PORK CHOP-TER 14 - REVISED

Magsimula sa umpisa
                                    

Tas nung napatingin ako ng malapitan kay nerdy chubby aba isang miss beautiful pala. Walang halong bola kahit mukha siyang bola. Joke!

Pero seryoso alisin lang niya yung makapal niyang glasses at medyo ayusisn ang hairstyle pati papayatin mo pa ng onti. Laglag mga panty at brief namin! Grabe, bukod sa gwapo at matalino, nakakakita ako ng kagandahan ng isang tao. isang mabuting tao talaga ako. Nasa akin na lahat!



Ang cute cute nga ni Ceb eh. Sayang lang at ang weird ng pagkikita namin pero atleast nakilala ko siya at friends na agad kami hahaha. Mabait pa aiya at mukhang maaasahan.

Tapos sa di inaasahan may lumapit na lalaki akala ko kung sino, si Dax pala na kilala bilang Kurt. Ay kabarkada ko yun, hanggang sa umalis nga ako pero not anymore nandito na ulit ako. Nagkakilala kami dahil sa family business at talagang friendly lang ako. Akalain mo yun nakilala ko pa? eh mataba yun dati eh hahahaha

Taena okay sobrang dami ko ng tawa.

At eto na nga papunta na ako ng office dahil pinatawag daw ako. Habang naglalakad ako pinagtitinginan ako, mapababae man o lalaki. 

Iba ka talaga Mac Cael Parco. Iba ang dugo mo.

Pagkapasok ko, binati agad ako ng kung sino man.

"Good morning Mr. Parco" nagbow naman ako, kapag gwapo kailangan magalang din e. Dapat tawag niya sa akin mahal na prinsepe. Hahaha joke ulit.

"Ah Mac na lang po. bakit niyo po ako pinapatawag? "

Kumunot naman daw ang noo nung principal ata hahaha sorry naman bago lang pero mukhang principal nga talaga at dahil matalino ako at kilalang kilala ko si Kurt.

Gago si Dax, leche siya. Aba pinapunta ako dito hindi naman pala ako pinapapunta. Buti na lang hindi ako puro kagwapuhan e, matalino pa. Nag-isip naman ako ng palusot.

"Ah eh tatanong ko lang po sana kung anong section ko."

"Ah yun ba? Section 1 IV-Curie."

"Salamat po."

Lumabas na ako ng office na yun.

Tangina talaga yang Dax na yan eh lakas ng trip kakabalik ko pa lang sasalubungin ako ng panggagago sa halip na hug! Buti na lang din nagpunta ako kasi hindi ko talaga alam ang section ko.

IV-Curie, section 1, bagay ako dun hahaha. Hinanap ko yung classroom ang kaso hindi ko mahanap hanap. 

Minsan din pala ang matalino nagiging tanga bakit hindi ko tinanong kung saan?

AISH!!! Babalik nanaman ba ako dun?

Alam kong amin yung school pero nak ng teteng naman oh hindi naman ako dito nag-aaral dati e.



"nako sorry --" ay tang na juice. Ganda pare kahit medyo chubby.


"Uy Mac ikaw ba yan? " tas nakita ko siyang parang tinitignan ako mabuti saka ko lang napagtanto na si Ceb siya at nabasag ang salamin niya.

Ang ganda niya pag walang salamin. Sabi na nga ba e, gaaling ko talaga.

"Yes, Ceb! One and only."

"Nako sorry talaga Mac hindi ko sinsadya. " tas bigla siyang lumuhod at kinuha niya yung salamin niya na basag. Lagot ako paano pa siya makakakita nito?

"Nako Ceb sorry kung nabasag ko yung salamin mo."

"Ay hindi okay lang kailangan ko na din ata magpabago ng salamin kasi malabo na."

"San ka ba pupunta Mac? "

"Sa classroom ko sana kaso di ko alam kung saan. Hala paano yan may nakikita ka pa ba? Ilan to?" Pinakita ko naman ang naka-peace sign kong kamay.

"Hahaha hindi naman ako bulag, malabo lang ang mata. Wait ano ba yung section mo? "

"IV-curie."

"Halika na magkaklase pala tayo eh. " ang swerte ko naman hahahaha

"Ay talaga? Yes! may kaibigan na ako agad. "

Tumango naman siya at ngumiti. 

"Classmate mo din si Kurt at ang kakambal niya" oh si ate Liliane Cait?

Haha saya naman. May friends agad ako hahaha.

"Ganun ba edi okay. Lagot sa akin yang Kurt na yan eh. Halika na, gagantihan ko pa ang isang iyon."

At tumungo na kami sa classroom, pagkabukas ng pinto...

"oh mukhang may late tayo ah. Bawal pumasok ang late. Detention room now! "

"pero sir--" Hindi na natuloy ni Ceb ang sasabihin niya.

"No excuses. NOW" napakamot na lang ako ng ulo.

Ano bayan unang araw ko pa lang eh tas nadamay ko pa si Ceb. Nakakaturn off to.

"Sorry Ceb ah ang dami ko nang kasalanan sayo ngayong araw."

"Ah eh okay lang ... " bumuntong hininga naman siya.

"May problema ba? "

"Hindi naman ganun kalaki kaso baka makaapekto sa ranking ko ang pagkadetention ko eh. "

Hala lagot ka talaga Mac, dapat bumawi ako sakanya. Paano kaya?

"Ano ba rank mo? "

" 1" tae ang talino pala nito. Hehe bagay kami a, parehong matalino. bwahaha

Nang maalala ko ang gulo na dinala ko sakanya, napafacepalm na lang ako ang laking gulo talaga ng pinasok ko.

"Ako bahala sayo Ceb. Sa ngayon kailangan na muna kita bilhan ng bago mong salamin."

"Pero sabi sa deten---" pinutol ka naman siya ngayon.

"Akong bahala. Trust me "

aba ano pa ba ang isang MAC CAEL PARCO haha madali lang yan eh syempre anak ng may-ari ng school.

Makausap nga mamaya yung teacher na yun! Nako lagot ka sa akin dahil di mo ako tinawag na mahal na prinsepe!

___________________________________________

REVISED.

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon