MFLIMD: 15

37 0 3
                                    

"I'm sorry, wax. I'm sorry for hurting you, I'm sorry if I didn't trusted you enough." umiiyak na dagdag ko.

"I'm Sorry" nakayukong bulong ko dito. Bibitawan ko na sana sya kaso, pinigilan nya. Iniangat pa nya yung baba ko para magkatitigan kami. And without a word, bumaba sya para halikan ako.

Nagulat ako pero napapikit na lang din ako. Gusto kong namnamin yung halik nya, yung halik na na missed ko ng sobra.

Natatakot ako kasi baka pagkatapos nito, magising na ko sa katotohanang baka ako naman ang hindi nya mapatawad, na baka hindi na pala nya ako mahal, na panaginip lang pala ang lahat.

"nie" mahinang tawag nito sa pangalan ko ng tapusin nya ang halik. Idinikit nya yung noo nya sa noo ko.

"Wax" tawag ko din dito

"I.love.you." sabi nito sa akin habang nakapikit

"I'm sorry" sagot ko dito

"Shh. Masyado ng matagal ang apat na taon para dagdagan pa natin ang sakit. Wala kang kasalanan, biktima ka lang din dito."

Walang sagot na niyakap ko lang sya. Yung yakap na hindi ko na sya bibitawan pa.

Steph's Pov

"Nie?! Wax?!" tarantang tawag ni zoe sa dalawa. Pagkabukas nya ng pinto, naabutan namin sila na magkayakap.

"Sabi naman kasi sayo nag uusap lang sila" sita ko kay zoe, ang O.A kasi.

"Tignan mo, sinira mo tuloy yung moment nila." si Ivan

"Eh, ano. kasi." utal utal na sabi ni zoe

"Kung hindi ka agad agad pumasok, eh di sana magiging ninong na ko." sabad naman ni Stanley

"Hoy, hindi pa pwede yun. Nag aaral pa tayo." Sabi naman ni myrtle

"Tapos na ba kayo mag away?" lahat kami napalingon sa kanya

"Yannie!" sigaw ko saka tumakbo rito para yumakap.

"Missed kita! huwag ka ng magtampo sa amin ah?" sabi ko rito

"Sorry ah? nag sinungaling ako sa inyo. Matagal ko ng alam ang totoo. Ayoko lang ipaalam sa inyo. Selfish ko, ayoko kasing dumating sa point na magsusumbatan tayo eh. Natakot ako na baka mawala kayo sa akin."

Lahat kami, nakabas sa mukha namin ang pagtataka. Meaning?

"Akala namin kaya ka umalis kasi dahil kay daniella." si honey

"Oo, nasaktan din ako ng malaman ko yun, kasi It does it mean na wala na talagang pag asa. Kaya ng kantahan nyo ako sa school, tinanggihan ko kasi ayoko ng masaktan sarili ko. Ayoko ng makasakit pa ng tao." nakayukong sagot nito.

"Abnormal ka talaga!" inis na sabi dito ni zoe.

"Alam ko. Sorry guys!" sabi nito at saka yumakap sa amin.

"Group hug!" si Stanley, saka kami nagyakapan lahat.

Okay na ulit. Okay na ulit kami. Okay na lahat. Balik na ulit kami sa dati. Yung dating kami.

"huwag mo na ulit gagawin yun ah? pag may problema ka, sabihin mo sa amin, para saan pa at naging kaibigan mo kami kung huhusgahan ka lang din pala namin? huwag mong pangunahan yung oras, huh? naiintindihan mo ba Llyana?" seryosong sabi ko dito, ng lumayo kami sa isa't isa tumango naman sya.

"Kung bakit kasi naman napaka complicated nyong mga babae eh." si ivan

"Abno noh?" natatawang sabi naman ni steven.

"Nagsalita ang hindi mga abno. Hindi lang naman mga babae ang complicated eh, syempre may times na kayo din mga lalaki." kontra ni zoe dito.

Napuno ng tunog halakhak yung buong bahay.

"So, okay na kayo?" tanong ko sa kanila. Lumapit si wax kay yannie at saka hinawakan yung kamay nito, hinalikan iyon ni wax, sabay ngiti dito at sa amin. Understood na namin syempre. Ayos na nga sila.

"Eh, paano si ano?" tanong ni myrtle

"pwede umupo muna?" reklamo ko. Umupo nga kami doon sa sofa sila Ivan sa sahig na lang naupo.

"So mabalik tayo." simula ko

"Bumalik na si mama. Hindi ko pa nasasabi sa inyo, si Ivan pa lang ang nakaka alam."

"huh? kailan pa? bakit di mo nabanggit man lang sa akin to, ivan?" tanong ni zoe

"Eh, kasi si wax."

"Same day umuwi si mama, yung araw na nawala din si yannie. Gusto nyang dalhin ko sya sa bahay." paliwanag nito sabay lingon kay yannie.

"W-wax?" utal na tawag ni yannie dito. Halata kasi sa kanya na natatakot sya. Ngumiti lang si wax sa kanya at saka tinap ang ulo nito. Bumalik na nga talaga sila sa dati

"Gusto ka nyang makilala, ipinaliwanag ko kasi sa kanya na hindi ko na mahal yung babaeng ipinipilit nya sa akin, na may mahal akong iba." paliwanag nito.

"Uwi ka na sa atin. Mas masaya naman doon eh. Nandoon kaming mga kaibigan mo." Sabi ko.

"May trabaho pa ako, balak ko umuwi third week na para wala na kong maiiwan dito." sagot nito sa akin

"Ako na magpapaalam sa boss mo. Iuuwi na kita sa manila, nie. Paano ang pag aaral mo? isang linggo ka na din nawala." sabi ni wax.

Napapikit lang si yannie na akala mo nag iisip. Maya maya nga, tumango na lang sya. Si wax lang talaga ang nakakapag pabago ng desisyon nya.

"So, uuwi na kami? maiwan na kayo dito." sabi ko sa kanila

"pero." kontra na naman ni zoe

"Zoe, aalis na tayo." pigil sa kanya ni Ivan

"Sabi ko nga." sumusukong sagot nito. Wala na naman syang nagawa, pag nagiging O.a kasi sya, kontrahin lang ni Ivan lahat ng daing nya, wala na syang nagagawa, pero mamaya mag aaway din yan pero pag sinuyo sya ni Ivan, bumibigay din naman.

Isang halik nga lang sa kanya ng boyfriend nya, laglag panty na yan eh. Syempre joke lang, pero kadalasan talaga ganon, simpleng suyo lang sa kanya, okay na ulit sa kanya. Ganyan nya kamahal si ivan. Sa amin lahat, ako na lang ang pinaka saksi kung paano nila mahalin ang isa't isa. How they value the relationship they have. Hindi nila pinapalampasan yung araw pag magkaka galit sila. Rule na nga rin ata nila yon, dahil sa pagmamahal na meron sila.

pero syempre hindi nila pinaparamdam sa akin na "third wheel" ako palagi sa kanila, lumalabas sila ng dalawa lang, like Ivan and Zoe, Stanley and myrtle at Steven at honey pero mas madalas talaga na lumalabas na lang na kasama ang lahat. Mas nage enjoy kaming lahat, mas nage enjoy yung bawat isa.

My First Love is My Destiny (Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon