Chapter 31- Shoe

966 28 2
                                    

Papunta ako sa site kung saan ako naka-assign at pinapanalangin ko na sana wala siya dun at sana hindi na siya pumunta para naman pampalubag loob sa pagiging asungot niya at barubal sa buhay ko.


It's a luxury hotel somewhere in Pasay at nagpapasalamat akong hindi school ang binigay sakin kasi... ano ba namang interiors ang kailangan sa school? Blackboard? Locker? Flower pots? At least alam niya kung paano magbigay ng assignment.


"Ms. Ircy Hernandez?" may lumapit saking babae pagkadating ko, tumango lang ako bilang tugon.


May inabot siya saking helmet at safety gears.


"Ang sabi po ni Mr. Lim, itour ko daw po kayo sa site tsaka ituro ko daw po kung saan ka naka-assign."

"Kaya ko na magikot magisa." kung siya lang pala ang nagutos, wag nalang no! Hindi ko kailangan ang tulong niya.


Mukha siyang gulat na umalis at agad na may tinawagan. Sige, ireport mo sa boss mo na hindi ko siya kailangan! Hmp!


Nagikot ikot ako sa site at yung receiving area ay medyo ayos na. Paniguradong malaki 'to at chain hotels kada casinos. Ang dami ko nang naiisip na interiors para sa receiving area palang. Teka lang, anong sinasabi nung babae na kung saan ako naka-assign? Ibig sabihin hindi lahat 'to, pwede ako magbigay ng opinion ko?


Bahala siya sa buhay niya!


Medyo hindi pa developed ang ibang parte kaya medyo may lubak lubak pa yung daan, ang hirap tuloy maglakad dahil dito sa heels nato! May mga debris pa na nakakalat. Ang init pa. Juice colored, Ircy!


That guy must be really successful. Para maghandle ng ganitong kalaki na project? Tsaka para magkaroon ng sariling firm? Tapos marami pa siyang on-going projects sa iba't ibang site. Gaano na kaya kayaman yung chekwa na yun?


Kaya siguro yumabang at sumama na ang ugali. Lumaki na kasi ang ulo. Tsk! Buti natatagalan siya nung girlfriend niyang chekwa din.


"Magsama sama kayong mga chekwa!" sigaw ko na parang may echo effect pa


Andito na pala ako sa may bandang likod ng site, medyo walang tao at medyo creepy. Kaya pala umeecho effect na ako dito.


"Nakakabwisit kayong mga chek——AHHHHH!"


Napapikit ako kasi may bigla nalang humila sakin kasunod ng tunog na may nalaglag na mabigat na bagay. Kinapa kapa ko muna yung humila sakin. Wow, muscles kaso medyo pawis pero keri na, ang laki ng biceps eh tsaka parang mabango!


Dumilat ako at inuna ko pang pagmasdan yung tanawin sa harapan ko. Bah! I need to appreciate the beautiful creations of God! Parang ang gwapo! Parang ang young! Parang ang yummy! Ah—- delete ng parang parts!


Bumalik lang ako sa ulirat ko nang marinig ko siyang tumawa kaya tumayo na ako ng maayos at nagpagpag kunwari tsaka ko tinignan kung ano yung nahulog.


"Miss, hindi mo ba nakita yung warning sign dun na may falling debris dito?" pagalit niyang tanong

Let Me InWhere stories live. Discover now