♕50.

136 15 23
                                    

Athena's

Matapos kong magbayad ng renta sa bike ay kinuha ko na ang mga gagamitin ko. Tinulak naman ni koya ang bike sa gilid ko. Nagpasalamat ako sa kanya bago siya umalis.

Hindi ako marunong magbike. . . Pero susubukan ko ngayon kasi gusto kong matuto dahil magaling si Eros dito. Ayoko namang turuan niya pa ako kapag nagyaya siya.

Umupo na ako sa bike at inayos ang helmet ko. Hinawakan ko ang manibela nito at huminga nang malalim. Inapakan ko ang pedal at nagsimula nang pumadyak nang mabagal. . .

Naalala ko 'yong mga napapanood ko sa TV, na dapat diretso lang ang tingin mo at huwag titingin sa ibaba. Akala ko kapag sinunod mo ang mga 'yon ay marunong ka na, pero hindi pa pala dahil sumemplang ako.

Agad akong nakaramdam ng sakit sa hita at pwet ko. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang ungol ko dahil sa sakit.

"Athena!" Anla. Paktay na. Inangat ko ang tingin ko at nakita si Eros na tumatakbo papunta sa'kin. Mas lalo kong nadiin ang pagkagat ko sa labi dahil alam kong magagalit siya sa'kin. "Tinuloy mo nga?!"

Napayuko ako nang maramdaman kong sinuri niya ang kalagayan ko. Hinawakan niya ang baba ko at unti-unti itong inangat. Nagtama ang paningin namin ngunit iniwas ko ito agad. Akmang tatayo na ako pero pinigilan niya agad ako.

"Ba't ka nandito?" Tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya.

"Kung hindi pa ako dumating baka hindi pa ito ang abutin mo. Ano ba kasing kagaguhan ang pumasok sa isip mo?" Hinawakan niya ang tuhod ko. Napangiwi naman ako nang makitang mayroon na itong gasgas at medyo dumudugo na rin. "Ang laki ng sugat. Gamutin natin."

Tumayo na siya pero hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin ulit siya sa'kin. Hinala ko siya kaya pinantayan niya akong muli. Ngumiti ako. "Hindi kagaguhan ang naisip ko. Gusto kong matutong magbike para 'pag nagyaya ka, hindi mo na ako kailangang turuan. . . Kasi baka masayang oras natin."

Kumalma naman ang ekspresyon ng mukha niya at hinawakan ang pisngi ko. "Athena, wala akong pake kung hindi ka marunong magbike. Sana sinabi mo na lang para maturuan kita, hindi 'yong bigla mong gagawin 'to. Saka kung ikaw lang din ang tuturuan ko, hindi masasayang ang oras ko. Tiyatiyagain kitang turuan para lang 'di ka madisgrasya, kasi ayoko, at hindi ko hahayaang masaktan ka."

Sa bawat salitang sinabi niya ay naramdaman ko ang pag-init ng puso ko. Sincere si Eros. . . at parang gusto kong maiyak. Hindi ko na namalayang may pumatak na palang luha sa mata ko. Naalarma naman siya at agad na tinanong kung anong masakit sa'kin.

Inilingan ko siya at hinawakan ang kamay niya. "Mahal na kita."

Bigla siyang natigilan kaya natawa ako, at ang tawa kong 'yon ang nakapagpabalik sa kanya sa ulirat kaya unti-unti siyang napangiti. "M-mahal mo na ako?"

"Oo nga." Sagot ko at natawa ulit.

Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin. Parehas kaming nakaupo na sa lapag kaya may iilang taong tumitingin na sa amin pero wala na akong pake. Niyakap ko rin siya pabalik at hinimas ang likod niya.

Nang bumitaw siya sa yakap ay isang malapad na ngiti ang ibinigay niya sa'kin. "Mahal na mahal kita, kahit na. . ." Napakagat siya sa kanyang ibabang labi.

Napakunot ang noo ko. "Kahit na?"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito saka ngumiti na naman, "Kahit na wala kang dede."

Leche.

Hinampas ko ang braso niya at nagtawanan lang kami rito.

THE END.

Candy BoyWhere stories live. Discover now