"Ramos, lumayas ka na daw dyan" may isa pang nagsalita.

"Leslie?"

Tanong ng nasa kabilang linya. "Oo. Sino 'to?"

"Si Cy, kumusta ka?"

"Ayos naman ako. May kailangan ka ba?" tanong ko sakanya.

"Ako 'to"

Iba na pala 'yung kinakausap ko. "Gio?" tanong ko.

"Pwede rin Angelo Gabriel"

"Napatawag ka, ano'ng meron?" kaswal kong tanong sakanya.

"May load ka ba? Hindi ka nagpaparamdam sa'kin"

Susme. Akala ko kung ano na ang kailangan niya, "Meron. May ginagawa lang kami nila Charmaine"

"Tatawagan nalang kita mamaya. Sasagutin mo"

Napangiti nalang ako. May magagawa pa ba ako?

~

Nahuli ako sa pagpunta ng cafeteria. Hinintay ko pa sina Vincent at Ralph na matapos doon sa nahuli nilang seatwork. Mga late kasi pumasok kaya humabol nalang.

"Cent, huwag tayo diyan. Iwan nalang natin si Les" inaya siya ni Ralph na kumain sa labas ng campus.

"Ge. Sunod kami mamaya sa room"

Umalis silang dalawa. Iniwan lang ako dito sa labas ng cafeteria.

Hinanap ko kung saan nakapwesto sina Diwata. Pero si Gio lang ang nakita ko, mag-isa siyang nakaupo doon sa isang lamesa at kumakain na.

"Patabi" sabi ko.

Nilingon niya ako, "Namansin ka rin. Kumain ka na?"

"Di pa. Sina Charmaine?"

May tiningnan siya sa bandang unahan kaya tiningnan ko nalang rin. Nandoon sina Delfino at mukhang nabili sila ng kakainin. Kasama niya si Charmaine at Monica. "Si Marie nasaan? Tsaka sina Angel"

"Sa labas kumain sina Angel kasama si Marie. Sasama rin sina Ralph"

Kaya naman pala sa labas rin gustong kumain nila Ralph, "Bakit daw?"

"Malay ko sakanila. Gustong isama si Marie"

Kung makapag-usap kami ngayon, walang naganap na hindi pagpansin sa isa't isa. "May ipapakita ako, lapit ka"
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at may pinakita sa'kin. Lumapit ako para makita ito ng ayos, "Leche. Saan mo nakuha 'yan?" gulat kong tanong.

Picture ko 'yon no'ng bata palang ako. Saan niya nakuha 'yon? "Kay Monica, nakita niya sa photo album niyo"

Ngayon alam ko na kung ano ang tinatago nilang dalawa ni Charmaine sa'kin. Napakialaman nila 'yung photo album ko no'ng bata palang ako. Nene days kung tawagin. Jusko, napaka dugyot ko pa noong mga panahon na 'yon.

"Burahin mo 'yan, Gio"

"Ayaw" tinago niya ulit 'yung phone niya.

"Nakakahiya. Burahin mo na"

"Ayaw" ngumiti pa siya at tinuloy ang pagkain, "Titingnan ko kung kamukha ng magiging anak natin"

Ano raw?! "Leche ka. Hindi nga tayo. Burahin mo na!" naiinis ako sa utak niya. Kung saan-saan nakakarating.

"Ayaw" lumayo pa siya ng kaunti sa'kin para lang makaiwas sa pagkuha ko ng phone niya. "Sagutin mo na ako para maging tayo na"

"Jusko, Gio! Hindi ka pa yata tapos managinip"

"It looks like you're okay now" dumating na sina Diwata, "Musta naman ang pag iinarte niyong dalawa?"
"Siya 'yung unang hindi namansin" sagot kaagad ni Gio.

Mr. Know it All [EDITING]Where stories live. Discover now