Chapter 1

309K 5.4K 330
                                    


Chapter 1
Welcome

Huminga ako ng malalim at binuksan na ang pintuan upang makapasok na ako sa school.

And why am I not surprise?

Of course, nandito ngayon si Daniel sa harap ng aking unit. Nakahalukipkip siya habang nakangiting nakatingin sa akin at halatang kanina pa akong hinihintay na lumabas.

"Good morning, honey." nakangiting bati nya sa akin. "Coffee.." sabi nya at binigay sa akin ang caramel macchiato na binili nya sa cafe sa baba ng condo.

Magmula ng malaman nyang paborito ko ang caramel macchiato'y lagi na nya akong binibili nito every morning kasama na rin ang isang cinnamon waffle.

"And cinnamon waffle, of course." at inabot rin sa akin ang isang maliit na brown bag kung saan nakalagay ang waffle.

"Salamat sa libreng breakfast, Daniel." pagpapasalamat ko't nilagpasan na sya.

Magmula rin ng sinimulan nya akong bigyan ng coffee't waffle sa umaga'y nakasanayan ko na ring huwag ng kumain ng umagahan dahil binibigyan nya naman ako nito.

"Sabay na tayong pumasok." pag-aaya nya sa aking sabay pumasok.

Ilang beses na nya akong sinubukang ayain papasok pero isa lang ang lagi kong sagot sa kanya.

"No thanks, Daniel." sabi ko't sumisip sa caramel macchiato na binili nya para sa akin habang hinihintay ang paglapag ng elevator sa ground floor.

"But it's raining, honey." sabi nya. "Mahihirapan kang magcommute. Baka ma-late ka."

"Daniel, malapit lang ang university't isang jeep lang 'yon. Wala pang five minutes ay makakarating na ako doon." sabi ko.

Bago pa sya makasagot ulit ay tumunog na ang elevator na hudyat na nasa tamang palapag na kami.

Mabilis akong lumabas ng elevator at syempre'y nakasunod naman agad sa akin si Daniel para pilitin nya akong sumama sa kanya.

"But it's different now, honey." pagpilit nya. "It's raining outside."

"Bakit? Lumayo ba ang university dahil umuulan?" sarkastikong tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Nope. But rain can cause traffic." sabi nya.

"Para namang special ang sasakyan mo't hindi sya mas-stuck sa traffic." pagbabasag ko sa kanyang sagot.

"Hindi ko naman sinabing hindi nas-stuck sa traffic ang kotse ko pero may iba tayong pwedeng daanan na mas malapit kaysa sa dinadaanan ng jeep." he explained.

"Thanks but no thanks, Daniel." ngumiti ako't hinarap sya. "Marami pa akong oras at hindi ako mala-late. Kung ako sayo, kunin mo na ang kotse mo sa parking dahil baka ikaw pa ang ma-late. Okay? Salamat ulit."

Nilagay ko muna sa loob ng aking bag ang waffle para mahawakan ko ang payong dahil ang isang kamay ko'y nakahawak sa kape.

"Ingat ka nalang." sabi ko't sumugod na sa ulan upang makasakay na ng jeep.

Habang nasa jeep ay nilantakan ko na ang waffle at inubos ko na rin ang kape't tinapon sa basurahan sa may harapan ng jeep.

Hindi ko alam kung may sumpa ba si Daniel pero mukhang nagkatotoo ang iniisip nyang ma-traffic dahil talagang na-traffic nga kami. Pero okay lang dahil meron pa naman akong fifteen minutes at may fifteen minutes grace period pa.

Nang makarating ako sa school ay bubuksan ko na dapat ang payong ko nang makita ko si Daniel sa may babaan ng jeep na may hawak na payong.

He's waiting for me.

Dreams Into RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon