Target 7: Pagkamaginoo sa Babae

172 3 6
                                    

                   "Dumating na si Zoro sa mundo namin, dumating na din sina Sanji at Usopp, at may mga dumating pa...at si Zoro naman ay nakipaglabang muli sa lider naming si Xperia, magkakaalaman na, kung sino ang pinakamalakas..."

                   Sa may Balamban Sports Complex, may isang babae na kasalukuyang naglalakad, ang customer pala namin kani-kanina lang. Yung madada at reklamadora. Naglalakad at bitbit yung mga wedding invitations na nakabalot sa plastic bag at nagpayong.

                   "Grabe, uber sa init ha!", sabi nung babaeng customer.

                   Maya-maya lang, may nakabangga siyang isang lalaking matangkad, matipuno, ay may nakasabit siyang bagahe sa kanyang likod.

                   "Aray!", sabay tingin nung babae sa matipunong lalake. Dalawang lalake pala sila, isa ung nakabangga nung babae at ung isa naman ay matipuno rin pero hindi gaano katangkaran at moreno siya.

                   "Ano ba kayo? Tumingin kayo sa daanan!", pasigaw nung babae.

                   "H-huh???", sabay tiningnan nung matangkad na lalake ng masamang tingin sa babae sabay tinaasan na niya ang kanyang boses sa pagkakasabi niya sa babaeng customer. "Boba ka pala eh! Ikaw yung bumangga sa akin!"

                   "A..anong ako?!? Paharang-harang ka kaya sa daanan. Pwede naman kayo sa kabilang tabi, tutal pabalik naman ang daan ninyo diba?!?"

                   "Aba! Sumasagot ka pa ha!"

                   "Oh baket?? Sabihin nyong mali ako?? Hindi porket matangkad at matipuno kayo, dapat kayong katatakutan. The hell no!!!", sumigaw na lalo ang babae na parang nagbabanta siya na may balak siyang gawin sa dalawang lalake.

                   "Aba! Gaga talaga to ah!", may balak sanang gawin ang matangkad na lalake kaya lang inawat siya ng kasama niyang moreno.

                   "Pare, awat na. Babae lang yan!", sabi nung morenong lalake.

                   "Kita mong siya ang mali, siya pa yung galit. Ako pa daw ang may kasalanan! Gaga pala to eh!"

                   "Hayaan mo na 'yan! May hahanapin pa tayong tao. Kaya, tama na yan."

                    "Ah basta!!"

                    "Oh, anong pinag-uusapan ninyo? Mukhang may binabalak kayo sa akin ha!", sabat nung babaeng kustomer.

                     Agad namang lumingon ang dalawang lalake at nakapagpasya na ang matangkad na lalake sa isang balak laban sa babae, "Oo! Isasama ka namin...sa impyerno!", pasigaw niyang sabi sabay bubuhatin na niya ang babae.

                     "T..teka...hoy!! Bitawan mo ako!! Hayop ka!!", sabi nung babaeng customer na pilit niyang makawala sa pagkakabuhat sa kanyang nang matangkad na lalake. At nahulog pa ang kanyang payong at plastic bag na may laman na mga wedding invitations.

                     "Huy, pare! Hindi 'to kasama sa plano natin ah!", sabat nung moreno.

                     "Lintek na yan! Ang ingay niya masyado at impokrita. Magsama kaya sila nung Xperia na 'yun. Parehas sila ng ugali!"

                      "Hala?? Oh sige bahala ka!"

                      "Tara, tayo na! Lumipad na lang tayo gamit ang mga sandata natin!"

Cross TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon