𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 4

3K 69 30
                                    

𝐃𝐖𝐈𝐆𝐇𝐓’𝐒 𝐏𝐎𝐕


    “Hi.” Pagkausap ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin ng comfort room ko sa penthouse ko.

    Napailing ako.

    “Hey!” Muli kong sabi dito. Napasimangot ako. Tsk! Tama na nga. Be natural lang.

    Huminga ako ng malalim saka naghugas ng kamay. Bahagya kong inayos ang buhok ko at neck tie ko bago lumabas ng comfort room. Dumeretso ako sa walk-in closet ko at pumili ng pabango. Napili ko yung JAR Bolt of Lightning na binili pa ni Mamá from France.

    Ii-spray ko na sana ito sa katawan ko nung maalala kong ayaw niya nga pala ng amoy ng pabango kong ito kaya ibinalik ko na lang ito sa lagayan. Isinuot ko na rin yung relong iniregalo ni Papa sa akin nung pagka-graduate ko ng med school na hanggang ngayon ay iniingatan ko pa rin.

    Paanong hindi ko ito iingatan, it was a Patek Philippe reference 1518 stainless steel watch; one of the most expensive watches in the world. Pagkatapos kinuha ko na ang lab coat ko at lumabas na ng penthouse ko. Pumasok na ako ng elevator at pinindot na ang ground floor button.

    Pagkatapos dumiretso na ako ng parking lot at sumakay na ako sa kotse ko saka nagmaneho papuntang ospital. Dahil traffic inabot ng 30 minutes ang byahe ko papuntang Makati. Malapit lapit lang naman ito dahil sa Forbes Park lang naman ako nakatira. Umuuwi lang naman ako ng mansyon kapag off duty ko.

    Matapos kong i-park ang kotse ko pumasok na ako ng ospital. Lahat ng nakakasalubong kong doktor at nurses ay binabati ako bilang respeto na siyang nginingitian ko lang. Sumakay na ako ng elevator patungong 11th floor kung nasaan ang office ko para ilagay ang mga gamit ko.

    Matapos no’n, naglakad na ako patungong conference room dahil may meeting kami ngayon at ipapakilala ko na rin yung bagong chief resident na papalit kay Dra. Pareñas dahil mag-i-early retire na ito. She’ going to leave the country for good.

    Habang papalapit ako lalo ring lumalakas ang kaba sa dibdib.

    “Good morning Doc.” Agad na bati ng mga doktor at nurses na nasa loob ng conference room nung buksan ko ang pinto ng conference room.

    “Good morning,” sambit ko sa kanila saka ko pasimpleng inilibot ang mata ko para hanapin siya. As usual, she’s going to be late. Ano pa bang aasahan ko sa mga babae lagi silang mabagal kumilos pero ang bibilis magselos.

    She still has three minutes left. Naglakad na ako patungo sa dulo ng table at umupo sa swivel chair na naroon. As usual nagkamustahan muna dahil wala pa rin naman ang iilan. Nagpasuyo na rin ako kay Kuya Jo, yung janitor ng ospital ng snacks at tubig para sa isang oras na meeting.
    
    Mayamaya pa napatingin kaming lahat sa pinto at sunod sunod pumasok ang ibang doktor, ang iba ay humingi ng pasensiya sa akin dahil sa pagkalate nila maliban sa nahuli.

    Finally.

    Agad na napalitan ng saya ang puso ko nung magtama ang mata namin kahit pa late siya. Kahit hindi niya ako binati masaya ako dahil nakita ko na siya pero hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya. Bago siya umupo bahagya siyang ngumiti sa akin pero alam kong pilit iyon. Hindi ko na lang ito pinansin at nagdesisyon na kaming magsimula.

    Tumayo na ako at ipinakilala na sila. Mayamaya pa ipinakilala ko na rin siya. “Doctors and nurses, I want you to meet Dra. Yvonne Licauco, our new chief resident.”

    Ngumiti ito saka tumayo at naging mapagmasid. “Good morning to all of you. I’m Dra. Licauco, your new chief resident for the neurosurgery department. I was a resident here 2 years ago; I just had to leave due to family matters but I’m glad I’m back. Ang iba sa inyo ay kilala na ako at ang iba ay hindi pa. Since I’m the new chief resident, I want the new residents,” bumaling siya sa mga bagong doktor. “To be a professional in all aspects.” Bumaling siya sa akin. “Right, Dr. Hernandez?”

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon