PORK CHOP-TER 22 - REVISED

Start from the beginning
                                    


At ha, at isa pang nakakagalit, sinabi pa niya na ang gusto niya, nakukuha niya! Tss parang hindi ko naman alam na ang album lang naman ang nakuha niya at ang indirect kiss sa akin!



Ang baliw diba? Kasi naman napakakakakaiba e. Akalain mo may gagawa nun? Pero ewan may something sa feeling. Ay ewan! Nababaliw nanaman ako. Ang hirap talaga kapag wala kang alam sa ganitong bagay.



Ang yabang niya sobra, bigyan ko pa siya ng 10 album e. Ipapakain ko talaga yung mga album na yan pagnakita ko yan sa kung saan e. Kailangan makabili na si bes para makapaghanda ako pag nagkita kami nung lalaki na sana nga hindi na dahil baka hindi ako makapagpigil at sipain ko yun sa where it hurts the most.


Mang-aagaw siya!

Second time ko makakuha ng kiss kahit pa indirect yun, big deal sa akin iyon! Sobrang nag-iinit ako sa inis! ARGGGGGH!!!

"Hinay lang bes baka sumabog na yang ugat mo sa leeg! Mamatay ka ng wala sa oras. Kita mo ang pula pula mo mukha kang kamatis."

Isa pa tong babaeng to, nakakapagpakulo ng dugo.


UGH!











"WAHHH OMG BES!!?"

Napalakas yung sigaw ni bes kaya ayan pinagtitinginan kami, kahit kelan talaga may megaphone akong laging kasama. Hays life parang buhay.

"Huwag ka ngang maingay dyan kita mong bago tayo sa environment na to e, tignan mo pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito. Ano bang meron?"



"Bes excited na ako! New friends, new school, new life, new me, new them, new YOU! "

"Ha? Anong bago sa akin? "

"hmm ...  wala pa as of now pero lets see in the near future, MUAHAHAHA."

Parang mangkukulam naman ang tawa niya, kikilabutan ba ako o matatawa? 


"Ayan ka nanaman sa masamang balak mo ah! "


"Kailan naman naging masama ang binabalak ko sayo? Excuse me look at your sexy body. Is that bad for you? Is that bad? Really?"

Well may point siya pero hindi naman kasi lahat ng balak niya mabuti noh. Gaya nung ugh, nevermind. Psh.

"Paenglish english ka na ah. Oo na, sige na, oo na po. May tiwala naman ako sayo kahit papaano."

"Aba dapat lang, Im the best bestfriend in the world!"

Habang nadaan kami sa hallway may mga bulong bulungan na hindi mawawala. As always, kasama ko ba naman yung dyosa na ito e. Sino bang hindi mapapalingon sa kanya. 



"uyy pare sexy at ang puti pa niya."

"Oo nga oh. Ang sexy din ng kasama niya kaso ang pangit! "

"hahahaha hipon"

Wow hipon na pala ako ngayon, parang nung last week lang naging pagong ako a. Ano na next?



"Ah hipon? Bestfriend ko hipon? Ano tawag sa inyo? Galamay? Galamay ng octopus? Maka Hipon ah, tao siya! Kala mo sinong gwapo mukha namang lamang lupa!"

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Where stories live. Discover now