Ang mundo ay umiikot sa mahika. Maraming nilalang ang nagkakaisa upang panatilihin ang kapayaan ng mundo.
Sa mundong nilikha ng diyos, mga nilalang ay makikilala bilang mga...
Tao
Salamangkero
Mangkukulam
Hunter
At mga
Dragon
Naging magkakaibigan ang mga nilalang na ito.
Ang mga dragon ay nakatira sa timog silangan.
Ang mga tao ay nakatira sa ibat-ibang bahagi ng hilaga, silangan, kanluran, at timog.
Ang mga mangkukulam ay kadalasang nakikita sa hilaga. Kung saan ang temperatura at panahon ay malamig.
Ang mga salamangkero ay nakatira sa kanluran ng mundo. Sila ay mga imortal. May mahaba silang buhay di gaya ng mga mangkukulam.
Ang mga hunter naman ay nakatira sa gawing silangan ng mundo. Kung saan ang araw ay unang sumisikat. Madaming magagandang lugar dito at mga masasarap ng prutas.
Subalit...
Isang trahedya ang nangyari sa isang tao. Walang isa man ang umamin sa nangyaring ito. Ngunit dahil sa nasa timog silangang bahagi nakita ang bangkay at dahil sa mga nakitang sugat na tila gawa ng dragon, mga dragon ang napagbintangan.
Sobrang natakot ang mga tao kaya gumawa agad ang hari ng isang desperadong galaw. At yaon ay patayin lahat ng dragon para sa ikatatahimik ng lahat.
Nagpadala siya ng mga mangkukulam, hunter, salamangkero, at ibang mga mortal upang lupigin ang mga dragon.
Maraming namatay sa hukbo ng hari ngunit mas marami sa mga dragon.
Kahit mga itlog palang ay pinatay nila. Wala silang itinira kahit na isa. Lahat ng makita nila ay pinatay nila... walang natira...
Pero may isang itlog ang hindi nila napansin. Ang itlog ng isang apoy na dragon...
Nag simula ang pagkaubos ng mga dragon sa lugar na tinatawag na...
Dragons Den
Ang tahanan ng mga dragon.
At sa lugar ding yaon magtatapos ang lahat...
Muling babangon ang natirang dragon. Maghahanap ng mga kasagutan. At sa lugar na iyon makikilala niya ang isang dalaga.
Paano kaya nila masasagip ang mundo dahil sa mahikang nagwawala sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. At muli ito ang...
Dragons Den
--------------------------------------------------—-----------------------------------------------
Yeah guys!!!!! sorry po kung medyo maikli. Tsaka kung medyo boring ang prologue. Anyway prologue palang naman.
Guys sana po sa mga susunod pang chapter basahin nio parin po.
Ano kaya ang mangyayari?
Paano niya makikilala yung dalaga?
Hindi kaya matakot ang dalaga sa kaniya?
STAY TUNE GUYS!!!!(⊙︿⊙✿)~^O^~☺😀😍😜😛😁😂
YOU ARE READING
Dragons Den-The Past Awakens-HIATUS
AdventureNoong unang siglo nabuhay ang mga dragon. Nakasama nila ang mga tao. Ngunit dahil sa isang di malamang pagkamatay ng tao, pinagbintangan ng hari ang mga dragon. Nagpadala ang hari ng mga sundalo, mangkukulam, salamangkero at mga hunter upang patayin...
