𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 13

Magsimula sa umpisa
                                    

"Lahat." Saad nito kaya natawa ako.

"Sige lang. Anong tanong mo?"

"Yung about sa number two, paano 'yon? Hindi ko pa nasasabi sa magulang ko na may boyfriend na ako at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila 'yon. First boyfriend kita kaya magugulat 'yon."

Nagulat ako sa sinabi niya at nakaramdam ng saya. Hindi ko alam kung bakit. "First boyfriend mo 'ko?"

"Oo,"

Napangiti ako. "Sa ganda mong 'yan? Ako ang first mo?"

"Tss. Piskot!" Sagot lang nito.

"Don't worry, ako na ang bahala do'n."

Hindi siya nagsalita, pero siguro naman ay tumango ito sa kabilang linya.

"Yung rule number 4, anong itsura ng ex-girlfriend mo? Kasi baka mamaya dyosa pala 'yon tapos ako mukhang engkanto. Ewan ko na lang talaga kung mapabalik mo pa 'yon."

Sinaway ko siya. "'Wag mo ngang sabihin 'yan sa sarili mo. Don't underestimate your beauty, maganda ka. Period. And I'll buy you stuff for you to become more beautiful."

Tahimik lang siya sa kabilang linya. Kaya nagtanong ako. "Bakit natahimik ka?"

"Wala." Sa tingin ko ay nakangiti ito sa kabilang linya.

Muli siyang nagtanong, "Rule number 5, ano 'to?"

"Walang ibang lalake ang dapat na lumapit sayo bukod sa akin at gano'n ka rin, hindi ka pupuwedeng lumapit sa kanila."

"Bakit naman gano'n?" Tila dismayadong saad nito.

"Kasi seloso ako, saka para na rin sa'yo. Para hindi ka pag isipan ng ibang tao na may boyfriend ka, tapos makikita ka nila na kasama mo ang ibang lalake."

Matagal bago ito nakasagot. "Dwight, friendly akong tao kaya natural sa akin makipag usap sa ibang tao, hindi lang sa lalake pati sa babae rin. Kaya mukhang mahirap yung hinihiling mo."

I pouted, then I looked at the ceiling. "Hanggang maari lang naman."

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Okay."

"May tanong ka pa?"

"Hmm, about sa rule number 7, paano ko ba itatanong sa'yo 'to."

I chuckled. "Oh, It's simple. No kissing same as rule number 11, but if you want-one of these, puwede natin pag usapan 'yan. I can teach you. Magsabi ka lang."

"Psh, giatay," natawa ako nung marinig ko 'yon.

"Just kidding." Tawa ko.

"What about the last one?" Tanong niya.

I sighed, then said, "That's the first thing you should keep in mind. Remind yourself not to fall in love with me."

Narinig kong tumikhim ito, "Hmp! Baka ikaw pa ang mainlove sa akin.. sa ganda kong 'to!"

Very confident. I like that.

"We'll see then," sagot ko sa kaniya. May kaba sa dibdib ko, pero hindi ko na lang pinansin iyon. Kasi kilala ko naman ang sarili ko, hindi mangyayari 'yon basta hindi ako maaattached sa kaniya. Sana nga hehe.

"Okay,"

"Wala ka ng ibang tanong?"

"Wala na.. Pero may gusto sana akong sabihin sa'yo. Magkikita kaya tayo dito bukas? Medyo personal kasi, hindi about dito sa contract."

"Oh, I see." Sagot ko saka nag isip kung anong schedule ko bukas. Mukhang importante nga ang sasabihin niya. "Hmm, siguro maaga na lang akong papasok bukas para mag abot tayo."

DLS 1: A DEAL WITH MY SISTER'S BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon