SA- Chapter 43

31 2 0
                                    

ALVIN'S POV
Nagtext-text ako dito kay Princess. Excited na daw sya na makita ako. Yeah, sigurado ako na ma-susurprise sya at matutuwa once makita nya ako.

(A/N: Feeler ni Alvin. Haha.)

"Alvin... Ano yan?"

"Wala lang ate."

"Wala-wala ka dyan eh ngingiti-ngiti ka nga dyan eh."

"Wala nga ate."

"Eh ano yang wallpaper mo? Diba yan yung dati nating kaservice? Yung hinalikan mo nung Pasko last year?"

"ATEEE!!!" pagpipigil ko kay ate.

"Ok. Pero diba sya nga yan? Bakit? May crush ka sa kanya noh? Yieeee!!! Lumalab layp na si Alvin! MAMA! MAMA! Si Alvin oh, luma—" napaka-ingay ni ate! Tinakpan ko nga ang bibig. "KJ mo Alvin!"

"Edi wow! KJ na kung KJ." Sabi ko at may binulong: "Napakabunganga neto. Pagnagka-asawa baka hiwalayan sya dahil bungangera..."

"Ano?!"

"Wala lang yun ate. Sabi ko lang naman, ang rason kung bakit ka hihiwalayan pagnaka-asawa ka ay dahil bungangera ka."

"ANONG SABI MO?!"

"Bungangera. Bungangera ang rason pagnagkahiwalay kayo. Di ko na uulitin kung magtanong ka ulit."

"ANONG BUNGANGERA?! Ako?!"

"Diba sabi ko pag nagtanong ka pa di ko na ikaw sasagutin. Alis! Dinidistorbo mo ako sa pagtext!" tinulak ko si ate papunta sa pinto. Bago isasarado, sinabi ko: "Isa pang dahilan kung bakit ka hihiwalayan, pakialamera ka."

Nanlaki ang mga mata ni ate at... "ANOOOOO?!"

Napakahirap magkaroon ng ate. Tsk! Tsk! Tsk! Nakakainis!

Back to my picture of Princess, nakuha ko lang ito sa fb nya. Nagpost sya at sinave ko. Galing noh? Joke. So bakit ko ginawang wallpaper yung picture nya? Simple lang. Dahil gusto ko pagmasdan ang maganda nyang mukha at gusto ko rin maalala ang nakalipas. Napakasama kong tao na gawin syang stranger dahil gusto kong itago ang sikretong nararamdaman ko.

Ang corny ko ba? Eh ganyan talaga eh. LOL.

Ngayon palang excited na ako makita ang mukha nya pag nalaman nya ako yung ka-text nya halos araw-araw. Siguro kikiligin? Crush nga ako diba?

(A/N: Hindi ka na nya crush noh! At hindi mo rin naman ako maririnig!)

Grabe. Ewan ko na kung ano gagawin ko nun. Hindi ko malaman kung ano gagawin ko kaya ngayon ay pagpapractisan ko na.

"A-ah Princess, matagal ko na ikaw mahal pero sorry kung naging torpe ako. Hindi hindi! Mali! Ang ewan ko naman kung ganun!"

Nag-isip ako. "Princess, crush kita, matagal na. Hindi eh. Ang pangit naman kung ganun."

Blah blah blah. Blah blah blah. Isip ng ganun. Isip ng ganito. Search sa internet. Search sa books. Ngayon lang ako ginanahan mag-libro. Kasi dapat may plano na ako bago magdesisyon ng ganito! Tsk tsk myself!
==========================
Tsk! Tsk! Tsk to Alvin! Kawawa ka naman! LOL.

Nga pala, ayun yung pic ni Princess, yung wallpaper ni Alvin.

Secret Admirer (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon