"ako pa iiwan nyo? sige salamat ah, kayo nga itong may utang ng paliwanag sa akin!"


bestfriend sila, parang hindi pa din ako makapaniwala. Sino ba kasing maniniwala? well okay lang YABANG +BAKULAW, bagay silang magsama. Mga lamang lupa.


Sa halip na maguluhan pa ako ng sobra sobra, umalis na lamang ako doon. Anong gusto nila? makisali pa ako sa minireunion nila magkaibigan? In the first place ayaw ko naman sa kanilang dalawa, hindi nga Ceb? OO NGA KASI.


nababaliw nanaman ako.


"uy CEB joke lang! "

"Ceb balik na dito! "

Sigaw nilang dalawa sa akin, bahala kayo mga lamang lupa! bumalik kayo mag-isa.

ano pang gagawin ko dun? makikisiksik sa magbestfriends?

ang babakla naman nila nakakainis. Tapos naguguluhan pa ako sa sitwasyon. Magbestfriends pero hindi agad nakilala ang isa't isa nung nagkita minsan. ha-ha-ha don't me. Baka nagpaplastikan sila? Pero hindi naman eh, hindi naman ganoong nagpaplastikan ang mga kalalakihan hiindi ba?


Kinuha ko na lamang ang cellphone ko at tinawagan ang nag-iisang natatakbuhan ko sa oras ng sakuna. Charot lang.


"hello Mac nasan ka ngayon? "

Hindi ko na sinundan at sinundan ko ng tanong at utos. 


"sa bahay? sunduin mo nga ako dito dali! nakakaurat dito -.-"


"wag ka nang magtanong pa! oo dito sa *** oo dalian mo ah! "


nagpasundo na lang ako kay Mac. dapat pala di na ako sumama pa dito eh -.-.

edi sana masaya lang ako ngayon at nakahilata sa bahay,  sayang oras ko dito dapat natutulog na lang ako at nagpapakasaya.

dapat nanonood na lang ako ng mga MV at nakikinig sa music.

Umupo na ako dito sa may hagdanan, wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao dahil mukha akong tiinakbuhan ng kasama dito at iniwan mag-isa. pero mas pipiliin ko pang tumambay mag-isa dito kaysa makasama ang dalawang lamang lupa.



May naramdaman akong papalapit dito sa aking kinakaupuan.


"huyy Ceb joke lang ito naman balik na sa loob" sabi ni Kurt.

Tinignan ko lang siya at sumagot.


"ayoko nagpasundo na ako at uuwi na ako"


May nakisingit naman na mukhang singit na puro hangin lang naman.

"etong nerd na to iumpog kita sa pader eh kanino ka naman nagpasundo aber? At hindi pa tapos ang party."


PARTY!? sa party ang pagkakaalam ko ay ddapat nasisiyahan ako, hindi yung nagmumukhang baliw, nagpapanggap sa mga tao at nakawitness ng pagrereunion ng magkaibigan.

TSSSSSS.


"kay Mac! angal? " napatigil naman si yabang tas nakipagtinginan kay Kurt.

oh ano nanaman ang nangyayari? nakakainis na ah.


Porket wala lang sa tabi ko yung bestfriend ko, tsk. Alam niyo ba yung feeling na may magkaibigan sa harap mo tapos yung tinginan lang nila alam na nila ang iniisip ng isa't isa at ikaw ito mukhang tanga na hinuhulaan yung nasa isipan nilang dalawa.



May humintong sasakyan sa harap namin.


"Mac!" buti at nandito na siya

ayoko na makipagbangayan sa kanila nakakabingi din kasi.


"BRO! " maka bro tong Kurt na to bakulaw!

"Mac Parco? "/"Evan Tyler? "


"REUNION NA TO MGA PRE! " sigaw naman ni Mac. knowing Mac ang bibo niyan eh.

atsaka bat parang ngayon lang sila nagkita? Hindi ko na mapigilan ang curiosity kaya nagtanong na ako.


"bakit ngayon lang kayo lahat nagkita? ano yan invisible kayo sa school kaya hindi niyo nakikilala ang isa't isa? "


"nope my labs actually nakikita ko sila si Kurt syempre same unit. pero si Evan nakita ko na ata dati pero di ko lang malaman kung siya ba talaga" ah Mac as always.

at oo nga pala may napansin kayo?

si KURT! hindi na siya snob -.- yun lang pero bakulaw pa din

"at kayo pala yung kasama ni Nerdy Ceb dati. hahhaha sorry ah wala akong salamin nun. i mean contact lens"

yabang talaga. siya nga nagsasalamin pala diyan eh. lakas ng loob magreklamo na nagsasalamin ako.

"Mac uwi na tayo! "

"my labs mamaya na hindi mo sinabi na nandito pala sila. matagal ko na silang hindi nakausap Ceb"

okay ang gwapo lang ni Mac magmakaawa.

haysss magmakaawa

eh ako to edi NAAWA!

"sige na! "

at pumasok kami muli sa loob ng hall.

hayyy magiging mahabang gabi ito ah



Wag naman sana nila akong gawing alalay.

•~~~~~

Pagpasensyahan na po mga readers dahil ngayon na lamang ako nakapag-update, madami din po kasi akong ginagawa sa school. Pero sa kabila noon nagpapasalamat pa din ako sa walang sawang pagbabasa at pagsuporta. Sana po ay magbigay komento kayo at syempre boto. Sobrang laking inspirasyon po iyon sa pagsusulat.


Basahin niyo din po sana ang pinakabago kong istorya na sinusulat, "Ang Babaeng Galing Bundok". Pindutin ang link o kaya naman pumunta sa aking works.


( https://www.wattpad.com/story/71906695-ang-babaeng-galing-bundok )


Maraming Salamat sa lahat lahat.


MeiSatsu

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Where stories live. Discover now