MFLIMD: 12

23 0 0
                                    

Hindi ko na pinansin kung marami ng taong nakiki nood ng drama namin, ayoko man sya na mapahiya, ayoko rin naman magsinungaling sa sarili ko. Alam ko sa sarili ko na matagal ko na syang napatawad. Hindi ko lang inaasahan na babalik yung sakit na naramdaman ko noon.

Siguro para sa iba ang O.A, kasi naman apat na taon tapos di ka makapag move on? ang malala pa dun, napaka ikli pa ng pinagsamahan namin. Ang hindi nyo lang kasi alam, mahirap talaga makapag move on sa taong minahal mo ng sobra sobra, kahit sabihin mo na maikli ang pinagsamahan nyo. Hindi naman kasi iyon ang sukatan doon eh.

Ikaw na sinaktan ka ng taong minahal mo, at sinaktan ka ng best friend mo. Dalawang taong napaka halaga sa akin ang nagdulot sa akin ng sobrang lalim na sugat sa puso ko. Alam ko, okay na ako.

Hindi na ako tumuloy pa sa pagpasok sa klase, umuwi na lang ako pero hindi para mag stay, kung hindi para lang kumuha ng mga gamit ko. Hindi ko alam kung saan ako mapapadpad, ang alam ko lang gusto ko na muna ulit lumayo.

Gusto ko na munang lumayo sa lahat ng sakit, alam kong hindi pwedeng tatakbuhan ko na lang to lagi, but can I be alone just this time? kahit ngayon lang. Gusto kong mag isip, gusto ko munang magpahinga.

Hindi ko alam kung anong bus ba tong nasakyan ko, pero wala akong paki alam. Narinig kong nag ring yung cellphone na hawak ko, pagkatingin ko si Zoe iyon.

"Yannie?! My god! where are you? alam kong may mali kami, and we're sorry for that. Hindi mo naman kailangan umalis. Saan ka ba pupunta? iniwan mo pa kotse mo. Pinag alala mo kami! pupuntahan ka namin, tell me, where are you?" tuloy tuloy na tanong nito

"I'm fine, zoe. Just let me be alone, just this time" pagkasabi ko noon, agad kong tinapos yung tawag. pinatay ko na din yung cellphone ko, alam ko kasing hindi nila ako titigilan hanggang hindi nila ako makita.

Zoe's Pov

"Pinatay nya na." nanlulumong sabi ko sa kanila.

"Shit" pagmumura ni wax

"Saan ko sya mahahanap ngayon?!" tanong nito

"Ganon ba ako kahirap mapatawad sa kasalanang di ko naman nagawa?" tanong na naman nya

"Pre" si ivan

"Ang gago ko kasi, van. Ang tanga tanga ko"

"Gago ka naman kasi talaga noon pa" sabad ko, umupo ako sa tapat nila. Palpak ang plano eh, sinundan agad namin si yannie, ang kaso hindi na namin sya naabutan sa condo niya, dahil sa may spare key ako, kaya nakapasok kami. Magulong kwarto ang bumungad sa amin, nawawala din ang iba nyang gamit.

"Zoe?" si ivan na may halong paninita sa boses

"Okay lang, totoo naman sinasabi ng girlfriend mo eh."

"Hindi mo ba naisip, wax? nakapag move on na sya ang kaso bumalik lahat dahil nandyan pa rin sa paligid yung taong naging dahilan ng pagkasira nyo" sabad ni myrtle.

"you mean?" si honey

"Si daniella, fiancé mo sya di ba? naalala mo ba ng maeskandalo kami sa restaurant noon ng dahil sa kanya?" tuloy ni myrtle sa sinasabi nya

napaisip ako, Oo nga? bakit nga ba nawala sa utak ko yon?

"Shit" mura ko sabay hilamos ng palad ko sa mukha ko

"Bakit nga ba nawala sa isip ko yon?" tanong ko sa kanila

"Hindi naman namin alam ang plano nyo, ang sabi nyo saka nya na ipapaliwanag yung mangyayari." sabad ni honey sa amin

"Where can I find her?" tanong ni wax

"Let's give her space na hinihingi nya. After a week, kapag hindi pa sya bumalik, simulan natin ang paghahanap." si steph

"kahit yun man lang ibigay na muna natin sa kanya. Hindi natin maisisisi si yannie, dahil pinangunahan natin sya sa desisyon nya. Kaibigan nya tayo, Oo, pero it doesn't give the permission to us para magdesisyon sa buhay nya." dugtong ni steph sa sinasabi nya

"Try ko kontakin si yannie" si stanley

"Don't." pigil ko dito. "hayaan na muna natin sya, kung iyon ang gusto nya."

Wax Pov

One week. One week lang ang ibibigay ko sayo nie. I'm going to find you, hindi mo ako matatakasan.

"Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako." bulong ko sa hangin. Nakauwi na ako ng bahay galing sa condo ni yannie

"Sir wax?" napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Lumapit ako dito at binuksan iyon, nagulat ako kung sino ang nakita ko.

"Ma?!"

"Hi, honey." bati sa akin ng mama ko

"Anong ginagawa nyo dito?" gulat pa rin na tanong ko dito

"Surprising you?" sagot nito sa akin

"Bumaba ka na muna, nagpahanda ako ng pagkain." sabi nito na tinanguan ko lang, bago ako bumaba tinawagan ko muna si ivan.

"bakit?" tanong nito sa kabilang linya

"May problema" sabi ko dito

"Anong nangyari?"

"Si mama, nandito"

"are you freakin' serious?!" di makapaniwalang tanong nito, napabuntong hininga na lang ako.

"Problema nga yan pre"

"Anong--"

"Sir wax? pinapatawag na po kayo ng mama nyo" rinig kong tawag ng katulong namin.

"Sige pre, pupunta na lang ako dyan bukas." paalam ko dito at saka pinatay na ang tawag.

"Nandyan ka na pala, umupo ka na dyan." si mama, umupo ako sa tabi nya. Nagsandok ako ng pagkain ko

"Napa aga po ata ang balik nyo?" tanong ko dito

"How's the wedding preparation?" tanong nito, sabi ko na nga ba ito ang pinunta nya dito eh.

"Ma?" tawag ko dito, nabitawan ko din yung kutsara't tinidor na hawak ko

"Nagsumbong sa akin si daniella" seryosong sabi nito sa akin

"Sino yung yannie? ex mo daw yun eh, sabi nya sya daw yung babaeng naging dahilan ng paglalasing mo noon. Sinasabi ko lang sayo wax, tantanan mo kung ano mang kalokohan yang ginagawa mo." seryosong banta nya

"Ma, pwede ba? ako ang anak mo, hindi si daniella. Sana hindi na lang kayo pumunta dito kung dahil lang din pala dyan." kalmadong sagot ko dito bago tumayo at saka umakyat ulit sa kwarto ko.

Nakakainis na nakaka bwisit! alam naman nyang ayaw na ayaw kong pinag uusapan ang lintik na kasal na yan, pero pinagpipilitan pa rin nya.

"Wax! open the door, huwag kang bastos! hayan ba ang natutunan mo sa babaeng yon?!" sigaw nito, dinamay pa nya si yannie. Binuksan ko yung pinto

"Ma pwede ba? I'm too old for this! hindi na ako bata para diktahan nyo pa ako." iritadong sagot ko

"Sinasagot sagot mo na ako?!" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin

"No, ma. I want you to understand na may pakiramdam din ako. Hindi ako robot, ma. Alam mong hindi ko na mahal yung taong ipinipilit nyo sa akin." paliwanag ko

"At sino ang mahal mo? yun bang babae na yun na sumira sayo?" tanong nito sa akin

"Hindi nya ako sinira ma, ako ang nakasira. Ako ang nakasakit dito. Wala syang kasalanan, kung meron man, yun ay ang mahalin nya ako ng sobra sobra." sagot ko, medyo kumalma naman ang itsura ng mama ko'

"I want to meet her."

"Ayun nga ang problema ko pa, nilayasan nya kami."

"huh?"

"Nasaktan ko na naman sya m-ma." naiiyak na pag amin ko

My First Love is My Destiny (Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon