SA- Chapter 63

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pancakes? Bacon? Scrambled eggs?"

"No. No. And no. Kaya halika na!"

Bumangon na ako at nag-ayos ng kama ko. Bumaba na ako. Hmmm... Smells quite like pancakes?

"Tada! It's waffles! With whipped cream, chocolate syrup, and fresh strawberries!"

"Ohmayghad! Wow! Paano nyo nagawa 'to? I mean, how'd you get it to be a... waffle?"

"Waffle iron." sabi ni Dyannth at tinuro ang waffle iron na nasa kitchen.

"RK yan eh." sabi naman ni Ashley. I just chuckled. Sasabihin ni Dyannth, 'Hindi naman.'

"Hindi naman." sabi nya. Sabi na eh. Sinabayan ko pa and mimicked her voice. Napatawa naman kami ni Ashley at si Dyannth naman, nagpout.

"Sige. Kain na nga tayo."

Nagsimula na kami kumain. Inuna ko muna ang strawberries tapos naghiwa na ng waffles. "Mmm... Sarap!"

"Mich, bakit nga pala... namamaga ang mga mata mo? Dahil ba kagabi o umiyak ka na naman? Di ka natulog noh?" sunod-sunod na tanong ni Ash.

"Huh? P-paano mo nalaman?"

"Alam kong naniningkit ka kinabukasan ng pag-iyak mo lalo na pag tinutulog mo lang pagtapos."

"You know me so well Ash." nasabi ko nalang.

"Yeah." sabi nya at sumubo ng waffles nya.

"Mich, nga pala, magkaibigan ang mga ipapakilala ko sa'yo. " sabi ni Dyannth sabay tingin sa akin.

"I don't care."

"You will care. Gwapo naman kasi mga yun."

"Eh bakit hindi nalang ikaw?"

"Blind date pa ba ibig sabihin dun? Atsaka ayaw ko muna."

Hanggang ngayon ay ayaw ko parin naman talaga makipag-date sa kung sino man yan. Tch. I don't care about that guy. Basta, plano kong umalis pagka-alis ni Dyannth.



"Michelle, hahatid ko na ikaw sa mall."

Bumaba na nga ako. I'm wearing a gray t-shirt and short shorts.

(A/N: Tama ba? Yun kasi tawag ko dun.)

Hinatid na nga nya ako dun sa mall at sinamahan pa sa restaurant. May nakita naman syang guy at kinawayan nya.

"Dyannth!" sabi nung guy.

"Hi. Anyway... This is—"

"Princess!" sabi ni... wait a minute! Sya yung tawag ng tawag sa akin ng Princess! Ugh!

"Ikaw?! I told you hindi ako si Princess!"

"Kilala nyo isa't isa?"

"Yes!" "No!"

"Well, hindi nyo talaga kilala ang isa't isa. Nico, this is Michelle. Not Princess. Mich, this is Nico, my cousin's friend." pagpapakilala ni Dyannth sa lalaking yun.

"Psh." nasabi ko nalang nang iabot nya ang kamay nya.

"Come on. Don't be rude." sabi nung Nico.

"I don't care kung rude man ako o hindi. Bahala ka!"

"Oh come on Michelle! Just take my hand." pagpipilit pa nya.

"Osige. Looks like you're having fun! Bye!" singit ni Dyannth.

"Dyannth—"

"Bye!" pagputol nya sa akin. Just like the call with Brianna. 😤😒😑

"Don't worry. Let's eat." sabi nung Nico.

"Tch." sabi ko nalang at naglakad na para tumakas.

"You're not gonna ditch a hot guy like me, are you?"

"Kapal mo eh. Kasing kapal ang isa sa mga pinakamakapal na libro sa buong mundo." hinarap ko sya.

"Katulad ng pinakamakapal na encyclopedia?"

"Sige kasing kapal ng encyclopedia."

"Kaya nga marami akong alam. Kasing kapal ng encyclopedia."

"Alam mo, para kang si Alvin—" napahinto nalang ako nang mabanggit ko ang pangalan na yun.

"Oh, anyare sayo? Bakit parang nalungkot ka?"

"N-nalungkot? H-hindi noh. W-wala 'to."

"Wala daw, eh bakit may luha na lumalabas dyan sya mga mata mo?" nag-aalala nyang tanong. Ano ba yan? Bakit palagi nalang akong umiiyak na hindi ko man lang namamalayan?

"Na naman?!" I hissed. Bakit ba iniiyakan ko sya?!

"If you need a friend, I'm just right here for you, Michelle."

Di ko malaman kung ano ang pumasok sa isip ko at nagkwento.

"Oh so your boyfriend—"

"G*gong ex."

"Ok. Your EX boyfriend broke your heart. Tapos nagpalit ka ng pangalan? Dahil pag tinatawag kang Princess, you remember him calling you by that? Ganun ba?"

Napatango nalang ako at pinunasana ang luha ko. Parang nabawasan ang bigat sa dibdib ko nang mailabas ko yun. Kahit sa isang tao na kakakilala ko lang.

"Well, it's time to move on. Grade 10 ka pa nun. College ka na. Alam mo, meron akong kilala na makakatulong sayo."

"Huh? Sino?"

"Secret. Find out. He's a friend of mine."
==========================
Si Michelle nasa pic.

Sorry guys kung boring minsan mga chapters. Sorry also for typos and wrong grammars. Thank you for your support guys! 😘😍

Dedicated to: RachelJelene! Thank you sa flood votes! 😂😍😘😊😉

Secret Admirer (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon