PORK CHOP-TER 24 - REVISED

Začít od začátku
                                    


"Anong ako? ha? "

hahaha ang epic talaga ng mga reaction niya. Parang nawawala siyang tao. Very amusing. So I'll act more para makita ko pa lalo ang epic expressions niya, very interesting. I WANT TO PLAY.



"Ano ba? Ganyan ka na ba kasama sa akin, parang kagabi lang ah." pagdadrama ko, halos mapunit na ata ang mukha niya sa sobrang pagkagusot.


"Anong meron kagabi? " pakiramdam ko mahihimatay na tong babaeng to. Alam ko naman na hindi siya maalam sa mga pinagsasabi ko kaya super unaware siya sa mga pinagsasabi ko kahit obvious naman gusto ko iparating.

"Alam mo na." kibit balikat kong tugon.

"WHUUUUUT!? Hindi ko alam! "

Okay hindi ko na makontrol tong tawa ko.

"HAHAHAHAHHAHAHAHAAH! "

"Bakit ka tumatawa dyan panget? "

"Nothing"

"Ewan ko sayo makauwi na nga! "

"Okay. Salamat at nagmalasakit ako sa isang taong nahimatay sa gitna ng kalsadang nabaha." I sarcastically replied. Napakagaling naman niyang magpasalamat grabe. Welcome is not enough to say.

"Nagmalasakit baka nagsamantala! "

"hoy excuse me ah ako? ako? Sa gwapo kong ito? Uh what are you talking about? "
AKO PA TALAGA ANG INAKUSAHAN NIYANG NAMANTALA?

Natulog nga ako sa sofa at sumakit ang likod ko tas ako ang namantala?

"Pwede ba panget ka, hindi ka gwapo. Gusto mo idonate ko salamin ko sayo para makita mo? "

"No, ako ang magdodonate sayo para mas lalong makita mo ang kagwapuhan ko"

Asar tong babaeng to napapaikot ako. Kanina siya ang asar na asar ngayon ako naman. Hindi ako papayag. Leche.

"kagwapuhan? baka kagaguhan. Asan mga gamit ko? " ano yung una niyang sinabi? hindi ko narinig e, baka kung anong masama ang sinabbi nun ah.

"Andun sa side table. "

"Salamat sa pananamantala panget."

"You're always welcome, balik ka dito ah" papatalo ba ako sa sinabi niya? syempre hindi tsk.


"bwisit!"




Ceith Esra's POV




Teka nga hindi ko man lang natanong kung bakit andun ako, atsaka ayoko din naman siya kausap nakakabwisit siya.

Nainis lang talaga kasi ako sa kanya dahil nakakainis talaga siya.

Hayaan na nga pwede namang tanungin sa univ, kung magkita ulit kami. E halos ilang buwan na din na hindi ko siya nakikita ngayon na lang ulit.

At saka as if kakausapin ko siya.

Pero dapat e, kailangan ko malaman ang buong nangyari sa akin.

Hay asar, ayan sumakit lalo ang ulo ko at sumama lalo ang pakiramdam ko.

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat