Chapter 10- Kuryente

1.2K 33 2
                                    

Chapter 10

Halos isang linggo na akong nagse-stay dito sa condo ni Kuya at ang masasabi ko lang ay nangutim na yung buong place niya.


Ang dating white ay naging dirty white na.


Ang kaya ko lang naman gawin ay hugasan yung mga pinagkainan ko kaya yung ibang kinalat ko dito, kalat padin.


Andito ako sa living room, nanonood ng spongebob habang kumakain ng chips at may kasama pang soda. I don't really know how to handle this shits, all I can do is to fool myself that there's nothing wrong and I can act like one kahit alam kong meron.


I opened my facebook account para icheck kung may news ba about doon sa issue namin kasi hindi naman ako sinasagot ni Kuya kapag tinatanong ko yung tungkol dun.


"Ircy!" Napatingin ako dun sa pintuan


Agad akong napatayo para tumakbo papunta sa kwarto. Shiz, baka si Kuya 'to. Papaulanan ako nun panigurado ng sermon dahil sa kalat ko.


"Ircy!"

"Ircy, open the door!"

"Are you in there?"


Parang hindi naman si Kuya yun?


Tumayo ako para tignan at pagbuksan kung sino man yun. Makatawag naman kasi parang nasusunog yung buong building. Hay nako.


"Ircy!"

"Bakit andito ka, Cloud? Pano mo nalamang andito ako?"

"Papasukin mo muna kaya ako bago mo ako interviewhin?"

"No food, no entry. Bili ka muna pizza. Bye!" Sinarado ko yung pinto at umupo ulit dun sa sofa


Mukha namang bumili talaga siya kasi wala nang kumatok pa ulit. Mabuti yun. Puro kasi ako chips and cup noodles, mamamatay na ako sa mga pagkain na'to!


Maya maya ay may kumatok na ulit, tumayo ako agad para pagbuksan ito kasi malaman ay si Cloud yun na may dalang pizza, bwahaha!


"Can I enter now?" Iniharap niya sakin yung tatlong box ng pizza

"Thank you!" Kinuha ko yun at pumunta sa kitchen para ilagay yun doon


Kumuha ako ng platito para sa sarili ko. Tinidor para sa sarili ko. Tissue para sa sarili ko at knife para sa sarili ko.


"Welcome na welcome naman ako dito no?" Ani Cloud, binalewala ko yung pagka-sarcastic ng tono niya

"Alam mo bang hulog ka ng langit? Namiss ko kumain ng ganito. Ilang araw akong puro noodles, chips and soda!"

Umupo siya sa harapan ko, "I heared what happened to your business. Kamusta sila Tita't tito?"

"Hindi ko din talaga alam, Cloud. Ayaw nilang sabihin sakin. Lagi kong tinatanong si Kuya but lagi siyang nagcha-change topic."

"Ka-Skype ko nga yung Kuya mo kagabi. Ang bobo, di pa alam yung Skype nung una. Saan ba pinanganak yun?"

Let Me InWhere stories live. Discover now