Chapter 1

48 3 0
                                    

"Andrea, chocolates for you!" I shouted happily while going towards Andrea, Max and Aki; my new found friends.

"Woah," amaze na sabi ni Andrea. "Thank you Matthew! How sweet of you!" Napakamot nalang ako ng ulo dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. I'm fluttered and at the same time; speechless.

And what you think is right, I'm courting Andrea.

"Nice!" Sigaw ni Max. "Ito na ba ang pagsisimula ng panliligaw mo ha?"

"Ano?" Pagtataka ni Aki. "Liligawan mo si Andrea? Nako, ang hirap niyan— Aray ko!"

Dahil sa sinabi niya, binatukan tuloy siya ni Andrea. Ako naman tawa ng tawa sa panunuod sa kanila.

As I said a while ago, they are my new found friends. First ever friends here in Pulp Colleges, even in my entire life.

I was born and raised to be the heir of the Alonzo Group of Companies. Pagkasilang ko ay iyon na agad ang inisip nila para sakin. Nung nagsimula na akong mag-aral, lagi nalang akong may bodyguard. And because of that, kahit na gusto kong makipagkaibigan sa lahat ng pwede kong kaibiganin, ay hindi ko magawa. Kaya, nasanay na ako na laging mapag-isa at walang ibang kaibigan kung hindi ang mga libro.

Nung pumasok na ako sa Pulp High, nawala nga ang mga bodyguards ko at naging normal na ang trato sa akin ng parents ko, pero nasanay na ako sa natutunan kong environment ko. And it turned out na naging gangster ako.

Inaaway ko ang lahat— kung sino man ang makita ko sa daan, kung sino man ang sumisita sa akin, at maski sarili kong pamilya inaaway ko, kahit walang dahilan para awayin sila. Kahit sarili ko ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Kahit ang totoo naman ay nagagalit ako at nalulungkot sa mga nangyari sa nakaraan ko.

But all of a sudden, nagbago ako nung naging 2nd Year College ako— ng makilala ko si Andrea. Tinamaan ako sa kanya nung una ko siyang nakilala; as in literal na tinamaan ako ng sampal niya. Pagkatapos nun, wala na. Bigla akong nagkainterest sa kanya at binalak na ligawan siya.

Inalam ko lahat ng tungkol sa kanya, at sinusundan ko siya kahit saan araw-araw. Naging stalker niya ako.

"Will you stop following me?! You're creepy!" Sigaw niya nung nalaman niyang sinusundan ko siya at tumakbo papaalis. Inisip ko na mukhang wala talaga akong pag-asa para ligawan siya.Susuko na sana ako at hindi na muli siyang susundan pa.

Bigla namang noong papatawid na siya ay may nakita akong papalapit na humaharurot na motorcycle. Mabuti nalang at mabilis akong nakatakbo papalapit sa kanya at nahablot siya.

"Uh, s-sorry." Sabi ko at umalis na pero hinawakan niya ako.

Pareho kaming tahimik, parang dina-digest pa namin yung biglaang nangyari. "Thank you," she said smiling as she kiss my cheeks.

Simula noon, nagkikita kami everyday. Or let's just say na hinanap niya ako at patuloy-tuloy na nag-t-thank you to the point na nai-inis na ako.

Things are going well. Though hanggang ngayon hindi parin ako sinasagot ni Andy. Yeah, hinayaan niya akong tawagin siya Andy as well as hahayaan ko raw siyang tawagin akong Matty. She likes ending names with a 'y', kinda corny but I have to.

"Are you done?" I said as I walk towards her.

"Yeah. Tara na?" She said smiling. I nodded.

Habang naglalakad kami, awkward silence covered us. Wala yata sa aming dalawa ang may balak na magsalita. Nagkakatinginan kami, pero ngingiti lang siya at titingin ulit sa nilalakaran namin.

"Uh," sabay kaming napasalita. Dahil 'dun, napatawa siya ng tahimik, habang ako, napangiti lang. How I love to watch her smile everyday.

"Can I ask you something?" I said finally breaking the ice.

"What is it?"

"Kailan mo ba ako sasagutin?"

"Sasagutin na kita." Biglaan niyang sabi.

"Talaga?—"

"After you court Sherry."

"What?!"

"Ligawan mo si Sherry. Make her fall in love with you. Kapag napasagot mo siya at naging kayo in 4 months, sasagutin na kita. Payag na'ko maging girlfriend mo." Seryosong sabi ni Andrea sa'kin. I was damn shock of what's happening.

"H-ha? Teka, ikaw ang nililigawan ko! No one else!" I finallu manage to say

"Edi siya naman ligawan mo." I can't believe what I just heard. And she said it in a very calm way?!

"Why are you pushing me away?"

"I'm not pushing you away, Matty. I just want to see how far can you go." Lumakad na siya palayo sa'kin, "Well then, I wish you good luck!"

My mind went blank. After a few hours wandering around, I breathe heavily. "I just have to make her fall right? Wala nang atrasan 'to."



Make Her FallWhere stories live. Discover now