19 ~ Race IV - The Prize

Start from the beginning
                                    

"Come'on Charlton iwasan mong magdikit ang sasakyan nyo dahil may magnet ang kotse nya, hinahatak nya ang tracking device na nakakabit sa sasakyan mo." Bilin ng Tito nya kaya bahagya syang umiwas. "Next curve magbawas ka at kapag nakalagpas ka na saka ka bumuwelta."

"O-okey po." Hindi talaga maalis ang kaba nya sa dibdib tapos naiintimidate pa sya sa Tito nya dati-rati naman ay hindi.

"Unahan mo sya sa gitna para mas mabilis ang takbo mo." Nauuna lang ng kaunti sa kanya si Ryxer pero kaya nya pa ito pantayan. "Five hundred meter away before the next curve, hurry!" Nagdagdag sya ng bilis hanggang sa makapantay nya na ang sasakyan ng binata.

Ngayon nya lang nasubukan ang magpatakbo ng sobrang bilis at halo-halo na ang emosyon na nararamdaman nya sa mga oras na 'yon.

"You need to drift Charlton, go!" Pagkasabi no'n ay kinapitan nya ng maigi ang manibela para makapagdrift sya habang ang isang kamay nya ay nasa kambyo naman nakasuporta.

"Waahh!" Sigaw nya ng mapagtagumpayan nya ang paglihis ng sasakyan nya. Hindi pa sya gano'n kagaling magdrift pero at least kahit papano ay marunong naman sya.

"Good job! Another five hundred meter to finish the first round."

"Okey Tito!" Deretso na ulit ang daan na mas gusto nya kaysa sa maraming pakurba talagang nahihirapan sya. "Shit." Mura nya ng maunahan sya ni Ryxer. Wala talaga itong balak magpatalo.

"Come'on! Come'on!" May himig na pagmamadali sa boses nito. Kaya tinapakan nya pa ng husto ang gas hanggang sa makarating na sya sa team nya.

Parang mga hangin ang bawat kilos ng magkakapatid na Lane, gusto talaga ng mga itong manalo sya. Nang marinig nya ang pagtapik ni Mazda sa bintana nya na nagsasabing pwede na syang lumarga ay pinahaharutot nya na talaga ang sasakyan.

"Magbawas ka lang sa pakurbang daan Charlton."

"Opo." Sinipat nya sa kanyang side mirror ang humaharurot na sasakyan ni Ryxer upang mapantayan sya.

Tama nga si Mazda na mas bibilis ang pagpapalit ng gulong at pagdagdag ng gas kapag ang mga ito ang gumawa. Advantage na sa kanya na mabilis ang team nya pero ang advantage ni Ryxer ay kabisado na nito ang daan siguro kahit nakapikit ito ay malalaman pa din nito kung saan ang may pakurbang daan o wala.

"Last laps na Charlton, hold on." Kausap nya sa kanyang sarili habang mahigpit ang kapit sa manibela at kambyo.

Narinig nya ang isang malakas na kulog dahilan para maghiyawan ang mga tao sa buong paligid. Tinted ang sasakyan na gamit nya kaya naman hindi sya sigurado kung makulimlim ba dahil kung titignan ay talagang makulimlim talaga.

"Stay still, kulog lang 'yan hindi pa uulan." Pagpapalakas ng loob sa kanya ng kanyang Tito. "Focus Charlton." Tumango-tango sya kahit hindi sya nito nakikita.

Kinagat nya ang pang-ibabang labi ng maungusan na sya ni Ryxer. Ganito ba talaga ito kadesperadong manalo? Ganito ba nito talaga kamahal si Lindsay?

"Ryxer, alam kong wala ng pag-asa pero heto pa din ako umaasa na sana dumating 'yung oras na ako na lang ulit ang nakikita mo, sana ako na lang ulit 'yung inaalagaan mo at sana ako na lang ulit 'yung laman ng puso mo." Garalgal ngunit mahinang usal nya.

Kung maririnig sya ng Tito Carlie nya ay wala na syang pakialam. Hindi nya na kasi kayang itago pa 'yung tunay nyang nararamdaman para sa binata. Kahit anong galit ang isiksik nya sa isip nya sa huli ang puso nya pa din ang nagdidikta sa kanya.

"Kung hindi mo na kaya pwede ka naman huminto, don't push yourself to do what you don't want to do Charlton."

"Tito, bakit gano'n? Bakit may mga taong bigla na lang nang-iiwan?" Kusang tumulo ang luha nya at wala syang planong pigilan iyon. Nagpapanggap syang malakas pero ang totoo sobrang lambot ng puso nya.

RACE 1: Left Behind Where stories live. Discover now