MFLIMD: 09

173 4 0
                                    

Daniella's Pov

"So where the hell is he?" naiinis na tanong ko sa sarili ko. Nalingat lang ako sandali, nawala na sa tabi ko.

Nag ikot ikot ako hanggang sa may makita akong pamilyar sa akin sa loob ng isang restaurant.

Si wax, kasama ang barkada ni yannie. Agad akong pumasok at lumapit sa kanila.

"Wax!" sigaw ko dito, I don't care kung may mga taong nakatingin na sa amin.

"Oh, hi, daniella? have a seat." aya sa akin nung steph ba yun?

"No, thanks. Fiancé ko ang sadya ko rito." mataray na sagot ko.

"Why don't you have to take a sit first? nagmamadali ba kayo?"

Napalingon ako sa boses na iyon na papalapit sa amin.

"So your back na pala? trying to flirt with my fiancé?" taas kilay na tanong ko

"Masyado namang mainit ulo mo, look around" utos nito, tumingin ako sa paligid, lahat ng atensyon nila na sa akin.

"Ayaw mo naman sigurong sumikat dahil sa eskandalo di ba? baka masira ang career mo nyan." mapang asar na sabi ni yannie, nakaupo na ito sa tabi ng kaibigan nya na si stanley. I remember him, sya yung sumugod noon.

Umupo ako sa bakanteng upuan, sa tabi ni wax.

"I'm warning you, yannie. Stay away from my fiancé."

"Wala namang umaagaw sa fiancé mo. Natatakot ka ba na baka hindi ka naman pala nya mahal?" nakangising sabi nito, sabay tayo.

"I have to go, may importante pa kasi akong lalakarin." paalam nito.

"wait. I forgot, something" sabi nito habang nakatayo sa harapan ko. Hindi agad ako nakahuma ng mabilis nyang makuha yung baso ng tubig sabay tapon sa mukha ko. Sabay alis na nya.

"What the fuck?!" sigaw ko

"So paano, wax? We have to go na rin." paalam ni Zoe at saka umalis.

"Oh" abot sa akin ni wax ng tissue.

"Bakit mo sya hinayaan?" sita ko dito

"Maybe because you deserved it." prangkang sagot nya, at saka tumayo at iniwan ako.

Yannie's Pov

*Im waiting here sa parking lot*

text ko kay zoe, maya maya pa nga, nandyan na sila.

"In all fairness naman, may paganon ganon ka na ah." bungad sa akin ni zoe

"Hindi naman ako papayag na magmukhang talo. Never again." nakangiting sagot ko dito

"Bet ko yun" nakangiting sabat naman ni steph.

"Kung nakita mo lang itsura nya, nie." si honey na nakangisi

"She deserved it naman. Matapos nya kong paglaruan noon? kulang pa nga ata yun eh. Siguro dapat isang balde. ganon." biro ko

"gaga ka" si steph

"So, saan ba tayo?" tanong ko.

"kahit saan" sigaw ni lang lahat.

Napadpad kami sa isang bar sa Makati, nag inom at nagkasiyahan. Nagkwentuhan ng kung ano anong bagay.

"Alam mo nie, na miss ka talaga namin." si steph

"Eh ako?" napalingon kaming lahat sa boses na sumabat

"Steven!" sigaw namin at kanya kanyang tayo para yakapin sya.

"Saktong sakto ang dating ah?" sabi ko dito

"Syempre. Nakapag enroll na rin ako sa university na pinasukan nyo, kaya bukas, tayo tayo pa rin ang magkakasama." sagot nya ng makaupo na kami lahat, malamang tumabi sya sa tabi ni honey.

"Really? wow!" si zoe

"Nag bakasyon lang ako, hindi ako nang iwan." natatawang sabi ni steven sa amin.

"So ano ang na missed kong kalokohan nyo?" tanong nito

"Sayang di ka umabot kanina, remember, wax? sila ulit ni daniella." si steph

"seriously?" gulat na tanong nya. malamang kung sila nga nagulat din eh.

"Tapos ayun, gumawa ng eskandalo si daniella, kasi hindi inaasahan nagkita kita kami sa restaurant na kinainan namin kanina." tuloy ko naman

"At syempre di nagpatalo si yannie" si honey

"Tapunan ba naman nya ng tubig sa mukha eh." si myrtle.

"Proud na sila nyan." iiling iling na sabat ng dalawa. Sabay sabay naman kaming nagtawanan.

Ang dami pa naming napag kwentuhan, hindi na nga namin napansin na mag gagabi na pala.

Hinatid nila ako sa condo ko, bukas kami pa rin ang magkakasama dahil sa may pasok na kami.

8 am na, hindi pa ko late 11 am pa naman ang klase ko. Hindi ko napansin ang haba ng tulog ko. Hang over.

Nagbabad ako sa tubig para kahit paano ay mawala yung sakit ng ulo ko. Matapos kong maligo, nagbihis na ako at nag ayos ng sarili. Nagbreak fast na din ako

Pagkarating ko sa university, saktong 10am, napansin ko yung mga taong nagkakagulo. Sa isip isip ko lang, ano ang meron?

Nakita ko steph na papalapit, tinanong ko sya agad.

"Ano kasi Yann---" Hindi nya naituloy ang sasabihin nya ng may magsalita

"Hi"

Ang mokong wag nyong sasabihin dito yon mag-aaral? binalingan ko yung pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin

"Anong ginagawa mo dito? stop calling me nie, hindi tayo close" Naiirita na naman ako. Panira ng araw!

"Dito na ko mag-aaral at saka bakit ba? Di ba nie naman talaga tawag ko sayo noon?" sagot naman nya

"Noon yon!" Magwawalk out na sana ako kaso may nakalimutan akong itanong. Kaya humarap ulit ako.

"Wag mong sabihin sa akin na dito na rin mag-aaral ang fiancé mo?"

"Cute mo talaga magselos, dont worry yannie , wala kang kaagaw sa akin dito" nakangiting sabi nito, sabay kindat.

"Kapal ng mukha! para sabihin ko sayo, ayoko lang na may mang gugulo ulit sa akin. Knowing your fiancé? napaka eskandalosang babae nya." bulalas ko rito, naiwan syang natitigilan. Tinalikuran ko na sya, pumunta na ko sa class room namin.

Nag take ako ng course na Hotel and Restaurant Management, kasama ko sila Zoe at Steph. Si Stanley naman kumuha ng kursong Architect. Si Myrtle Fashion Designer, At sina Honey at Steven naman ay Law. Si Ivan kursong Business Administration naman ang kinahiligan. Mga bigatin sila di ba?

Bago ako makapasok sa room nagulat ako sa nakita ko. Anong ginagawa nito dito?!

"Hi nie!" bati nito sa akin with matching kaway pa

"anong ginagawa mo dito?" magkasalubong na kilay na tanong ko

"Antaray! may dalaw ka ba nie?" pang aasar nito

Inirapan ko na lang sya. Di ko na pinansin, umupo na lang ako sa upuan ko, kami pa lang ang tao sa loob ng room kaya sinaksak ko muna ang earphone ko sa tenga ko, dahil malamang mabibingi ako sa kasama ko dito.

My First Love is My Destiny (Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon