Walang saysay nanaman ang isasagot niyang yabang na yan panigurado.

"hindi naman. nagsasabi lang ng totoo! "

HA HA HA marunong pala siyang magsabi ng totoo? Bakit parang hindi naman?

"ay aba sumusobra ka na ah! Nakakapagtaka nga at marunong ka pala magsabi ng totoo? "

Nanlaki ang mata niya at nainis.

Aba! Siya pa ang naiinis dyan!?

Pinanlakihan ko din siya ng mata at sinamaan ng tingin.

"eto naman hindi mabiro joke lang. "

Buti naman at tumitiklop to at nadadaan sa tingin. Nakakaimbyerna talaga bwisit!

ah may naisip ako! si Bes pala wala sa condo namin ngayon. tas medyo busy na din ako these past few days sa school. what if...

"may kapalit! " sigaw na sabi ko nakangiting tagumpay pa ako niyan. Kaya parang natakot siya sa pagngiti ko.

"lagi naman eh. dati nga pinaglinis mo ako ng kotse ng bestfriend mo. tapos dinadalan pa kita ng lunch tapos inutusan mo pa akong paliguan yung asong kalye. kadiri ka! Sa dami ng pwede ipagawa natripan mo pa yung asong kalye! ano naman ngayon? "


hahaha nakakatawa talaga yung araw na pinaliguan niya yung asong kalye. kainis hahaha.. pinagtitinginan siya ng mga tao nun e. Tas ako naman parang evil boss na tinatawanan siya at tinitignan ang ginagawa niya. take note may video ako niya na pinapaliguan yung asso.


kapag stressed ako pinapanood ko yun e hahaha


Pero dahil naawa ako sa kahihiyan na yun sa parte niya, hindi ko na muna ipapaulit ang ganun. Ito na lang naisip ko.

"simple lang naman. linisin mo condo ko!"


"ano ba naman Nerd puro ka na lang ba basa at aral? pati ba naman condo? edi ipalinis mo sa iba! Hindi naman ako housekeeper! "


bakit ba ang arte nito? Tsk. Edi wag kung ayaw niya madali naman ako kausapin.

"okay pumunta ka mag-isa! Lumayas ka sa harap ko leche kang reklamador na mayabang ka!"

Sabay binuksan ko na ang pinto. Hinihintay ko na lang ang paglabas niya.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil may gusto siyang sabihin pero parang nahihiya siya na nagaalinlangan.

"eh nasabi ko na na dadalhin ko girlfriend ko eh! "

aba't aba aba. sabi ko sa amin lang yun ano yang pucha na yan. Bakit!?

Hindi pwede to! Humanda ka talaga sa akin yabang.

Kaya pala di masabi sabi e.

"ano sabi ko dati!? Yang bibig mo talaga walang magandang sinasabi!"

Di talaga nakakaintindi tong lalaking to e. Sarap ipatapon sa bermuda triangle nang di na makabalik.

"pero kasi please pasensya na! Sige na Ceb ayoko mapahiya. "

yes nagsorry, may please pa. Talagang gusto niya ako sumama dun? Ano bang meron kung di ako makasama?

Pwede naman siya magpakita at magdahilan na lang. Di talaga nag-iisip, ganun pala talaga kapag puro hangin ang utak. 


nakakaawa naman talaga.


"yabang talaga. ngayon ka maglilinis ah! Pag di mo ginawa yang sinabi ko bahala ka humarap mag-isa dun. "

Nag-alinlangan siya at tumingin sa buong condo ko.

HINDI NAMAN MADUMI E, WELL MEDYO MALAKI LANG NAMAN HEHEHE. pero kahit na! Ang arte talaga e.

"pero madami tayong assignments! "

Pagrereklamo pa niya. Akala niya makakalusot siya sa akin!?

"wala akong pakialam basta yun. mamili ka,  tayong dalawa o ikaw mag-isa ang pupunta? Sinasabi ko sayo madali akong kausap a!"

Nagkamot pa siya ng ulo niya at mukhang susuko na.

Nagkibit balikat na lang siya.


syempre ang katulad niyang puro hangin ang utak ay walang kalusot sa akin. 


evil laugh!!!



"syempre tayong dalawa. alika na nga nerdy. bait mo talaga. sarap mong kotongan"



Anong alika? San pa kami pupunta nasa condo na nga kami. Kahit kelan talaga lutang na lutang tong lalaki to puro hangin kasi laman ng utak e.

May binulong siya e ano kaya yun?

"may sinasabi ka? "

"wala po boss! "

at ayun umalis na ako sa harap niya at hinayaan na siya mag-umpisa maglinis.

Makapagbasa na nga muna. Nakakastress talaga yung lalaking yun e.



•~~~

Naghahanap ba kayo ng housekeeper? Open daw ang offer para kay Evan Tyler Blitzer!

Hahahaha sana naenjoy niyo ang walang sawang bangayan nila! Salamat!

MeiSatsu

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Where stories live. Discover now