𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 14

2.7K 56 8
                                    

KIERA'S POV

Ala sais na ng gabi nung makarating ako ng ospital kaya nagmano na ako kay Mama at Papa saka ko inayos ang kaunting pagkain na pinamili ko gamit ang kaunting suweldo ko.

Pagkatapos dumiretso ako ng CR para mag half bath at nagpalit ng damit. Matapos no'n inasikaso ko na rin ang kakainin namin.

"Ma, pupunta po ba dito sila Kent?" Tanong ko habang inaayos ang pagkain namin para makakain na kami.

"Hindi. Bukas pa daw," sagot nito. "Sakto iyon, aalis kayo ni Dwight bukas hindi ba?"

Napalingon ako kay Mama nung sabihin niya 'yon. "Paano niyo po nalaman?"

Nagkibit balikat lang ito. "Ipinagpaalam ka ni Dwight sa amin ng Papa mo, nung makabalik siya dito galing sa paghatid sa'yo."

Hindi ko alam pero napangiti ako at parang may kung anong kilig akong naramdaman nung malaman ko 'yon. Ang bait niya talaga.

"Ano pong sagot niyo?" Muli kong tanong ko, "okay lang po ba sa inyo? Pasensiya na po nawala na kasi sa isip ko, kaya hindi ko nasabi sa inyo mother."

Natawa lang ito. "Ayos lang 'yon anak. Pumapayag naman kami kasi alam kong hindi ka naman papabayaan ni Dwight."

Muli akong napangiti saka ipinagpatuloy na ang paghahain. Matapos no'n, si Mama na sana ang magpapakain kay Papa, pero ako na ang gumawa no'n para makakain siya ng maayos sa foldable table.

"A-alamin niyo ang limitasyon niyo ah, nanliligaw pa lang 'yon sa'yo." Bilin sa akin ni Papa nung makain niya ang pagkain na sinubo ko sa kaniya.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya na nanliligaw sa akin si Dwight. "Ano po?"

"'Di ba nanliligaw siya sa'yo? 'Yon ang sabi niya sa amin ng Mama mo kanina nung sunduin ka niya dito."

Napatango ako. So, ito yung sinasabi niya na siya na ang bahala sa mga magulang ko?

"Ah, opo." Ngumiti lang ako saka muli siyang sinubuan.

"H-hindi ko kayo maalala kaya ito lang muna ang sasabihin ko sa'yo, ito lang muna yung maipapayo ko sa'yo."

"Okay lang po iyon, Papa." Sabi ko saka ko siya pinainom ng tubig gamit ang straw.

"S-si Dwight, mabait ba 'yon?"

Bahagya akong natawa gano'n din si Mama, kaya siya ang sumagot ng tanong ni Papa. "Sobra, nung unang araw na ikinonfined ka dito. Pauwi na dapat siya kasi tapos na ang duty niya, pero bumalik siya para sa'yo. Tapos nagpahanda pa siya ng pagkain para sa atin nung gabing 'yon."

Napangiti ako nung maalala ko 'yon. Habang buhay na utang na loob ko sa kaniya 'yon.

"I-ibig sabihin gusto mo si Dwight para sa anak mo?" tanong ni Papa kay Mama. Nakatawa lang naman si Mama bago nagsalita.

"Bakit naman hindi, mabuting tao naman 'yon." natatawang napalingon ako kay Mama. May basbas na ni Mama ah.

Tumikhim lang si Papa saka inagaw ang atensiyon ko at muling nagsalita. "N-nagkanobyo ka na ba?"

Umiling ako saka siya muling sinubuan. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko, baka magkaproblema pag sinabi kong boyfriend ko na si Dwight.

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon