Chapter 24- No Label

1K 26 2
                                    


"Besty, alam mo bang nahirapan pa akong maghanap niyan! Sinend kasi sakin ni Kuya yung picture tapos wala akong mahanap na ganyang design dun sa Pandora store na malapit sakin." Pagrereklamo ko


Sa bahay ni Natalie ako matutulog ngayon. Actually, kaming Seenzone. Tinawagan na ni Kuya sila Stone with Kristina at Cloud na pumunta dun, takang taka nga sila kung bakit sila niyaya. Paniguradong magugulat sila kasi hindi nila alam na umuwi ako.


"Diyan muna kayo, titignan ko nalang muna yung guest room." Sabi ni Besty


Maganda nga talaga yung bahay nila. Bahay palang nila halatang may ipagmamalaki na. Edi sila na! Pero kami din naman! Pero mas sila na! Para kasing shining, shimmering, splendid ang dating ng bahay nila. Alladin lang ang peg.


"Isara mo yung bibig mo, baka pasukan ng langaw." Saway sakin ni Kuya

"Hindi naman!"

"Bakit ka ba amaze na amaze? Tss."

"Wag mo ko tini-tss tss diyan kuya ha! May utang na loob ka sakin at yung pinadala mong pera, saktong sakto!"

"Wala na akong utang na loob. Pinayagan na kita mag boyfriend diba?"

"SINONG BOYFRIEND KO?!" Pasigaw kong tanong

"Si Sam, yung intsik. Hindi ba?"


I can't believe this. Kuya ko ba talaga to? Bakit wala siyang angal? At sa kaniya pa talaga nanggaling lahat! Kung alam niya lang!


"Ano bang pinakain sayo nun at parang gustong gusto mo siya?"

"Alam mo yan. Ano bang pinakain sayo?" Tumawa siya

"Kuya naman!" Sinapak ko siya sa may braso


May narinig kaming car lock sound galing sa labas kaya napatingin kami ni Kuya dun. Sila Stone na ba'to or si Cloud?


"Oh? Bakit andito ka?!" Bungad sakin ni Stone. Langya!

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Asan sapatos ko?"

"Sapatos your face! Simula nung umalis ako sa bahay, lagi na kayong nagpupunta dun kasi wala na ako tapos ngayon itatanong mo sakin kung nasaan ang sapatos mo?!"

"HAHAHAHAHAHA! Natatandaan mo pa yun?"

"Oo naman! Tandang tanda ko kaya tumabi ka diyan kasi sinisira mo yung moment namin ni Kristina."


Tumakbo ako palapit kay Kristina at niyakap siya ng mahigpit. Itong cute na batang 'to, nakakamiss! Maka bata ako eno? Eh dalawang taon lang naman agwat namin.


"Umuwi ka pala, hindi mo sinabi. Kelan ka pa dumating?" Tanong niya

"Kanina lang. Nakakapagod nga! Ang dami kong ginawa ngayong araw. Hiyang hiya naman ako sa kakambal ko."

"Walang pasalubong?" Bulong niya sakin

"Siyempre, meron! Kayo pa ba? Sabi ko naman sayo meron eh! Pero shh ka lang, imbyerna ako sa pedophile na yun." Tinuro ko si Stone kaya natawa si Kristina


Pedophile naman talaga! Ang tanda tanda, pumapatol sa mas bata. Anong tawag dun? Diba pedophile? Pinasosyal ko na nga eh! Dapat talaga child abuse yan.

Let Me InWhere stories live. Discover now