MFLIMD: 05

209 4 1
                                    

Yannie's Pov

Naging kami ni wax sa nakalipas na tatlong buwan at ngayong araw four months na kami. Hindi ko siya macontact. I decided na pumunta na lang sa bahay nila, habang naglalakad napapaisip ako.

having Wax in my life? Napakaswerte ko. Every seconds, minutes, hour, tinatanong ko ang sarili ko.

Is this for real? ang first love ko, boyfriend ko na. Siya na rin kaya ang destiny ko? sa loob ng maikling panahon na pagsasama namin syempre hindi na mawawala ang Problema, pero dahil mahal ko sya lagi akong nagbibigay.

Papasok na sana ako sa loob ng makarinig ako ng dalawang tinig na naguusap sa bakuran nila Wax.

Person 1: "pano ba yan? Panalo na ko sa pustahan"

Person 2: "anong panalo ka dyan? Teka na saan na ba si Wax? dapat nandito din siya, poor little yannie walang kaalam alam."

that voice!! It's sounds so familiar habang naririnig ko pinaguusapan nila hindi ko mapigilang maluha. aw shit ang sakit! Knowing na yung taong mahal mo pinagpustahan ka lang?

mula sa likuran ko may yumakap sa akin.

---WAX MONTEVERDE!

ang taong minahal ko lang naman ng sobra sobra at nagparamdam din ng sobrang Sakit. humarap ako sa kanya at nagulat siya ng makita nya ang mga luhang naglandas sa mga mata ko

"nie?" nag aalalang tawag nya sa pangalan ko, hindi ako kumibo, patuloy lang ako sa pag iyak

"nie? Bakit? Problema?" sunod sunod na tanong nya ng di pa rin ako kumikibo

"Problema? tinatanong mo kung ano ang problema? Tang ina Wax! bakit?" sigaw ko, hindi ko na makaya. Iyak na ko ng iyak at bago ko man mapigilan ang sarili ko, nailandas ko na ang palad ko sa pisngi niya, hawak nya ang pisinging nasampal ko.

"bakit ba?! Anong kasalanan ko?!!" sumigaw si Wax na naging dahilan para mapa atras ako. Ngayon ko lang siya narinig na sumigaw ng ganon. Mula sa bakuran. Lumabas yung dalawang taong nag uusap, at ganon na lamang ang gulat na rumihistro sa mukha ko

"Yann---"

I Slapped her

"How dare you! anong kasalanan ko sayo para gawin mo to sa akin? bestfriend kita right? pinagkatiwalaan kita!" nanggigigil na sabi ko sa kanya

"Y-yannie I can explain" nauutal naman na sabi nya. Tumaas baba pa yung braso nya para sana hawakan ako pero hindi yun natutuloy.

"No. I already heard what you did. Sa mismong bibig mo pa" iiling iling na sabi ko

"D-daniella" si wax

"and you!" turo ko kay daniella "hindi mo ko hawak kaya wala kang karapatan na paglaruan ang buhay ko, lalo na pagdating sa damdamin ko!" tumalikod na ako at maglalakad na sana ng may pumigil sa braso ko

"Nie, Let me explain this please?" maririnig sa boses nya yung pakiusap pero wala, natatakpan na ng kasinungalingan at galit ang puso't isip ko.

"Narinig ko na lahat, wala ng dapat pang ipaliwanag pa" wika ko sabay kalas sa kamay niya na nakahawak sa braso ko. Nang makarating ako sa gate saka ko lang pinunasan ang mga luhang hindi ko mapigilan.

DANELLA's POV

-hi there! Wax ex girlfriend and I want to win him back. Nalaman ko yun lahat nangyari thru Hanna.

Nagulat nga ko dahil sa pagkakaalam ko bestfriend sila ni Yannie. Tinanong ko sya kung bakit. 'Basta' lang daw, hindi totoong nagpustahan kami. Kinuha namin yung cellphone ni Wax pra hindi sya macontact ni yannie. Planado ang lahat dahil napagalaman namin na pupunta si Yannie ngayon dahil sa ipinadala nitong text message kay wax.

ngayon, nangyari na ang ginusto ko. Ang magalit si yannie sa taong mahal ko. Nilapitan ko si wax na sa harapan ko

"ano pa ba ang gusto mo daniella?" galit na sabi nito sa akin.

"why are you calling me that way? It should be Sweetheart" paglalambing ko kumapit ako sa braso nya kaso pumiksi sya

"Shut up Daniella" giit nya

"Im still In love with you wax!" paghihisterikal ko

"sorry but its over" may diin sa pagdedeklara niyon.

"but wa--"

"Stop daniella! get out of here!" utos iyon.

"She's a Sl*t Wax"

lahat kami nagulat sa nagsalita. Si Cristine ang girlfriend ni ivan

"Cristine" mahinang tawag ko

"no she's not, Anong ginagawa mo dito?" galit pa rin syang tanong nito kay cristine, napalingon na naman ako ulit kay wax dahil sa naging tugon niya

"bakit mo ba sya pinagtatanggol? Ginamit mo lang naman sya di ba? Para magselos ako? Then thanks to her! Nagtagumpay kayo. Oo, Nagseselos ako. Mali ako na pinakawalan kita Wax dahil tulad nga ng sabi ko Im still in love with you." naluluha na ko. Handa na ba akong marinig lahat ng katotohanan? Handa ko bang tanggapin na may mahal ng iba si wax?

"mula ng makipagbreak ka sa akin at ipagpalit, tinuruan ko na ang sarili ko na makalimutan ka. Yeah! aaminin ko din yun nga ang unang intensyon ko pero hindi ko sinasadyang mahulog sa kanya. Yung babaeng sinasabihin nyo na sl*t ay ang babaeng mahal ko at gusto kong makasama. She's more than worth kumpara sa inyo." pagkasabi niyon ay umalis na ito, napahagulgol na ko, ang sakit sakit na malaman mo mismo sa taong mahal mo na 'Hindi ka na nya mahal'. Parang binuhusan ako ng isang nagyeyelong tubig, hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko.

Hanna's Pov

Grabe ano ba tong nagawa ko? ito na ba yung resulta ng inggit ko kay yannie? di ko matake. Ang bestfriend ko ng second year nakayanan kong saktan?

Bakit? Anong mali ang nagawa nya sa akin? napaluha na din ako sa naiisip ko. Nakakahiya, ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanila? Kulang ang salitang Sorry para sa lahat ng ito. Sa sakit na naidulot ko. Kulang ang paliwanag ko para paniwalaan pa nya ako. Kulang lahat para maibalik ko yung tiwalang ibinigay nya sa akin noon.

Yannie's Pov

Nakauwi na ko ng bahay. Pagkauwi ko di ko inaasahan. Sila kuya at ate lhen na sa bahay.

"patay na" sa isip isip ko lang kakasimula lang ng problema panibagong problema na agad?

lumapit sakin si ate lhen.

"nie? Problema?" tanong nito pagkuwan, napaiyak na ko ng tuluyan.

"ate ang sakit pala" tumutulong luhang sabi ko

"shhhh" pagpapakalma nito sa akin

"ate bakit ganon?"

"shh.. ganyan talaga pag nagmamahal" hinahagod nya yung likod ko at mula sa labas narinig ko ang mga kuya ko

"Grabe tol! tibay mo! Sinaktan mo na lahat lahat ang katatid namin, may gana ka pa ring magpakita? wala ka ng karapatan dito! Lumayas ka na"

narinig ko may tumatawag sa akin ng tumingin ako kay ate.

"nahingi mo na ba ang paliwanag niya?"

umiling lang ako

"Yaaniiie!" sigaw niya

"bakit ate mali ba?"

"Importante na marinig mo ang paliwanag niya nie. Iba pa rin yung Fact na maririnig mo mismo sa bibig niya ang katotohanan"

-End of Flashback during High School days

My First Love is My Destiny (Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon