Chapter 3

36 3 0
                                    

CHAPTER 3

[Matthew's POV]

'Girls are very sensitive to courtship. They value courtship so much... You and the woman you court are on the getting-to-know stage... Whether both of you are compatible with each other or not' I murmur. Binabasa ko 'yung nakuha kong libro sa library kahapon. I'm Stuck: How To Court Different Kinds Of Women. There's nothing special about the title but it seems to be helpful.

"Pfft. WAHAHAHAHA! Pre ikaw ba 'yan!"

Tinignan ko kung sino 'yung tumatawa. 'Yung mga mokong lang pala. "Tsk. Hindi ninyo ba nakikitang nagbabasa ako? Kaya please." Sabi ko habang tinititigan sila ng masama.

Pero hindi parin sila tumigil sa kakatawa. "Psh! Hindi ba kayo titigil?"

"Oy, Easy ka lang. Hahaha." Sabi ni Aki. "Nakakatawa kasi na nagbabasa ka-"

Hindi pa man siya tapos magsalita ay nagsalita na agad ako, "Matagal nakong nagbabasa, nung three years old pa ko."

"Loko." Sabay batok sa'kin ni Max. "What we mean is, nakakatawa talaga na nagbabasa ka ng books on how to court different kinds of girls. What the heck? Marunong ka naman na manligaw ah?! Two years ka na ngang nanliligaw kay Andrea di'ba?!"

Hindi ko pa sinabi sa kanila na pinapaligawan sa'kin ni Andrea si Sherry del Monte. I don't know who she is and what she look like but kilala siya sa school as a serious person not to meddle with. Base on that, I guess this won't be easy.

"I know. Pero parang hindi naman tumatalab ang sarili kong diskarte. Kailangan ko ng tulong, sa libro." I reasoned. I decided na hindi muna ipapaalam sa kanila ang utos sa'kin ni Andy. Baka malito rin sila at lalo akong hindi makapag concentrate. Nasabi ko na ba na ayaw rin ni Andy na ipaalam sa campus na nililigawan ko siya? Ang mga close friends ko lang ang pinayagan niyang makaalam.

"I gotta go." Biglaan kong sabi sa dalawa. "May gagawin pa pala ako." At nung palabas na ako ng room ay nasalubong ko naman si Andy. Nginitian ko nalang siya at umalis na.

Kakamadali kong makapunta sa library ay nabunggo ko ang isang nagmamadaling studyante rin.

"Sorry." Nagkalat 'yung mga gamit namin kaya hiniwalay ko 'yung sa'kin sa kanya. After nun inabot ko sa kanya at nginitian ito. "Nagmamadali kasi ako eh. Pasensya-"

"Magingat ka sana sa susunod." Seryoso niyang sabi. Walang ka emo-emosyon ang pagsasalita niya. Kinuha niya sakin 'yung inayos kong gamit niya at nagthank you sa'kin.

"Ah miss, may lahi kabang robot?" I chuckled.

"Wala." Tapos umalis na siya.

I... was left, Dumbfounded.

Sanay ako na lahat ng babaeng makakasalamuha ko rito sa school ay may crush sa akin. Kahit pa hindi ako kilala ang babae ay napapatunganga sila sa kagwapuhan ko. Nah, mayabang na kung mabayang but that's the truth. Pero ito? I didn't expect it to come. Nevermind. Dumeretso na ako sa Library para basahin ng seryoso ang How To Court Diff. Kinds Of Women.

'Don't ever talk rude... Give her flowers and chocolates.' Binasa ko muna 'yung tips on how to court a normal girl. Halos 100% correct ang sinasabi ng libro.

*tok* *tok* *tok*

Binaba ko ang libro ko para tignan kung sino ang kumatok ng table ko.

"Please. Wag mo naming lakasan ang pagbabasa mo. Wala namang Oral Resitation na nagaganap rito. Salamat." After that she continued reading, in front of me? Ah! Siya 'yung kaninang nabunggo ko! And as usual, walang emotions niyang sinabi sa'kin 'yun.

"Miss if you don't mind, pwede ka naming lumipat sa ibang table-" Pero pagkatingin ko puno ng tao ang library. "Ahehe. Sorry."

"Nakita mo na naman siguro? At hindi ka naman siguro kontra na nakikiupo ako dito no?"

"Hindi naman. Pwede ka rin namang umupo sa tabi ko." I smirk.

"No thanks." Then she continue reading.

"Kanina ka paba diyan?"

"10 mins." Sabi niya habang focus parin sa pagbabasa ng libro.

"Huh?" Tapos narealize ko na sinasabi niyang 10 minutes na siyang nandito. "Ahh." Tapos nanahimik na ulit ako. Then after some minutes kinausap ko siya.

"Miss."

"What?"

"Masungit."

"I know." Tapos inayos niya ang glasses niya. This girl have some guts huh? Hinayaan ko nalang siya at nilipat ko na sa page 45 ang book na binabasa ko, sa Chapter 2; Serious Type Girls. At dahil nga naiingayan ang kaharap kong babae ay tahimik nalang akong nagbasa.

'Serious type girls aren't easy to court. They are like deadly weapons. You wouldn't be hurt if you don't mess up with them...' Pagkabasa ko ng some parts, naalala ko 'yung messages namin kagabi ni Andy.

To: Honey Andy
Honey este- Andy, di'ba bestfriend mo si Sherry? Ano bang ugali niya towards the others?

From: Honey Andy
Babanat ka pa ah! Well, let me think.. Serious siya.

To: Honey Andy
'Yun lang? Serious lang?

From: Honey Andy
Yeah? Mahirap siyang makausap. Most of the time kung hindi ka niya ka close, wala talaga siyang gana makipagusap. Minsan naman, yes no, maybe at kung anu-ano one word ang sasabihin niya sayo. Swerte mo na kapag naka 5 words ka. Pero kapag nagrereklamo siya, or may kaaway siya normal na ang pananalita niya. :)
Sorry in advance Matty! ;)

To: Honey Andy
*facepalm*. Well, ano bang hitsura niya? Para naman kapag nakita ko siya makagawa na ako ng move? Teka, tutulungan mo naman ako kahit papa'no right?

From: Honey Andy
She's wearing glasses, maputi siya, long hair na may kasamang bangs. 'Yun lang.
No, what's the use then? Edi parang tinulungan na rin kitang sagutin ako. :3 I will give you some infos about her, pero you should effort to know her better yourself. Goodluck!

Teka... She's wearing glasses, Maputi, Long hair na may bangs?

Darn!

"Miss, are you Sherry Del Monte?"

"Yes." What the asdfghjkl! "I gotta go." Tumayo na siya at umalis, pero may pahabol siyang sinabi, "Don't mess with me."

FACEPALM. Siya na pala 'yun huh? Pinilit kong hindi madicourage at patuloy na nagbasa. Pero mukhang mas lalo akong nadissapoint sa nabasa ko.

'Caution: It's better not to continue if you have a plan to court girls like them. IT'S BEST TO STOP WHAT YOU ARE PLANNING AS SOON AS POSSIBLE.'

Make Her FallWhere stories live. Discover now