Chapter 3

165K 3.8K 118
                                    


Chapter 3
Honey

"Daniel! I still want to dance more!" reklamo ko nang hatakin na ako ni Daniel pabalik sa table namin.

Wala na doon ang pinsan ko't pati na rin ang iba pa naming kasama kaya naman napatingin ako pabalik sa dance floor kung saan nakita kong sumasayaw sila doon kasama ang ilang hindi pamilyar na mga babae.

"No, Scarlett! You're loosing your control already." mariing sabi ni Daniel at pinasok ako sa loob saka mabilis na umupo sa tabi ko upang hindi na ako makaalis pa.

"It's boring in here.." ngumuso ako habang tinitignan ang whiskey'ng hindi naubos sa aking harapan.

Kanina'y naka-inom ako ng dalawang whiskey galing sa mga nagr-rounds na waiter sa may dancefloor at nang papangatlo na sana ako'y pinagalitan na ako ni Daniel.

I didn't know that partying will be this good. Sana'y noon palang pala ay lumabas na ako kasama si Nica. Sa tingin ko'y magugustuhan nya rin ito.

"Can I drink this?" nagpapaawa kong tanong kay Daniel habang turo-turo ang whiskey sa aking harapan.

"No." simpleng sagot nya. "Pinagbigyan na kita kanina. Nakadalawang shots ka na. That's enough."

"But I'm thirsty.." at muli akong ngumuso saka humalukipkip.

Napabuntong hininga naman sya. "I'll order you a juice without an alcohol. Plus, water too." sabi nya. "Hindi ka pwedeng uminom ng marami. Hindi pa mataas ang alcohol tolerance mo. Maghinay-hinay ka muna."

"Pero kaya ko pa naman eh. I'm not yet drunk." pagpupumilit ko.

"At sa tingin mo'y hihintayin ko pa ang malasing ka?" sarkastiko nyang tanong at ngumisi. "Not a chance, missy. And besides, even if you're not drunk, you're already tipsy."

"No, I'm not! I'm still sober." sabi ko't pumangalumbaba sa table.

"You tell me you're sober but your actions say otherwise." sabi nya. "You'll drink juice or water. That's final!"

"Kaya ko namang magtimpla ng juice at maraming tubig sa bahay. Sana pala sa bahay nalang ako." nagtatampo kong sabi.

Narinig ko naman syang bahagyang tumawa kaya mabilis ko syang nilingon at kumunot ang aking noo.

"Bakit mo ako pinagtatawanan?" nakakunot-noo kong tanong.

"I don't know if it's better that you're tipsy because you're so cute and you're even interacting with me in this kind of sweet way or if you're sober na halos kainin mo ako sa sobrang inis mo at sinusungitan mo ako." sabi nya. "Both are very admirable, Scarlett. Well.. what's not to like anyway."

Napanguso nalang ako sa kanyang sinabi't walang sabing isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat.

He chuckled at inayos ang pagkakasandal ng aking ulo sa kanyang balikat.

"I think I kinda like the tipsy Scarlett more." bulong nya't naramdaman ko rin ang kanyang ulo sa akin.

Ipinikit ko ang aking mga mata't hindi ko alam kung bakit nahihilo ako samantalang dalawang shots palang naman ang nainom ko. Ganoon ba kababa ang alcohol tolerance ko?

"Dan, my cousin's already wasted?" rinig ko ang boses ng pinsan ko.

Gusto ko sanang silipin ang pinsan ko pero tinatamad na akong buksan ang mga mata ko.

Dreams Into RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon