PORK CHOP-TER 6 - REVISED

Depuis le début
                                    











"Hoy bes ung binilin ko kahapon sinunod mo ba? " panimula nitong si bes. Parang excited pa siya na ewan, ang bloomig eh.

"oo naman noh"


Alam niyo ba kung ano yun? Labag man sa loob ko pero ginawa ko ang binilin niya. Kasi pinilit niya ako.

Sinabi pa nga niya kukunin daw niya lahat ng kakainin ko kapag di ko ginawa yun. Edi ako ang kawawa pag hindi ko siya sinunod.



Nahirapan ako nung paggising ko, iyon agad inisip ko. Ang pinagawa niya ay wag daw ako magbaon ng kahit na anong pagkain ngayon, kahit isang piraso ng kendi. Ang lupit lang. Ano kayang meron sakanya? Iniisip ko tuloy na baka may surprise siya sa akin hehe.


"okay, bes ang first step ay ako na magbibigay sayo lahat ng kakainin mo everyday. Kahit nasa bahay ka ipapamonitor ko ang bawat galaw mo sa mga pagkain."


Okay? Anong meron kay bes? Isang nutritionist ba siya na hinire ni mom and dad for me? Oh no not again!

"Nutritionist ka ba!?"

At nakatanggap ako ng isang batok mula sa kanya.

"Sabi ko nga joke lang."

"Kung ano ano iniisip mo. Nakikinig ka ba sa akin?"

"Oo naman. Kahit tulog ako gumagana utak ko eh."

"Okay mabuti kung ganoon at naiintindihan mo ako."

"Pero huh? Para saan nanaman yang kalokohan mo bes?"



Napataas siya ng kilay. uh-oh.


"Hoy hindi to kalokohan noh. Makinig ka kung gusto mong pumayat! "


"Pumayat? Ang sarap sarap kumain eh" pero nagningning yung puso ko nung narinig ko yung sinabi niyang "pumayat". So sa taba kong ito may pag-asa pa ako pero parang ang imposible. 


On the other hand, I am silently and hopefully wishing na meron pa nga talagang way.



"Ah sige kung ayaw mo edi wag. Mula ngayon hindi na kita tutulungan pag may nambubully sayong mataba, hahayaan ko na sila apak apak lahat ng kakainin mo, hindi na kita papansinin at---"

Pero kaya ko naman noon ng wala siya ... Kaso iba na ngayon, naging dependent na ako sa kanya tapos kahit hindi ako magpaalam sa mga magulang ko saan ako pupunta eh gora sila basta siya ang kasama. Baka malungkot si mom and dad pag nalaman nilang wala nanaman akong friend.

"Oo na nga eto naman di mabiro bestfriends tayo diba? "


Nagsmirk siya ... Hay nako mapapasubok ata ako nito lagot. Pero"pumayat" ang sarap sa pandinig. Sana di lang pumayat eh, sexy pa nga sana. Haha sige mangarap ka pa Ceb.


"Very good bes. Ayan ano kinain mo sa breakfast? "


Inisip ko hmmm marami eh wait...

"Ah! Bacon, bread, rice, hotdog, ham and uhmm sobrang tamis na choco-gatas, ay gatas na choco, choco na gatas. Basta ayun, hindi ko rin alam kung choco na gatas o gatas na choco eh."

Tuwang tuwa at naglalaway pa ako nung sinabi ko yun, iniimagine ko sila.

"Okay dahil marami kang kinain dun, heto ang kakainin mo ngayon."

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant