Sa nanay ko daw. Nabanggit ko na ba na nagkaroon sila ng early dinner kahapon? Si Mama, Papa kasama sina Tita at Boss. 'yung family ni Gio at sina Mama. Ang nag-aya ng dinner ay si Boss. Hindi ko alam kung bakit naging biglaan 'yung early dinner nila.

"Suhol na naman ba?" pabiro kong tanong.

"Nakapagsuhol na ako kahapon" isang paper bag ng pagkain ang dala ni Gio ngayon. Mommy niya daw ang nagluto, "Nakapagpaalam na nga ako sa papa mo. Uulitin ko lang ngayon, baka nakakalimot siya"

Nauna siyang pumasok sa bahay. Siya na yata ang may-ari ng bahay namin.

~

"Huwag niyong kalilimutan ang bilin ko. Bago mag alas dyes ng gabi nasa bahay na kayo. Tapos walang ibang pupuntahan, Gio, 'yung mga sinabi mo lang. huwag na huwag kayong pupunta sa lugar na kayong dalawa lang" paliwanag ni daddy.

Siya nga 'tong advance mag-isip sa'min.
Kung pwede lang na ako na ang mamili ng lugar na pupuntahan, nagawa ko na.

Hindi pa rin ako sang-ayon doon sa mga gustong puntahan ni Gio. sa tingin ko wala ng susunod na date kapag natapos 'to. May plano ba siyang gawin akong athletic? Papasakayin ako sa race car, tuturuan akong mag tennis at fencing. Jusko, wala ni isa sa mga 'yan ang pingarap kong gawin.

"Masusunod po, tito"

"Pa, kayo nalang kaya ni Gio ang lumabas, magkakasundo kayo sa mga pupuntahan niyo"

"Pwede ba, huwag ako, Leslie" natawa lang ako sa sagot ni Papa. Ginagaya niya si Kitt, sinasabi sa'kin ng batang 'yon na 'Ate, don't me' natutunan niya sa mga kalaro doon sa labas.

"Iwan ko muna kayo. Mag-uusap lang kayong dalawa" bilin ni Papa kay Gio. tiningnan niya pa 'to bago umalis. May sarili pa silang senyasan.

"Sinong may sabi na ayaw sa'kin ng papa mo? Medyo kinakabahan pa rin ako kapag kinakausap siya" sabi ni Gio sa'kin, hindi halata na nakakaramdam siya ng kaba, "Bakit naman?" tanong ko.

"Yung mukha niya sa office pareho ng sa bahay niyo. Ang seryoso niyang tumingin"

"Bagay nga kayo. Pareho kayong maningin"

Nagsasabi lang ako ng totoo. Pero magkaiba sila ni Papa, madaling mapatawa ang tatay ko. Si Gio kahit nakailan na akong joke, hindi siya ngingiti. Hindi raw kasi nakakatawa.

"Gio" mag susuggest lang ako ng kainan, "Ako na bahala sa kainan natin, ah. Huwag naman doon sa mga pagkain na di ko alam"

Nginingitian niya ako sa mga sinabi ko, "Kaw bahala"

"Libre ko" pagbibiro ko, "Sige, kapag natalo mo ako sa tennis"

"Dejoke. Hahaha. KKB nalang tayo"

First time kong maglalaro ng tennis. Sa tingin ko matatalo niya lang ako bukas.

Sinamahan kami ni Kitt na mag movie marathon sa bahay. Naka-limang palabas kami ngayon, kugn anu-ano na nga e. horror, fantasy at sci-fi. Ayaw ni Gio na manuod ng mga love story. Wala raw nakakakilig sa mga 'yon. Nag susuggest pa siya ng Harry Potter. Si Harry lang ang gusto ko doon, hindi 'yung kwento.

"Si Bebs?" tanong niya sa'kin.

"Ayaw ka makita. Natutulog pa"

~

"Leslieeeeee! OMG. Hindi ko alam ang gagawin ngayon. Super, inaya ako ni Delfino na magsimba. Kasama 'yung parents niya. Wala si Dalton"

Kausap ko si Charmaine ngayon. Nagising ako ng maaga dahil kay Papa. Pinaglinis ako ng bahay. Tapos tinulong niya rin ako sa paglilinis ng company car niya.

Mr. Know it All [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon