Chapter 7

138K 3K 39
                                    


Chapter 7
Start

Kinabukasan ay bumalik ang lahat sa normal. When I opened the door, nandoon na sa may gilid ang brown paperbag at alam ko na kung ano ang laman noon at kung kanino 'yon galing.

I did my usual routine after I ate my breakfast from Daniel and went to school afterwards.

Dapat ay handa na ako sa mga maririnig ko ngayon pero hindi ko
maiwasan ang mairita. Daniel and Cara's duet yesterday is the talk of almost the whole student body today. Mula sa pagpasok ko sa gate ay silang dalawa na ang naririnig kong usapan.

I tried to block everything from my ears pero pakiramdam ko'y nananadya silang lahat at pinaparinig talaga sa akin ang malalakas na bulungan nila.

I survived walking in the hallway but I guess the gossips inside the room is worst. Siyempre'y kaklase namin si Daniel. Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon?

When I sat on my usual chair, naisip kong napakamalas ko pala talagang tao dahil dakilang chismosa ang dalawang babaeng nasa harapan ko.

I mentally sighed and put an earphones. I shuffled my favorite playlist at halos itodo ko na ang volume wag ko lang marinig ang pag-uusap ng mga tao sa paligid ko.

Hindi rin nagtagal ay nakita ko si Kley at Raymond na pumasok sa front door. The last one to went inside the room was Daniel na agad akong nahanap sa loob ng classroom.

Mabilis naman akong nagheads down na para bang hindi ko siya nakita't inaantok ako. Para akong kriminal na may pinagtataguan at hindi niya dapat makita dahil siya ang pulis.

Naramdaman ko ang paggalaw ng earphones ko ngunit hindi ko ito pinansin dahil ayokong mag-angat ng tingin. He's the one sitting beside me. Siya lang ang gagawa noon at ayoko siyang pansinin.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka-heads down pero nakatapos ako ng anim na kanta sa aking playlist.

Naramdaman ko ang marahan na pagtanggal ni Daniel sa aking left earphone. I closed my eyes upang magkunwaring natutulog when he suddenly lean on me.

"Heads up, beautiful." he huskily said. "Nandito na ang prof." sabi niya't mabilis akong nag-angat ng tingin.

Nag-aayos palang ng gamit ang professor ko sa teacher's desk kaya naman nagmamadali akong tinanggal ang aking earphones. Tinago ko 'yon sa aking bag kasama ang aking cellphone at nilabas ang filler binder notebook ko at isang black ballpen upang makapagsulat ng lecture ngayong araw.

"Saw your playlist. The one that you're listening to earlier." biglang bulong sa akin ni Daniel.

"Ganon ba?" sabi ko nalang sa kaniya.

"Yeah... so you like slow jam songs." he said. "I like it too but I'm more on acoustic and sentimental rock."

"Of course. We're different. What do you expect?" I tried to make a point.

"Oh... you're right. We're different."
tumango-tango siya't hindi na nagsalita muli dahil nag-umpisa na ang professor namin para sa kaniyang klase.

It was a good thing that I was able to focus during her lecture. When the class' finished I immediately saw Nica waiting outside our room.

"Hi, Nica!" rinig kong bati ni Kley kay Nica't kumakaway-kaway pa.

Nica's forehead creased because of Kley's greeting saka nag-iwas ng tingin dito.

"Hay, Scarlett..." inakbayan ako ni Kley. "Bakit ang sungit ng bestfriend mo lagi?"

"Bakit mo siya inaakbayan?" mariing tanong ni Daniel kay Kley at mabilis na lumipad ang kamay ni Kley paalis sa aking balikat.

Dreams Into RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon