Chapter 8

28 3 0
                                    


[Sherry's POV]

"M-miss..." Sinubukan kong tawagin 'yung saleslady para mag-tanong kung meron pa ba silang ibang style ng figurines ni Michael Jordan, pero hindi ko masabi dahil I'm tearing up.

Bigla nalang may humablot sa akin at pinunasan ang luha ko. "O-Oreo, sorry. Naiwan ko kasi ang phone ko sa bahay. Ngayon ko lang nabasa message mo sa'kin." Pagpapaliwanag niya. Hindi naman ako maalis sa pagkakahawak niya sakin dahil nga sa nanghina ako sa pag-iyak ko.

"Don't need to be sorry Or— I mean, Matthew." I said as I get back to my senses. "Umuwi ka na ulit. Puntahan mo si Andy baka gusto niya ulit mag-fried rice."

"Pero—" Magpupumilit pa sana siya nang inunahan ko na siya sa pagsasalita.

"I don't need your help." Sabay alis ko sa kanya. Gusto ko talagang umiyak ulit. Wala naman akong karapatang magalit. Na-late lang siya sa meeting time, it's not his fault to be with other girls especially Andy. Girlfriend niya lang ako, sa papel. But not in his mind nor his heart. Ito ba 'yung nasasaktan ka kahit wala kang kahit na katiting na karapatan sa puso niya? I'm not Andy. I'm Sherry. Akala ko magbabago na, no one will ever fall with someone like me pala. Mukhang masyado naman akong napalapit sa kanya. You should know your limits Sherry.

Pumunta muna ako sa Gazebo ng subdivision na tinitirahan namin to breathe some air. Haay. Why am I being like this? Hindi naman ako ganito. This is not my normal self.

Umabot ako ng 5 pm sa gazebo at wala akong ginawa kung hindi ang kumontra sa sarili kong thoughts. Binalak ko na ring umuwi na lang para makalma ang isip ko. Nakakainis. Hindi ko nabilhan si Daddy kahit isang gift man lang.

"I'm home." Walang gana kong sigaw pagpasok ko sa bahay.

"Welcome home honey!" Masiglang sigaw ni mom. "Kumusta date niyo? Oh, where's Matthew?"

"May gagawin pa raw po siya Mom," I lied. "Kaya hindi siya makakasama sa diner."

"Aw. Sayang naman! Nagluto pa naman ako ng specialties ko!" Pagtingin ko sa dining table, WOW. As in wow talaga, tatlo lang kaming kakain pero punong puno ang dining table naming kasya ang 14 persons.

"Mom, h-hindi ba masyadong marami yang niluto mo?" Sabi ni Dad.

"Anong marami? Kulang pa nga 'yan eh." Mom pouted.

After naming kumain ay pumasok na ako sa room ko. Buti nalang ay hindi napansin ni Mom na may iniisip akong problema for the first time. So unusual.

I didn't receive any texts or calls from him. Wala talagang texts from him? Aigoo. Hindi ako nanghihinayang. I swear.

***

[Matthew's POV]

"Thanks for the time Matty!" Sabi niya after ko siyang pagbuksan ng car door. Hinatid ko siya pauwi kasi.

"No problem, anytime." Pumasok nako sa kotse. "Well, thanks rin. Gotta go!" Sabay umuwi na rin ako.

***

3 Text Messages

From: Honey Andy

Thanks ulit Matty! I'm hoping this wouldn't be the last time, right?

Syempre hindi. Buti nalang at natuwa siya. Hindi ko na siya ni-reply-an at tinignan pa 'yung dalawa ko pang unread messages.

From: Sherry

Be sure to be here in 15 minutes, or else you'll be dead. Thanks.

What?! Damn! Nakalimutan ko 'yung lakad namin ni Andy. Tinignan ko 'yung orasan, kaka-15 minutes palang naman? Pwede pa naman siguro akong maka habol. Hindi ko na tinignan 'yung last unread na message ko at umarangkada na papunta sa Mall na 'yun. Bakit ko nakalimutan? Bakit ko kinalimutan? Bakit hindi ko naalala? Lahat nalang ng tanong kung bakit hindi ko na-alala pumapasok sa isip ko. Aigoo.

Pagkarating ko sa Mall ay hindi ko na siya makita sa Mall Entrance. Hinanap ko siya sa lahat ng pwedeng mabilhan ng gift para sa dad niya and luckily, nahanap ko naman siya.

"M-miss..." Sinubukan niyang tawagin 'yung sales lady na malapit sa kanya pero hindi na niya natuloy dahil nagsimula na siyang umiyak.

Hinablot ko siya at pinunasan ang luha niya. "O-Oreo, sorry. Naiwan ko kasi ang phone ko sa bahay. Ngayon ko lang nabasa message mo sa'kin." Pagpapaliwanag ko.

"Don't need to be sorry Or— I mean, Matthew." Oreo? Muntik na ba niyang sabihin 'yung Oreo? "Umuwi ka na ulit. Puntahan mo si Andy baka gusto niya ulit mag-fried rice." Eh? Alam niyang kasama ko si Andy?

"Pero—" Magsasalita pa sana ako pero pinutol na niya ang pagsasalita ko.

"I don't need your help." Sabi sa'kin ni Sherry at umalis sa harap ko. Damn, what I have done?! Bakit ko ba nakalimutan? Aish.

Tinignan ko yung last message at si Sherry parin pala ang nagtext.

From: Sherry
Seems like you'll be dead. Bye.


'Aasahan ko 'yan ha?'

What to do now? How can I apologize when she doesn't want to talk to me?

***

Umuwi nalang ako. Kailangan kong magisip ng maigi on how to apologize to her. I didn't call neither text her since alam ko naman na hindi niya sasagutin or ire-reply man lang ang mga 'yun.

'Girls are really, really sensitive Matty. All kinds of girls are. Kahit pa mag-kunwari sila they can't hide that. Siguro matatago nila 'yun, but that's just for a while.'

'Well, makakabawi ka sa kanya by surprises, etc. etc.'

Naalala ko 'yung mga sinabi ni Andy kanina. Paano ba ako makakabawi sa kanya?

[Sherry's POV]

Sunday. Birthday na ni dad. Wala man lang akong gift kay dad. Kaya ito nalang, I am helping mom to do the decors. This will be a small party. Just for the co-workers of dad and family friends of ours.

"Oh Matthew! Kumusta!" Sigaw ni dad. Matthew?! Did I hear it right?

Dire-diretso akong pumunta sa gate. "Bakit ka—!" Natigilan ko. Err, mali pala ako. Akala ko 'yung nakakainis na Matthew na 'yun. 'Yun pala 'yung co-worker lang nila pala ni Dad.

Nagtaka naman sila kung bakit ako biglang sumigaw ng ganun. "Sorry po." Sabay yuko at alis ko. Aish! Why am I suddenly making a fuss?!

Bumalik nalang ako sa pag-aayos ng mga decors at pag-hahanda ng foods sa sala dahil wala na akong mukhang maiharap sa 'Matthew' na co-worker ni dad.

***

"So, it's time for your gifts dad!" Sigaw ni mom.

"Mom, hindi ba, parang ginagawa mo nang childrens party ang birthday ko?" Pag-aalangan ni Dad.

"No dad! Ganun talaga!" Pagkukumbinsi ni Mom sa kanya. I chuckled.

***

"So, last but not the least! Bago ako, si Sherry muna syempre!" Sabi ni mom. What?!

"M-mom, w-wala akong—" Sabi ko kay mom pero pinutol niya ang pagsasalita ako.

"Oh! Sa'yo ba 'yung pinaka malaki?! Wow! " Sigaw ni mom. Nagulat naman ako at bakit ako biglang nagka-regalo? At napakalaki naman ng regaling to,— biruin mo, lifesized? Saan at kalian at papano ko naman to nabili?

Nilagay nila sa gitna 'yung sinasabi nilang gift ko.

"Sherry, bakit hindi ikaw ang mag-open ng gift mo?" Sabi ni mom? Mayroon ba akong hindi alam na nangyayari? Bakit ako ang mag-bubukas ng gift kung si dad naman ang may birthday?

"Pretty please? Ngalay na rin ang dad mo oh?" Sabi ni mom.

Wala na akong nagawa at binuksan na rin 'yung mysteryosong regalo na 'yun. Napasigaw nalang ako sa nakita ko.

"What the hell are doing here— on this gift?!"

I just saw Matthew on this life-size box holding a small box of gift.

Make Her FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon