SA- Chapter 77

21 0 1
                                    

(A/N: Di pala reunion un. Annual homecoming pala? Hehe. Back to the story...)

ASHLEY'S POV
Nandito na kami ngayon sa Annual Homecoming. Nakita ko yung mga classmates namin nung elem at high school. Puro kamustahan. Kamusta college? Kamusta buhay? Kamusta... lovelife? Kamusta... siya? Grrrrrrr! What the f!

Umupo na kami sa isang table at nagkwentuhan at kumain.

May lumapit kela Princess, Dyannth at Nicole. Sabi magpi-picture daw ang section nila. Kami nalang ang natira dito. Nandito nga pala sila Brianna, Percia, Sophie, Rochelle, Angel, Meg at iba pa. Basta madami sila.

"Ehem ehem. Excuse me. Sorry for the interruption guys... meron lang akong gustong sabihin."

Nagpatuloy lang ako sa pag-inom ng iced tea. Masarap kasi ehh! 😍

"Nung una kitang nakita, nahuli kitang nakatingin sa akin habang may sinasabi sa kaibigan mo." the guy chuckled. Is this some kind of confession or something? Kasi kung oo aalis na ako at siguradong ka-cornyhan lang yan. "Then dumating ang intrams. Ang init nung flag ceremony noh? Pawis na pawis ako nun. Init na init. Nagpaypay ako ng pamaypay nun at di sinasadya, umakbay ako sayo nun. Kala ko kasi ikaw yung kaibigan kong nasa isang side. Halata ngang nagulat ka nun sa ginawa ko eh. Haha. Ang cute mo nun. Syempre, tinanggal ko yung pagka-akbay ko sayo nun tsaka ako umakbay sa kaibigan ko. Tsaka hindi ba PDA yun? Mabuti nalang hindi tayo nahuli ng COL."

Napatingin naman ako sa harap.

"Nung nag-high school ako, sa dismissal nakikita ko kayo madalas. Naglalaro ako nun ng volleyball malapit na mag-Acad. May narinig akong tumatawag sa akin mula sa third floor pero hindi ko pinansin at nagpatuloy sa paglalaro. Kayo pala yun. Pag nasa beagles na kami at aalis na, nakikita ko kayo na nakasunod. Nung minsan pa nga dumadaan lang kami sa isang van naririnig ko yung kaibigan mong tumitili tas magtatago. Naging ka-grupo kita nun sa isang project nung patapos na ang school year. Nagperform pa tayo sa stage sa gym kasi isa tayo sa mga nanalo. Nagperform pa kayo nun kahit graduate na kayo. The next year nag-high school na kayo. Madalas ko kayong nakikitang may tinuturo sa banda namin, sa banda ko. May isang time na lumapit kaibigan mo sa akin at pinapatanong kung anong family raw ako sa intrams. Tinanong ko sya kung sinong nagpapatanong at sabi nya ay 'secret' ng pagka-lakas-lakas. Nakita kita nun na tumatakbo. Lagi kayong dumadaan sa corridors namin. Isa pang time ay narinig ko yung pangalan ko at nakita ko na tumakbo ka papanik. Ewan ko ba pero ayaw ko mag-assume. Isa pa ay yung time na inilapit yung kaibigan mo sa kaibigan ko. Kilig na kilig kayo nun. Binulungan pa ako ng kaibigan ko, pero secret na yun. Nagbubulungan din kayo nun. Last na 'tong storya, ka-club ulit kita. Ikaw pa yung secretary. Minsan lang kita makita sa club dahil madalas ay absent ako. Pag naman nagpapapirma ka para sa attendance ay nahihiya ka. Ayaw ko parin mag-assume. Dumating na nga tayo ng college, niligawan kita, sinagot mo ko. Pero ano ba nangyari? May pagkukulang ba ako? Ano bang problema sa atin? Sige na, nagmamakaawa ako. Sabihin mo na, please. Aayusin ko, aayusin ko tayo. Please?" there was sadness in his voice when he said the last part. We had this eye contact for a minute and I saw sadness and sincerity in his eyes. "Please?"

Iniwan na nya ang mic dun at bumaba sya ng stage...

Palapit ng palapit sa akin...

Meron pang spotlight na sumusunod sa kanya. Shems! Ano na?!

He cupped my face and kissed my cheek. He whispered, "What's wrong? Why are you crying?"

"H-ha? Umiiyak ako?"

He chuckled. "Kinausap mo na ako." he smiled widely.

Tumahimik nalang ako at tumingin sa baba.

"Hey, kinausap mo na ako kanina eh. Kausapin mo naman ako, anong problema?" itinaas nya ang ulo ko at nagkaroon kami ng eye contact. Pero umiwas ako ng tingin.

"I saw you with this girl... I have to admit, maganda sya, chinita. Yinakap ka nya at niyakap mo din sya. Napakahigpit ng yakap mo sa kanya. A-at hinalikan ka pa nya! Hindi man yun sa lips pero sa cheek—"

"Bakit? Saan ba dapat kung hindi sa lips or cheeks or sa mukha ang kiss?"

I stopped for a second at hinampas sya sa dibdib. "Perv. That's not what I mean! Be serious!"

"Hindi naman yun ang iniisip ko eh. Hahahaha. Go continue."

"Hmp! As I was saying... Kiniss ka nga nya sa lips. Sinabihan mo pa sya ng 'I love you... Bye... I will miss you... Baby...'."

"Ahh... Pft! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Hey, stop laughing! Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?"

"Hahaha!"

"Hey! Ano ba Christopher!"

"Sorry, sorry. Natatawa kasi ako."

"Anong nakakatawa dun?" kumunot ang noo ko. "You were cheating on me."

"No, I wasn't." umiling-iling sya ng nakangiti.

"Huh?"

"She was my cousin."

"Whaaaaaat?? Incest?!"

"Hindi. Sya yung closest cousin ko. Sa magpi-pinsan kami yung halos magka-edad so lagi kami yung naglalaro pag may reunion. I call her baby kasi mas bata sya sa akin. You know... At nagpaalam sya sa akin nun na aalis sya ng bansa para mag-aral. So yun nga, nakita mong yumakap sya sa akin kasi ayaw nyang umalis. Yinakap ko sya at sinabing mas makakabuti yun sa kanya. Then she kissed me and whispered, 'Thank you kuya.' At sinabi ko ngang mamimiss ko sya."

"Then what's with the I love you?"

"I love you too."

"Hey! Stop joking. Just answer my question."

"Di ba pwedeng mag-I love you sa kamag-anak? Yiee. Nagseselos sya!" sinundot pa nya ako sa tagiliran. Parang nakuryente ako dun ah...

(-/////-)

"Hey Christopher..."

"Hmm?"

"I love you..."

"I love you too..."

Hinalikan nya ako sa lips. "Yan, para hindi ka magselos sa kiss ng pinsan ko."

Ang sweet nya talaga ~ ❤️💕

(///∇///)

==========================
Hey there guys! Lapit na matapos ang bakasyon, back to school ulit. Haha. So eto bago magpasukan! 😊😉😍😘❤️💕

Secret Admirer (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon