Chapter 29- Boss

1K 36 14
                                    

Pinatong ko yung shot glass ko sa cellphone kong nakabukas ang flash. Now, it looks more pleasing to drink. Medyo naghihinay hinay lang ako kahit para sakin 'tong party na'to kasi pupunta ako sa firm bukas. I don't wanna have a hangover when meeting the boss.


"Another one?" Tanong sakin nung waiter na dumaan

"No, thank you." ngumiti ako


Pinanood ko si Cloud na hatak hatak si Kuya na umikot sa loob ng bar at makipagsayaw sa mga kaibigan kong hindi naman nila kilala. Napailing nalang ako nang makita kong iritang irita na si Kuya kay Cloud. That loyal guy, he must have miss Natalie so much.


Nagulat talaga ako sa party na'to! Stone and Cloud are just making excuses awhile ago, kunwaring tumawag si Kristina na akala kong naglilihi na pati si Cloud na may meeting daw? Nah, they just went here to finalize this party.


"Bakit KJ mo na yata? This is your homecoming party! Why don't you join us?" pagmamaktol ni Eloisa

"May pupuntahan pa ako bukas! Hindi ako pwedeng malasing!"

"No no." Kinuha ni Fifi yung shot glass ko at hinila ako patayo, "Hindi ko alam na ganito na pala kadry magparty ang mga taga-US."

"I have a meeting lang talaga bukas! I'll make it up to you after the meeting. We'll party. Hard." napatawa ako because of their simangot faces for the sign of their defeat.

"Hindi mo naman sinabi na may gwapo ka palang kaklase sa US! Hindi mo man lang ako pinakilala!" hinampas pa ng mahina ni Sofhia yung braso ko kaya napatingin ako kung saan siya nakatingin


I saw Jeffy talking with Stone. Teka, talking lang ba yun? Bakit parang iba ang gestures ni Jeffy? At ang tanga talaga ni Stone, hindi man lang maramdaman na may hidden desire pala sakanya yung kausap niya.


Yes, Jeffy is here in the Philippines. Nauna siyang umuwi kesa sakin because he want to have some vacation is HER motherland daw. HER not HIS.


"Hindi kayo talo. Mas talo sila ni Stone kesa sainyo." sabi ko

"Ewwww! Bakla siya? Sayang naman! Ang gwapo pa naman din niya!" lalong humaba yung nguso ni Sofhia kaya ako naman ang namalo sakanya sa braso

"Tigilan mo kakanguso, mukha ka nang pugita diyan." Inirapan niya lang ako at hinila na si Eloisa papunta sa dancefloor.


Inayos ko ang buhok ko at naghalumbaba habang pinapanood sila. I pity myself. Bakit ba kasi bukas agad ang meeting? Bakit hindi ko naisip na hindi na kuripot ang mga kaibigan ko to throw a party for me?


Gusto ko na yata umuwi? Kasi any moment parang hindi ko na mapipigilan yung sarili kong magparty hanggang bukas. Nilaro ko yung shot glass between the flash of my phone, ang ganda talaga tignan ng ganito.


I got up holding my purse and ininom ko na yung natitira na nasa baso ko. Kailangan mong manalo sa sarili mo, Ircy! You're old enough! Matuto kang tumanggi sa tukso! Tinakpan ko yung mukha ko ng purse ko para hindi nila makitang tumatakas ako.


Panigurado kasing hindi nila ako papayagan! I'll throw a party again nalang, after the meeting.

Let Me InWhere stories live. Discover now