Chapter 13.2.3

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wala..." Hindi ko rin naman feel makipag-mingle at hindi 'yun ang nature ko.

"Tao po!  Tao po!"

Nagkatinginan lang kami ni Katie. I actually knew that voice...

"Ako na..." Nakita ko kaagad ang uneasiness sa kanya. Babae ang tumawag at kung hindi ako nagkakamali ay si Alexa 'yun. Pero bakit nandito na naman siya? Naalala ba niyang birthday ko ngayon? Though not even once, hindi siya nakalimot sa birthday ko.

"Happy Birthday!" Kulang na lang ay isigaw niya ang pagbati kasabayan ang dalawang kaibigan niya, sina Julia at Jane.

"Anong ginagawa n'yo dito?" Pinaghalinhinan ko sila nang tingin.  O-oh, this is not good. For sure, issue 'to sa jealous girlfriend ko.

"It's your birthday, right?" Si Alexa na agad pa akong niyakap. Jeez, I'm dead kapag nakita 'to ni Katie.

"Hindi mo man lang ba kami papapasukin?" Si Julia na kumindat-kindat pa.

"Sure, pasok kayo." Anyaya ko pa at pinapasok sila sa loob.  Paglingon ko sa may kusina ay agad kong nasalubong ang titig ni Katie. She's serious. Totally not good.

"May dala kaming wine for you." Si Jane na bahagya pang inalog ang wine. Mamahaling wine 'yun for sure. Galing din naman sila sa may kayang pamilya.

"Hindi na sana kayo nag-abala." Napakamot na lang ako ng ulo.

"May handa ka ba? Gusto mong i-treat ka namin out?" Si Alexa na  mukhang pinaghandaan talaga ang birthday ko. Kung hindi ako nagkakamali ay suot niya ang dress na binili ko para sa kanya noong mag-birthday siya. Halos isang buwan kong pinagtrabahuhan ang regalo kong iyon sa kanya. And now, I am not sure what message is she trying to convey.

"No need!" Oh here she goes... Nakapamaywang na lumabas si Katie. Tiningnan niya isa-isa ang mga bisita ko.

"Oh hi there, Katie!" Si Alexa, trying to be nice and friendly.

"Hi to you."  Mapaklang.sagot pa niya at sarkastikong ngumiti. "So, timing naman kayo. Me and her mom are cooking something for him."

"Really? That would be nice." Tumingin naman si Alexa sa mga kaibigan niya. "By the way, I would like you to meet my friends, this is Julia." Itinuro pa ng kamay niya si Julia.

"Hi there, Katie!" Medyo kumaway pa si Julia with her sarcastic grin.

"Hi..." Matabang na bati lang niya. Not interesting mode on.

"And this is Jane," Patuloy pa ni Alexa sabay turo din kay Jane.

"Hi Katie!" Si Jane na lumapit pa talaga at nakipagkamay.

"Hey," She faked her smile and I knew it.  Medyo hindi nalalayo ang kamalditan niya kay Katie.

Disaster 'to, sigurado ako.

********

KATIE's POV

What the hell are they doing here?! I can't believe this! Ganito na ba karami ang makikiri sa mundo ngayon?! At wow! Nagsama pa talaga! Oh come on!

"So, Ricky? Did you guys elope?" Tanong pa ni Jane at pinilit kong ngumiti nang maayos. Take your nose off our business, bitch.

"No, mahabang story." Sagot ni baby.

"And, we want to keep it private." Sabat ko naman with my ever dreary smile.

I am not stupid, I knew those looks. Pagbuhulin ko kaya silang tatlo? But wait, why am I so affected with them? I just hate them! I know their type! They are the types who'll just jump on my man once I take my eyes off him.

"If I am not mistaking, ikaw ang nag-iisang anak n'ung mayamang business tycoon na si Don Alonzo del Castillo?" Sabi n'ung Julia.

"Yes, I think that's me." I tried to smile but I don't know kung anong reaksyon ang rumerehistro sa mukha ko.

"Oh by the way," Si Alexa na agad pang may kinuhang kung ano sa bag niya.  I did not take my eyes off her. "Ricky, this is for you." Lumapit pa siya sa boyfriend ko at nagpa-cute pa talaga?! Aish!

"Naku, thank you ha." Oh come on, pangit! Umayos ka!

"Open it!" Excited much eh?

Medyo alanganin si Ricky at napatingin pa talaga siya sa akin. I just nodded kahit na parang ayaw kong pabuksan sa kanya 'yun. At pagbukas niya sa gift ay gan'un na lang ang gulat ko pagkakita doon.   What the hell is that? Ballpen? Ang yaman-yaman niya, ballpen ang ibinigay niya?! 

"Wow, thank you ha."  Napatitig ako sa kanya at hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko.  Huh? Masaya na siya sa ganoong gift?!

"I have your name engraved to it. Diba 'yan 'yung gustung-gusto mo noon?"  Nakangiting sabi pa ni Alexa.

Tumingin ako kay Ricky at ngiting-ngiti siyang tumango.  Hindi ko nakita ang ganoong reaction sa relong ibinigay ko sa kanya.  Mas masaya siya sa ganoon ka-cheap na regalo?

"Oo nga, naalala mo pa rin pala. Thank you ha." Mariin kong kinagat ang labi ko upang pigilan ang emosyon.  You're breaking my heart, baby.

"You're welcome..."  Matamis pa siyang ngumiti at bahagya akong tinapunan nang ngiti.

"Naku Katie, baka masunog ang niluluto mo, sayang naman ang gift mo sa boyfriend mo." Nakangising sabi pa ni Alexa. God, I hate her.

"I gave him a watch, if you're familiar..." I gently grabbed his wrist and show it to her.

"Whoa... this is expensive."  Namilog ang mga mata niya. Nakiusyoso rin ang dalawang makiri niyang mga kaibigan.

"Wow, you're truly rich!" That's Jane, she looked amused. "Hindi lang halata sa gayak mo today."  Mapang-uya pa niyang sabi.

"Excuse me?" Bahagya akong kumunot. "I'm cooking." Sarcastic akong ngumiti.

"Stop teasing her, girls. Pasensya ka na, Katie. Playful lang talaga sila." Sabat pa ni Alexa ulit and I find that hard to believe.

"I'm cool." I'm totally pissed.

"But I thought, Ricky is not the materialistic type? He doesn't like expensive gifts, right?" Si Julia. I want to cut her tongue!

"Oo naman," Alexa again. "'Yung last gift ko sa kanya noon sa pagkakatanda ko, ipinagluto ko siya ng fishball. Tanda mo 'yun, Ricky? Inubos mo 'yung isang bowl."

"Oo nga, sumakit nga tiyan ko noon." Nakangiting pag-alala pa niya at hindi ko naiwasang masaktan. They have beautiful memories together? Where that does leave me? We barely knew each other.

"I remember that! Ilang beses ka nga nag-CR n'un!" Hindi ko na alam kung sino ang nagsalita because my mind flew somewhere.

I quietly go back at the kitchen at  hindi man lang naramdaman ni Ricky ang pag-alis ko. Back here, I can hear them laughing hard. He's happier with them.  At kumikirot ang puso ko dahil doon. 

"Katie? Okay ka lang, hija?" Napaigtad ako sa gulat.  I forgot nandito nga pala ang nanay niya.

"Opo, ako na po diyan." Boluntaryo ko pa.  Shit Katie! What is going on with you?! Hindi ka naman ganyan dati a? You never back down! E ngayon? Ano na? Natabunan ka na lang nila nang basta-basta?!

"Hija, masusunog-" Alanganin pang kinuha sa akin ni nanay ang sandok.  Nawawala ako sa sarili ko! This is not good!

"S-sorry po..." Yumuko ako at nakaramdam nang hiya. Bakit ba nagpapa-apekto ka sa Alexa na 'yun? Boyfriend mo naman na si Ricky diba? Ano pang ikinakatakot mo?

"Sige na, maligo ka na at magpaganda ka nang husto ha." Pampalakas loob pa ni nanay sa akin. Ramdam ko ang suporta niya at masaya akong marinig sa kanya iyon.

Umakyat at bumaba ako sa ikalawang palapag ng bahay nila pero hindi man lang ako pansin ni Ricky. Busy siya sa pakikipagtawanan at sa pag-alala sa mga old days nila together. Talo yata ako pagdating d'un. Wala pa kaming ganoong karaming memories. I felt really sad that I have nothing to share yet. Hindi pa nga maganda ang umpisa namin.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon