“Ice !”

Mejo tumaas ang kilay ko . “Bat andito ka ? Maya pa lesson natin ah .” sabi ko .

Iniabot nito sakin ang dalang paper bag . “Pasensya . Natagalan .”

Kinuha ko ang paper bag at sinilip ang laman . Yun yung tshirt na pinahiram ko sa kanya .

“Talagang sinoli mo pa ah .” sabi ko habang sinisilid sa bag ko ang paper bag . “E bat nga andito ka ?”

“Oooyy ligaw stage na yan !”

Lumingon ako kay Kuya Baste na nasa likod ko . Andami na palang tao sa labas na nakatingin sa amin . Namula na naman tuloy ako . Shit bakit ba namumula ako ?

“Muka mo . Umuwi ka na nga lang !” sita ko kay Kuya Baste . Ngumiti lang naman ito .

“Hahaha . Ang kulit naman nun .” komento ni Royce .

Napakamot ako sa batok ko . “Wag mo pansinin yun . May saltik yun e .” sabi ko .

Lumapit naman ito sakin at bumulong . “Let’s skip the lesson for today . Magaling ka na naman e . Tinatamad ako magturo . Jamming na lang tayo .”

Tiningnan ko sya ng kakaiba . Kung bar na naman ang pupuntahan namin , hindi na talaga ako sasama .

“Hey , hey . . . Don’t give me that look . Hindi na sa bar .” sabi nito .

“O e saan pala ?” tanong ko .

“Basta .” At hinila nya na ang kamay ko at ipinasok ako sa loob ng kotse nya .

***

May pagka weird din tong si Royce e . Dalhin ba naman ako sa Quantum . Oo nga at naglalaro din talaga ako lagi dito . Hindi shocking yun . Pero yung makita ko na naglalaro ito ? Na-uh !

Hinila nya na naman ako dun sa Basketball Game .

“Ano Ice , paramihin natin ang ticket ! Kasi gusto kong kunin yung prize nay un oh !” sabi nito at itinuro ang isang maliit na Teddy Bear sa display window .

“Game . Ilang ticket na ba meron ka jan ?” sabi ko naman .

“34 na lang ang kulang . Kunin natin ah . May pagbibigyan ako e .” sabi nitong nakangiti .

“Ok . Game !” sabi ko naman . Naisip ko nab aka ibibigay nito ang Teddy Bear kay Cherish .

Nagsimula na kami . Tawa ako ng tawa kasi puro yabang lang pala meron tong Royce na to ! Hindi naman makashoot e ! Halos puro ako ang nakakapoints ! HAHAHA . Naka ilang rounds pa kami . Hindi yata nauubusan ng energy ito e kahit na bulok sa Basketball . Marami na nga ang nanonood sa amin e . Actually sakin lang pala . Kasi nga ako lang naman ang score-maker . HAHAHA .

“Shoot mo na lahat Ice ! Wala na akong token ! Last minute na ! Kaya mo yan !” sigaw nito . Hindi na ito naglalaro . Nakasandal na lang ito sa tabi kasama ng ibang onlookers . Pinupunasan nito ang tagaktak ng pawis sa mukha . Nadidistract ako sa ginagawa nya . Ano bay an !

Nag focus na lang ako sa paglalaro . Kita ko naman na kinukwenta na nito ang naipon na tickets . Maya-maya pa ay natapos na ang laro pero marami pa rin akong naishoot . Sigawan naman ang mga onlookers . Napangiti ako . Hehe . Wala e , sikat e . Yabang lang . HAHA .

“Kuya ! Ang galing mo naman ! HIHI . Ano name mo ?” sabi sa akin ng isang dalagita , siguro age 14 or 15 . Humahagikgik naman ang isa pang kasama nito na malamang ay ka-age nya din . Kinukurot naman nya ito sa tagiliran kasi parang kiti-kiti ang isang bata .

“Ah , eh . . .” Napakamot ako sa ulo ko . Napagkamalan na naman akong lalaki . -_-

Buti na lang nadistract kami ng biglang sumigaw si Royce .

The Ice Breaker [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora