MFLIMD: 06

21 0 0
                                    

Yannie's Pov

Its January 10, bumalik na naman sa alaala ko ang lahat lahat. Ito ang petsa kung saan nagsimula ang lahat.

Ang 'Makilala' ko sya

Ang 'Mahalin' ko sya

Ang Saya, Kilig, Selos, at ito rin yun petsa na akala ko--

'Minahal' nya rin ako

Ang 'Kasinungalingan'

Ang 'Sakit'

Ang Iyak, Hirap at Pangungulila

Ouch, Tama nga sila na after happiness si sadness. Ganyan ang buhay wala tayong magagawa maliban sa Accept and Move on.

Nakabalik ako sa huwisyo ng marinig ko ulit yung phone ko na nagriring. Nakita ko sa screen

*Calling Zoe

"ow?" agad na tanong ko ng sagutin ko yung tawag nya

"So ilang oras ka na naman nag balik tanaw?" naiinip na tanong nito sa kabilang linya

"Gaga ka" iiling iling na sagot ko

"Masyado na kitang kilala, yannie."

"Oo na, sige na. Bumabalik pa rin, pero hindi na ganon ka sakit" sumusukong sagot ko dito

"Bilisan mo, naiinip na kami dito"

"oo na" sagot ko bago ibaba ang tawag

Nag ayos na ko. Binilisan ko na para di ako matraffic. Pag dating ko sa mall papunta na ko sa lugar kung saan kami magkikita.

Ng..

"ano to?! bulag ka ba? hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" sigaw ko habang nakatingin sa damit kong nabasa. Narinig ko nag sorry yung lalaki sakin habang pinupunasan niya yung damit ko hindi ko sya makita nakayuko kasi ako.

"Ako na!" Kinuha ko yung panyo nya di sya umiimik. Nag-angat na ko ng tingin.

Parehas kami natigagal.

"W-wax?"

"nie?" mahinang tawag nya sa pangalan ko. Lumipas yung mahigit apat na taon, na hindi kami nagkikita after ng nangyari sa bahay nila at ang di ko pagharap sa kanya noon sa bahay.

Ngayon, muli kaming pinagtagpo. Wala syang pinagbago. Ganun pa din siya. Gwapo at Simpatiko. Halos.

"wag mo kong tawaging nie. Yannie ang pangalan ko." singhal ko sa kanya ng makabawi ako

Narinig ko boses ni Zoe na tinatawag ako, pagkalapit niya natigilan din sya

"Wax?" gulat na bulalas naman ni zoe

"Hi Zoe, Long time no see. How are you?" nakangiting bati naman ni wax kay zoe, yeah magkamustahan ba?

"yeah four years to be exact. I'm okay. ikaw ba? Sino kasama mo?" pagtatanong pa rin ni zoe

"My fiancé"

napalingon ako sa kanya sa sinabi nya, saktaong nakatingin din pala sya sa akin. Umiwas agad ako.

"fiancé? And who's the lucky girl?" tanong ni zoe

"Daniella"

"How come?" si zoe, okay this is going to be crazy! Gosh.

"Excuse me but Zoe we have to go dahil naghihintay sila" Singit ko, saka gusto ko na din umalis, ayoko ng marinig pa lahat ng sasabihin niya binalingan ko din si wax nagpasalamat ako dun sa panyo sabay bigay sa kanya

My First Love is My Destiny (Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon