PORK CHOP-TER 19 - REVISED

Start from the beginning
                                    






Hinila na ako ni Mac pasakay ng bus dahil nagtawag na ang mga kasama namin. Nasa likod din naman namin sila Bes. Ayun at forever na ata sila magtatalo, iba talaga yung dalawang yun walang kapagod pagod sa pagtatalo. May forever sa kanila magkapatid. Buti na lang hindi na kami masyado nagtatalo ni ate hehe.


Dahil nga hinila ako ni Mac hindi na sila nakaangal pa. Ayaw nga kasi ni bes sa naging resulta ng partners, bahala na siya dyan rinding rindi na ako sa kanila. Mas gusto ko na lang katabi to si Mac, nakita ko kanina yung laman ng bag niya eh ang daming baon. Hahaha.


Nung kami na ang susunod na aakyat sa bus, syempre nakapila kami katabi ko si Mac, tas sa likod namin yung dalawa.


Hindi ko naman napansin na sumabit pala yung bag ko dun sa may parang kawit dun sa bus, nauna kasing umakyat si Mac habang hawak yung kaliwang kamay ko. Hindi ko rin alam kung bakit hawak niya kamay ko pero hindi ko rin naman pinapansin kasi si Bes mahilig din humawak sa kamay ko. Nasanay na ako.


Medyo mahigpit pa naman ang pagkakahawak sa akin ni Mac, akala ko natanggal ko na yung pagsabit ng bag ko dun sa parte ng bus kaya nagtuloy na ako sa pag-akyat. Akala ko lang pala, nung nasa second step na ako sa hagdan ng bus, bigla kong nahila si Mac na nasa ikatlong step na ng hagdan,

Kaya sa hindi inaasahan nagtagpo ang aming mga labi.

As in super bilis lang ng pangyayari, pero parang slowmo lahat, nakita ko pa ang paglaki ng mata ko sa mismong mga mata niya. Nung natauhan kami, ganun din kami kabilis naghiwalay.

Para kasi akong nakuryente e, ewan ko lang kay Mac, buti hindi ko siya naitulak dahil siguradong babagsak kami at baka hindi kami makasama sa retreat.

Sobrang bilis nga ng pangyayari kaya pakiramdam ko walang nakakita pero feel ko din nakita yun nila bes dahil sila ang nasa likod namin. At syempre yung nagpapaakyat sa amin sa bus at yung driver at yung mga nasa unahang mga upuan ng bus. Ahhhh ang dami namang nakakita. Pwede bang kami na lang!?






Pero wala eh nangyari na, wala na rin naman kami magagawa at acccident lang talaga yun. Pero masama ba pakinggan na nagustuhan ko ang aksidenteng iyon? AHHHHH.









At muli ko nanaman naramdaman ang naramdaman ko kanina. OMG. HIndi ko alam kung ilang segundo ang tinagal nito pero yung feeling ngayon mas malalim, mas nag-iba. Ngayon nakapikit na kami at mas damang dama ko yung sarap sa pakiramdam ng halik niya. SHET. Halos maubusan na ako ng hininga mabuti na lang at bumitaw na kami. Bigla na lang akong umiwas ng tingin at napatingin sa labas ng bintana ng bus. Sa totoo lang wala pang araw dahil maaga nga ang call time namin. Napangiti ako at nakita ko sa repleksyon ng salamin na nakatingin sa akin si Mac at nakangiti. At ngumiti ako sa kanya. 

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Where stories live. Discover now