Chapter 26: like there is tomorrow

Start from the beginning
                                    


[Leanna Paige Mojica, I presume?]



Nanginig ang kaibuturan ng kaluluwa ko nang marinig ang isang malamig na boses mula sa kabilang linya. "Si..no... po s-si..la?"



[I am FaIL, my dear Sky...]



The man on the line chuckled when he heard my gasp. Kinakabahan ako. Doble pa kaysa naramdaman ko kanina.



Naalala ko rin ang mga sinabi niya sa akin sa huling chat namin sa website na iyun.



Sisingilin niya raw ako sa tamang panahon dahil sa impormasyon na binigay niya, though hindi talaga nakatulong ang sinabi niya.



"What do you want?" matapang na tanong ko. "Ang sabi mo noon ay sisingilin mo ako, di ba? Pasensiya na... Wala akong pera."



That man chuckled again.



[My, my. Hindi pa pwede na tumawag ako para magbigay ng clue tungkol sa killer? Don't worry, it is for free...]



"Why would you give such info easily? After all, your job is to sell information." Something is off.



[Ouch... Nasaktan ako dun, ha? De bale. This is the clue: The man who are killing people around you is nearer than you thought. And that man is just your age. Everything is about revenge.]



Nanigas ako sa sobrang kaba. Revenge? Because of me?



"So, what about this revenge, FaIL?"



[Tsk. Tsk. Revenge for what you have done before...]



Biglang naalala ko si Heidi. Naalala ko ang araw na iyun.



Ang pinakahuling araw ng aming pagkakaibigan. Si Heidi, Elena, at ako.



Magkakasama kami palagi noon. Pero, simula nang naging mas close sila ni Heidi, parang naging isang hangin. Hangin na kailanman hindi mararamdaman.



I felt that pang of jealousy within me, pero hinayaan ko iyun. Ngunit habang tumatagal, ako ang nalilimutan ng dalawa.

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Where stories live. Discover now