SA- Chapter 63

37 2 0
                                    

PRINCESS' POV
"Kasi mahal parin nya at di parin nakakapag-move on."

Ugh! Mas lalo akong di nakatulog dahil dun! Paulit-ulit nalang yun sa ulo ko! Mahal? Di parin nakakapag-move on? Psh! Hindi ko na mahal yung p*tang*nang g*gong yun! At nakapag-move on na ako. Matagal na.

"Bad idea turning the radio on!" pa-galit kong sabi sa sarili. Baliw!

Bigla na namang may pumasok. "Nasabi nga pala sa akin ni Ashley na umiiyak ka."

Hindi nalang ako sumagot.

"Naalala mo si Alvin. Eh kung palitan nalang kaya natin si Alvin?"

"Huh? Paano?"

"Blind date. Bukas. May kilala ako."

"Dyannth... Hindi ko kailangan nyan."

"Kailangan mo nyan. You'll thank me Mich."

"Nah. I'm sure I won't."

"So pumapayag ka na?"

"No."

"Pumayag ka na Mich."

"No."

"Michelle naman eh... Tinutulungan ka na nga." sabi nya yugyog sa akin.

"Okay."

"Yey! Maghanda ka na bukas ha? Pag di nagwork, meron pa akong kilala."

"Okay."

"Sige. Matulog ka na. Kailangan maging beautiful ka bukas."

"Kailan pa ba ako naging panget? Sa ganda kong 'to." pagbibiro ko.

"Pweh! Mga jokes mo Michelle!"

Napatawa nalang ako. Lumabas na nga sya ng room ko. Ako, di parin makatulog.

1:00 in the morning...

Waaaaaaaaaaaaah! Bakit ba?!

4:00 am...

Di parin ako makatulog! Ano ba?! Bakit nga ba?! Malambot naman ang kama. Malambot din naman ang unan. Yung pajamas ko comfortable naman. Yung t-shirt ko... Yung t-shirt ko!

"Happy birthday Princess! Eto oh, regalo ko sa'yo."

"Ano naman yan?"

"Buksan mo."

Binuksan ko nga yun. Isang t-shirt. Meron syang heart tapos nakalagay sa baba, I love Alvin. "Wow! Thank you!"

Naramdaman ko nalang na umiiyak na naman pala ako! "Ano ba Alvin?! Bakit ba hindi ka maalis sa isip ko?!"

7:00 am...

Di parin ako makatulog. Di ko na pinalitan ang suot ko kasi napapagod ako. Ayaw kong tumayo pa at maghanap tapos magpalit. Well, bad idea not trying to change. Hindi naman na ako makakapagpalit pa ngayon kasi maya-maya lang maliligo na din ako.

Hay! Ano ba pumasok sa isip ko at nagpakatamad ako?!

"PRIN— MICHELLE! Kumain ka na ng breakfast!"

"*yawn!* Dyannth! Maliligo pa ako!"

"Mamaya na! Kumain ka na muna. Lalamig na breakfast! And, I have a surprise for you!"

"Surprise? Dyannth—"

"Come on! Kain na! Favorite mo 'to!"

Secret Admirer (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon