko saka inabot ang Lays na hawak ko.

    “Feed me.” Natigilan ako sa sinabi niya.

    “Luh.”

    Nilingon niya ako mula sa pagsunod ng tingin kay Noah.

    “Subuan mo ako.”

    “Ano ka bata?” sabi ko saka sumubo ng sitsirya.

    Ngumuso ito. “Hindi pero gusto kong maging baby mo.”

    Natawa ako. “Baliw.”

    “Kasalanan mo kung bakit..” simpleng ngiti nito habang may pilyong ngiti sa labi niya.

    “Ano?” naguguluhang tanong ko.

    “Wala,” saad nito saka bahagyang humiga sa picnic blanket at iniunan ang isang braso niya.

    Tinignan ko siya at bumilis ang tibok ng puso ko nung malaya ko siyang makita habang nakapikit ang mata niya para makapagpahinga kahit saglit. Puyat kasi siguro siya.

    “Ke,” tawag nito sa akin.

    “Hmm?”

    “Thank you.”

    “For what?”

    “Sa pag-aalalay sa‘kin kanina. I mean sa pag asikaso sa amin ni Noah..” Nakapikit pa rin ito kaya hindi niya nakita ang pag-ngiti ko. “Nakakapagod pala magpabinyag pero fulfilling sa pakiramdam.”

    “Nakaka-proud ka rin. Hands on ka sa mga bata. You‘ll be a good father soon.” Tumingin ako sa kalangitan.

    Sana Lord kapag nagkaasawa ako, katulad ni Dwight, yung kasama ko sa lahat. Hindi yung puro ako lang. Tutulungan ako sa mga bagay na kailangan ko ng tulong at lalo na sa pagpapalaki ng mga magiging anak namin. Piping dasal ko.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon