𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 27

2.3K 43 21
                                    

KIERA'S POV


Napanguso ako habang ini-stalk si Dwight sa social media accounts niya. Mag aalas kwatro na ng umaga pero hindi pa rin ako nakakatulog.

"Ano kaya yung sinasabi ni Tito kanina?" Pagkausap ko sa sarili ko. Wala namang post si Dwight patungkol sa'kin.

Nag scroll na lang ako sa Facebook at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nunuod ng videos about sa pagluluto. Mga reels ni Chef Evo kaya bigla akong natakam.

I sighed.

Tumayo ako at sumilip sa bintana. Hindi pa rin tumitila ang ulan.

Napahawak naman ako sa tyan ko nung makaramdam ako ng gutom saka ko naalala ang sinabi ni Tita Devy kanina.

Hindi ba nakakahiya kung kukuha ako ng pagkain sa pantry?

Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung nagugutom ba talaga ako o takaw tingin lang ako kasi nakapanuod ako ng cooking videos.

Nung maramdaman kong hindi lang takaw tingin iyon maingat akong lumabas ng guest room.

Sabi naman ni Tita kumuha lang ako ng gusto ko. Bukas ko na lang sasabihin sa kanila na kumuha ako ng pagkain. Kakapalan natin ang mukha natin para sa cravings.

Naabutan ko namang bukas pa ang ilang ilaw sa living room at ibang parte ng mansyon. May ilang body guard na gising rin na nakabantay sa buong mansyon na nginingitian lang ako. They seems nice kaya ginantihan ko lang sila ng ngiti.

Naglakad na ako papunta sa pantry area nung maabutan kong may lumabas rin na isang gwardya doon at may dala itong sitsirya.

"Ma'am," nakangiting bati nito sa akin.

"Hello po,"

"Kukuha rin po kayo ng snacks?"

Nahihiyang tumango ako.

"Kailangan n'yo ho ng tulong?"

Agad akong umiling. "Hindi na po Sir, kaya ko na po. Thank you."

Tumango lang ito at nagpaalam na sa akin dahil kailangan pa nilang rumonda kaya naman pumasok na ako sa pantry. Katulad kanina muling umawang ang bibig ko nung makita ko ang pantry nila.

Kadalasan sa pantry area ay maliit lang pero iba pala talaga kapag mayaman kasi yung pantry nila kasing laki ng guest room na kung saan ako nag i-stay.

Ikaw ba naman magkaro'n ng supermarket, imposibleng liitan mo lang ang pantry n'yo.

May limang estante ang naroon kung saan may kaniya kaninang label iyon. May snacks, seasoning, vegetables, drinks, at baking ingredients.

Pumunta ako sa harap ng beverage cooler at sinilip ang laman no'n at nakita kong maraming yogurt doon.

Simula nung matikman ko yung yogurt na ipinagmamalaki ng Sagada, nagustuhan ko na rin siya kaya kumuha ako ng isang piraso doon.

Pagkatapos kumuha ako sa drawer ng kutsarita at hinugasan iyon sa lababo na naroon saka ako sumandal doon at nagsimulang kumain.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon